Chapter 31 : BIRTHDAY WISH

1006 Words
Caleigh's p.o.v " ay wait.. " napatingin ako kay neo na nakatingin sa pagkain na parang may nakalimutan pa syang sabihin sakin.. " bago tayo kumain , blow mo muna yung candle nang cake mo.. " dagdag pa nyang sabi habang nakangiti pa sakin.. tipid nalang din akong ngumiti sakanya tapos ay tumango tango nalang ako.. agad agad naman nyang sinindihan yung candle na nakatusok sa cake tapos ay umayos sya nang upo at tinitigan nya ako habang nakangiti sya.. saglit akong napatitig sakanya.. kinabisado yung itsura ng mukha nya tapos ay iniwas ko nalang ulit yon. agad agad akong pumikit habang nakatapat ako sa cake.. pagkapikit ko ay bumuntong hininga nalang muna ako at binulong sa isipan ko yung wish ko.. Lord , alam ko pong hindi nyo pababayaan sila mama dyan sa taas.. Pakisabi nalang po sakanila na sobrang mahal na mahal ko silang dalawa ni papa.. Thank you po sa another year na pinagkaloob nyo sakin.. Pasensya na po kayo , kung minsan ay nakakaisip ako nang hindi maganda  Wish ko po.. Na sana kapag umalis na si neo at bumalik na sya sa planeta nila.. Sana ay magkita pa ulit kami kahit na saglit lang.. at sana , mahanap na nya si luna. agad agad akong dumilat tapos ay hinipan ko na yung kandila at saka sya pumalakpak habang nakangiti sakin... " sana matupad mo yung wish mo.. " sincere nyang sabi sakin.. napabuntong hininga nalang ako at saka sya tipid na nginitian.. " sana nga matupad yung wish ko.. " sabi ko sakanya at saka kami nagtitigan nang ilang minuto sa mata.. Kung mahanap mo man si luna.. Sana sa pagkakataong 'to ay mapansin ka nya at ikaw nalang yung piliin nya.. masaya ako kapag masaya ka.. palagi mo kong pinapasaya kaya susuportahan kita kung saan o kanino ka sasaya.. " kain na tayo! " masigla nyang sabi sakin tapos ay sinalinan nya ko sa plato ko nang mga gusto kong pagkain na nasa harapan namin.. napayuko nalang ako at hinawakan yung kutsara at tinidor tapos ay inumpisahan ko nang kumain.. sobra akong malulungkot kapag nawala ka neo.. kung pwede lang sana na dito ka nalang sa tabi ko habang buhay.. habang kumakain kami ay ganon parin naman sya.. madaldal kahit na minsan ay punong puno na yung bibig nya.. ang dami dami nyang tanong sakin , pero sinasagot ko naman lahat nang 'yon.. nang matapos kaming kumain ay kumuha sya nang kutsilyo at ibinigay nya sakin yon.. nakangiti ko namang tinanggap yon tapos ay tinignan ko sya saglit at saka ko ibinaling yung tingin ko sa cake tapos ay hiniwaan ko na yon.. kinuha ko naman yung platito nya at saka ko nilagyan yon nang sliced cake.. nang kukuha na ko nang sakin ay bigla syang tumayo tapos ay dumutdot sya nang chocolate icing sa may gilid nang cake gamit yung hintuturo nya at saka nya ipinahid sa kamay ko yon.. napatigil naman ako sa paghihiwa at saka ko sya dahan dahang binalingan nang tingin habang may chocolate icing ako sa may ilong.. pagkatitig ko sa mata nya ay napakalaki na nang ngiti nya habang tinuturo turo pa ko.. " alam mo bagay sayo.. " maloko pa nyang sabi sakin at saka sya nag cross arms habang tinitignan ako at natatawa tawa pa sya.. " pero mas bagay parin tayo. " dagdag pa nyang sabi at saka sya nag focus sa mata ko.. dahan dahan ko namang binitiwan yung kutsilyo na nasa cake parin tapos ay pasimple akong kumuha nang icing at saka ko inilagay sa likod ko yung kamay ko.. nginitian ko naman sya tapos ay unti unti akong lumapit sakanya.. " sobrang bagay talaga tayo neo.. " kunwaring seryosong sabi ko pa sakanya na with feelings.. napangiti naman sya nang malaki sakin habang sinusundan nya ako nang tingin.. nang nasa tapat na nya ko ay agad akong tumigil tapos ay dali dali kong ipinahid din sa ilong nya yung chocolate icing.. " pero mas bagay parin yung icing na nasa ilong mo.. " maloko ko pang sabi sakanya at saka ako malakas na tumawa.. tinitigan lang nya ako habang tumatawa ako tapos sya naman ay nawala yung ngiti sa mga labi nya bigla... " a-ano? " " ano ka ngayon neopanget? " " ako pa gaganyanin mo ha.. " sabi ko pa sakanya tapos ay nagpatuloy ulit ako sa pagtawa.. napaupo nalang sya sa upuan at dumikwatro habang tinitignan nya parin ako.. binelatan ko pa sya para mas maasar sya lalo pero unti unti nanamang sumilay yung ngiti nya habang nakatitig parin sakin.. " nakakainis lang na hindi ako naasar habang gumaganyan ka. " sabi nya tapos ay umiling iling pa.. " bakit ba ang ganda ganda kasi nang mukha mo master ko? " tanong pa nya sakin habang naniningkit pa yung mata nya na parang nakangiti pa sya.. agad agad naman akong napatigil sa pagtawa tapos ay napakamot nalang sa ulo at bumalik sa upuan.. " alam kong maganda ako.. " " pero ano ka ba naman.. " " ismowl thing. " pabiro ko pang sabi sakanya tapos ay inilagay ko na yung cake ko sa plato at saka kami tumawang dalawa ni neo.. " iba rin talaga ang fighting spirit nang master ko e! " pabiro pa nyang sabi tapos ay nag high five pa kaming dalawa at ngumiti tapos ay kumain nalang nang cake.. nang matapos kaming kumain ay naghilamos muna kaming dalawa dahil doon sa icing na pinahid namin sa ilong nang isa't isa.. pagkatapos non ay naghugas sya nang pinggan.. sabi ko nga sakanya , ako nalang.. kaya lang ayaw nyang mag papilit.. birthday celebration ko daw ngayon , kaya dapat relax na relax lang ako... habang nakaupo ako sa may tapat nang lamesa ay napatitig ako sa likuran nya habang naghuhugas sya nang pinggan.. sana magtagal ka pa sa tabi ko neo.. o mas maganda kung dito ka nalang palagi.. bumuntong hininga nalang ako at bahagyang napayuko.. napatingin naman ako sa pintuan naming nakabukas at naisipan ko nalang na lumabas muna.. pagkalabas ko ay kumuha ako nang bangkito tapos ay tinitigan yung langit at nakita ko yung araw na nakakasilaw.. grabe ka pala sol.. bakit naman ganon ka kay luna? hindi ko inexpect na pwede rin palang maging babaero yung araw? tsk tsk tsk.. sa mundong punong puno nang sol , pumili kayo nang neowise na kayang umintindi , maghintay , at magmahal  kahit na walang kasiguraduhan kung maibabalik ba sakanya yung pagmamahal na ibinigay nya.. i didn't expect na may nag eexist pa palang ganito.. but the sad reality is.. hindi sya tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD