Chapter 32 : SUNFLOWER

1010 Words
Caleigh's p.o.v " okay ka lang? " napalingon naman ako sa paparating na si neo.. kumuha sya nang bangkito tapos ay tinabihan nya ako at saka ko nalang ibinaling ulit yung tingin ko sa langit.. " oo naman. " sagot ko sakanya tapos ay nginitian ko sya nang tipid.. napatingin naman sya sa araw tapos ay bigla kong naalala yung kinuwento ni sir albert samin kanina.. " nga pala.. " paninimula ko pang sabi sakanya.. agad agad naman nyang ibinaling yung tingin nya sakin habang ako ay nakatingin sa kalangitan.. " sabihin mo nga sakin yung totoo... " " nasiraan ka ba talaga nang sinasakyan mo kaya ka bumaba dito , o hinahanap mo  talaga si luna ? " tanong ko sakanya tapos ay unti unti kong ibinaling yung tingin ko sakanya.. sabi nya kasi nung una , nasira daw yung sinasakyan nya kaya bumagsak sya dito.. kaya lang ang nakakapagtaka doon.. wala namang akong nakitang kahit anong bagay na pwedeng sakyan nung bumagsak sya.. bumuntong hininga naman sya tapos ay napayuko pero ibinalik din naman nya agad yung tingin nya sakin at saka tipid nya akong nginitian.. " parehas. " maiksing sagot nya pa habang nakatitig sya sa mga mata ko.. nanatili lang yung tingin ko sakanya pero kumunot yung noo ko.. umiwas sya nang tingin sakin tapos ay pinaghawak pa nya yung mga kamay nya habang nakatingin nang diretso.. " nasira talaga yung sinasakyan ko patawid nang kabilang planeta.. " " pero sa tinagal tagal kong ginagamit yung sasakyang yon.. " " eto ang unang beses na ibinagsak ako non sa planetang to.. " sabi pa nya sakin tapos ay unti unti nyang ibinaling yung tingin nya sakin.. " sa tingin ko.. " " nandito sa planeta nyo si luna , caleigh. " seryoso pa nyang pagkakasabi sakin.. tinitigan ko naman yung mata nya na parang sabik na sabik na talaga syang makita si luna.. " ano bang palatandaan mo bukod sa maganda si luna? " tanong ko pa sakanya.. napakamot naman sya sa ulo nya at agad agad na nag isip.. maghanap nang babaeng lumiliwanag no.. baka imbes na si luna yung mahanap namin , white lady na pala yung kaharap naming dalawa.. " kung nagkatawang tao siguro si luna.. " " meron syang maliit na balat sa may kanang kamay nya.. " sagot naman nya sakin.. napaiwas nalang ako nang tingin at napakamot sa ulo.. maliit na balat sa kanang kamay? ang hirap naman nyan neo.. " yun lang? " nakakunot na noong tanong ko pa sakanya.. tinitigan naman nya ako at saka nag isip ulit.. " yung mga mata nya.. " sabi pa nya tapos ay ibinaling nya yung tingin nya sa mata ko.. " kakulay yon nang mga mata mo.. " dagdag pa nyang sabi sakin... napaiwas naman ako nang tingin at pasimpleng tumingin sa kanang kamay ko , pero wala akong nakitang balat doon.. kakulay ko lang nang mata. pero hindi ako si luna. " sige , susubukan nating hanapin si luna. " maiksing pagkakasabi ko sakanya tapos ay tumingin nalang ako nang diretso.. napakabait ko naman masyado.. kahit na mahal ko sya , tutulungan ko syang hanapin yung tinitibok nang bato nya. " w-wag na... " maiksing sagot nya sakin.. agad agad namang kumunot yung noo ko habang tinitignan sya na nakatingin nang diretso at tipid na nakangiti.. " ayaw mo bang tulungan kita , hah? " tanong ko sakanya.. nilingon naman nya ako tapos ay tumango tango sya.. " mahirap hanapin yung mga bagay na ayaw magpahanap. " maiksing sagot nya sakin.. para namang biglang may tumusok sa puso ko nang marinig ko mula sakanya yon.. hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako nang konti sa sinabi nya.. ang lupit naman masyado nang tadhana para sayo sayo.. nagmahal ka lang naman , pero bakit kailangang mas masaktan ka nang ganyan? napalunok nalang ako habang tinititigan sya na nakatitig sa mga puno sa harapan.. hinawakan ko naman yung likod nya at marahan ko 'yong hinimas himas tapos ay natawa sya sa ginawa ko.. " okay lang yan.. " " wag ka nang malungkot. " pabirong sabi ko pa sakanya tapos ay umiling iling sya at natatawa tawa pa habang nakatingin sakin.. " bakit naman ako malulungkot? " nakangiti nyang sabi sakin tapos ay iniwas nya yung tingin nya bigla.. " e katabi ko yung source of happiness ko? " dagdag pa nyang sabi habang nakatingin parin sya nang diretso.. ibinaba ko nalang yung kamay ko na nakahawak sa likod nya tapos ay iniwas ko nalang din yung tingin ko sakanya at hindi na nagsalita pa.. wag naman kasing bigla biglang bumabanat nang ganyan neo.. natatameme ako bigla e. " caleigh oh.. " napatingin naman ako doon sa tatlong pirasong sunflower na itinapat nya sa mukha ko.. napatingin naman ako sakanya tapos ay napangiti.. " ano yan? " natatawang tanong ko pa sakanya.. " sunflower. " maiksing sagot nya sakin habang nakatingin pa sya doon sa hawak hawak nyang sunflower na nasa tapat nang mukha ko.. " bakit b-binibigyan mo ko nyan? " dagdag na tanong ko pa sakanya tapos ay kinuha nya yung kamay ko at saka ipinahawak sakin yung sunflower na binibigay nya.. " diba favourite flower mo yan? " nakangiting tanong nya pa sakin.. pinasingkit ko nalang yung mata ko at natawa nang mahina.. hindi ko naman sinabi sakanya na favourite flower ko tong sunflower e.. p-pano nya nalaman yon? nababasa parin ba nya hanggang ngayon yung tumatakbo sa utak ko? " pano mo nalaman na favourite flower ko tong sunflower? " nagtatakang tanong ko pa sakanya.. agad agad naman syang napaiwas nang tingin tapos ay napakamot sa ulo.. " n-nanghula lang.. " " hindi ko naman inexpect na tatama pala ako e. " sagot naman nya sakin tapos ay ibinalik nya yung tingin nya sa mga mata ko at saka sya ngumiti habang itinataas taas pa nya yung dalawang kilay nya.. napangiti nalang ako habang tinitignan sya.. " thank you dito , ang ganda. " " sobra. " sabi ko pa sakanya tapos ay itinaas ko pa yung tatlong sunflower na binigay nya at inamoy pa yon.. natawa naman sya nang mahina tapos ay tumango tango sya sakin.. " welcome , hehe. " " pero mas maganda ka parin dyan syempre. " pabirong sabi nya sakin at saka ako napangiti nalang.. tinitigan ko namang yung mga sunflower na binigay nya.. first time kong mabigyan nang bulaklak sa buong buhay ko.. ang dami kong first time na naranasan sayo neo.. pati ata first heartbreak ko.. sayo ko rin mararanasan neo. para akong biglang naiyak dahil sa pag ooverthink ko nanaman sa mga pangyayaring ganito.. nandito pa sya caleigh.. nasa tabi mo pa sya. sulitin mo nalang hanggat nandyan pa , para sa huli.. hindi ka magsisisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD