Chapter 26 : STARS

1112 Words
Caleigh's p.o.v nang mag gabi na at natapos na kaming kumain na dalawa ay naisipan naming lumabas nalang muna para malamigan nang konti.. nagdala pa kaming dalawa nang kumot tapos tig isang unan , at lampara para kung sakali mang may mga hindi kaming maramdamang species na gumagapang , ay makikita namin.. inilatag nya yung kumot doon tapos ay inilagay na nya yung unan.. nahiga kaming dalawa at pinagmasdan yung mga bituin at buwan na bilog na bilog.. nakakapagtaka lang kasi yung buwan , hindi sya nagiging perfect na cresent.. kahit noong bata pa lang ako , hindi ko pa talaga nakikita yung cresent moon na sinasabi nila.. wala nga ring makapag explain na scientist tungkol doon e.. sayang lang , kasi parang yun pa naman yung pinakamagandang hugis nang buwan.. " caleigh.. " " gusto mong malaman kung bakit kumikinang yung mga bituin na yan sa langit kapag gabi ? " tanong nya pa sakin.. napatingin naman ako sakanya habang sya ay nakatingin lang nang diretso sa langit.. " bakit nga ba? " tanong ko pa sakanya tapos ay napatingin nalang din ako nang diretso sa langit.. " yang mga star na visible sa mata mo.. " " dati silang tao na namatay nang lumalaban sa sakit.. " paninimula pa nya..  nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sakanya.. " kaya sila kumikinang nang ganyan ay para talaga sa mga taong katulad mo na minsan ay naiisip na tapusin nalang yung buhay kasi parang  wala nang saysay.. " dagdag pa nyang sabi habang nakatingin parin sya sa langit.. tumagilid naman ako para harapin sya at makinig sa sinasabi nya.. " gusto nilang iparating sainyo na kahit sobrang dilim na nang daang tinatahak nyo.. " " palagi lang silang nandyan sa taas para magbigay nang liwanag sa madilim na daan. " dagdag pa nyang sabi tapos ay napangiti pa sya nang konti.. " naranasan mo na ba yung titingala ka sa langit nang may sama nang loob , tapos kapag nakita mo yung mga star na kumikinang ay biglang gagaan yung loob mo? " tanong nya pa sakin tapos ay binalingan pa nya ako nang tingin.. napaisip naman ako tapos ay iniwas ko pa yung tingin ko sakanya at ibinalik ko agad yon nang malaman ko yung sagot ko sa tanong nya.. kumunot naman yung noo ko at agad agad na umiling.. " hindi e.. " maiksing sagot ko pa sakanya.. para namang nag iba bigla yung reaksyon nya habang nakatitig sya sa mata ko.. " ahh.. " " hindi naman pala e.. " sabi pa nya tapos ay tumatango tango pa sya habang nakahiga.. " balik nalang tayo sa loob.. " " mukhang hindi mo naman makukuha yung point ko e.. " parang dismayado pa nyang sabi tapos ay napaupo agad sya at saka inalalayan na din akong umupo.. hala na offend ko ba sya? n-nagsasabi lang naman ako nang totoo e.. magsosorry na sana ako sakanya nang bigla syang tumingin sakin nang diretso at saka ako nginitian.. " tulog na tayo.. " " maaga ka pa bukas diba? " tanong pa nya sakin.. naalala ko naman bigla na may pasok nga pala ako bukas.. pero maaga pa naman kaya ayos lang.. pero syempre , matutulog na din talaga ako para hindi ako lulutang lutang bukas sa school.. nauna syang tumayo sakin tapos ay inilahad nya yung kamay nya para makatayo ako.. hinawakan ko naman agad yung kamay nyang yon tapos ay sya na yung nagligpit nang pinaghigaan namin at pinabitbit nalang nya sakin yung lampara.. nang makapasok kami sa loob nang bahay ay nilock ko na yung pintuan tapos ay pinatay ko yung apoy sa lampara.. naghugas muna ako nang kamay at pagharap ko ay napaatras nalang ako at napakapit sa lababo tapos ay napasandal pa ako doon nang makita ko si neo sa harap ko na sobrang lapit pa nya sakin.. napaangat yung tingin ko sakanya tapos ay umatras sya nang konti kaya nakahinga din ako nang maluwag luwag.. " goodnight master caleigh! " " sweet dreams. " " see you tommorrow! " masigla pa nyang sabi sakin tapos ay ginulo pa nya nang konti yung buhok ko.. napakunot naman yung noo ko at napatawa nang mahina tapos ay napailing iling pa ako.. " goodnight din neopanget.. " " sweet dreams! " " magkikita pa talaga tayo bukas no! " sabi ko naman sakanya tapos ay naglakad na ko papunta sa kwarto ko.. bakit may see you tom pa?  nilingon ko naman sya ulit nang makapasok ako sa kwarto ko pero nag wave lang sya sakin tapos ay pumunta na sya sa foam na hinihigaan nya.. pero bago sya mahiga ay tinignan nya ulit ako tapos ay nag flying kiss naman sya sakin ngayon.. natawa nalang ako at napailing iling tapos ay binelatan ko nalang sya at saka ko na isinara yung pintuan.. habang naglalakad ako papunta sa kama ay parang may iba sa pagkakasabi nya nang see you tom. sakin.. umupo muna ako saglit sa kama ko tapos ay napahawak ako sa pendant nang kwintas ko at saka ko pa tinignan yung sing sing na binigay nya sakin.. bumuntong hininga nalang ako at pumikit para alisin sa utak ko yung mga negative things na naiisip ko.. humiga nalang ako sa kama dahil medyo late na at ipinikit ko nalang yung mata ko.. may pasok pa ko bukas.. kailangan ko nang mahabang tulog para hindi ako lalata lata.. goodnight! sweet dreams! see you everyday! K i n a b u k a s a n . . .  nagising ako sa tunog nang alarm clock ko.. nagpahinga muna ako nag konti habang nakaupo sa kama at nakatulala lang.. nang magising na talaga ako nang tuluyan ay tumayo ako at nag inat inat.. tapos ay agad agad akong lumabas nang kwarto at nakita ko agad si neo na iniintay na ko sa may lamesa para mag breakfast.. nginitian nya ako agad kaya naman kahit ang aga aga pa ay nginitian ko din sya pabalik.. " goodmorning master caleigh! " masigla nyang bati sakin.. dumiretso nalang muna ako sa lababo para mag mumog tapos ay hinarap ko ulit sya.. " goodmorning din neopanget. " pag bati ko pa sakanya at saka ako umupo sa harapan nya.. bakit parang punong puno naman nang energy tong comet na to ngayon? anong meron? makalipas ang ilang minuto ay natapos kaming kumain nang breakfast tapos ay nag prepare na ko para pumasok.. paglabas ko nang kwarto ay nakasuot na ako nang uniform sa school tapos ay nakita ko sya doon sa may pintuan habang nakaharap sa pintuan nang kwarto ko.. napangiti nalang ako at isinara ko yung pintuan nang kwarto ko at saka ko sya tinignan habang naglalakad ako papalapit sakanya.. nang tuluyan akong makalapit sakanya ay napatigil muna ako sa harap nya dahil nakaharang sya sa pintuan.. " galingan mo sa school mamaya ha? " malambing pa nyang sabi sakin tapos ay inayos nya pa yung buhok ko habang ako ay nagtataka lang nan tinitignan sya.. tumabi naman sya nang konti tapos ay dahan dahan nya na akong tinulak palabas nang bahay ko.. " pasok ka na , baka malate ka pa e.. " sabi pa nya sakin nang makalabas na ko nang tuluyan sa bahay.. anong kinain nito? bakit ganito yung kinikilos nya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD