Chapter 25 : SEXY BLACK DRESS

1011 Words
Caleigh's p.o.v " ubos na yung oras natin master caleigh.. " " balik na tayo. " aya pa nya sakin tapos ay inilahad nya na yung kamay nya sa harapan ko.. ipinatong ko nalang yung kamay ko sa palad nyang nakalahad tapos ay napakurap lang ako saglit at nandito na ulit kami sa bahay ko.. binitiwan ko naman yung kamay tapos ay nginitian ko nalang sya nang tipid at saka ako tumalikod at naglakad pabalik sa loob nang bahay.. sinundan naman nya ako agad tapos ay sinabayan nya ko sa paglalakad.. " ano? " " nag enjoy ka naman ba master caleigh? " tanong nya sakin.. bumuntong hininga nalang ako at tipid na ngumiti habang nakatingin lang nang diretso.. " syempre naman. " maiksing sagot ko sakanya.. masaya naman talaga ako.. except lang doon sa luna na sinulat nya sa padlock.. maganda kaya yung luna na yon? ano kayang itsura nya? hindi na sya nagsalita pa ulit hanggang sa nakapasok kami sa bahay.. hapon palang dito nung bumalik kami , pero sa korea.. madaling araw na ata doon.... nang makapasok kami sa loob ay agad agad kong hinubad yung denim jacket ko dahil mainit na tapos ay hinubad ko na din yung sapatos na suot ko habang nakaupo ako sa upuan.. nang tumayo ako ay nagulat ako nang bigla akong lapitan ni neo tapos ay tinitigan nya ko sa mata.. bumaba pa yung tingin nya papuntang ilong , labi , leeg tapos.. bigla nyang iniwas yung tingin nya at maingat nyang itinaas yung damit ko para hindi makita yung cleavage ko tapos ay napakunok sya nang matapos nyang itaas yon at agad agad na tumalikod sakin.. " a-anong gusto mong kainin? " " naguguton k-ka ba? " parang ilang nyang tanong sakin... napangiti naman ako habang tinitignan syang naiilang.. " kahit ano lang.. " maiksing sagot ko sakanya tapos ay nilingon nya ako saglit at agad din nyang iniwas yon.. " s-sige.. " sagot pa nya tapos ay kumuha sya nang fries sa ref at saka sya kumuha nang pan na pag p-prituhan nya nang fries.. habang naglalagay sya nang oil sa pan ay napangiti nalang ako.. nang matapos syang mag prito ay agad agad syang umupo sa harapan ko habang hindi parin nya ako tinatapunan nang tingin.. sinundan ko lang sya nang tingin at pumunta sya sa ref tapos ay kumuha nang juice at dalawang baso.. nang ilapag nya yon sa lamesa ay agad agad syang umupo habang nakatitig sa friea na niluto nya.. napalunok pa sya tapos ay nagsalin sya nang juice sa baso nya at agad agad na ininom yon.. " magpapalit ba ko nang damit? " tanong ko sakanya.. napatitig naman sya agad sa mata ko at saka napalunok nanaman tapos ay napakamot pa sya sa ulo nya at hilaw na ngumiti.. " k-kung o-okay lang naman s-sayo. " utal utal pa nyang pagkakasabi sakin tapos ay napayuko nalang sya.. natawa naman ako nang mahina at napailing iling pa.. agad agad akong tumayo at nakita ko pa syang napatingin aya ulit sakin pero agad agad nyang iniwas yon at saka ako tumalikod.. pagpasok ko nang kwarto ay agad agad ko yong sinara at napangiti nanaman.. tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin at nakitang medyo mas marami ngang kitang balat sakin kesa sa damit.. agad agad akong naghubad at nag shorts tapos ay pumili ako nang maluwag na black t-shirt at saka ko tinali yung buhok ko.. naupo muna ako saglit sa kama at saka napatingin sa daliri ko na nilagyan nya nang sing sing.. hindi naman to engagement ring pero doon nya sinuot yung sing sing.. pwede namang sa gitna o kaya sa hintuturo.. pero nilagay nya talaga yon sa ring finger ko.. agad ko namang naalala yung luna na pinag dedicate-an nya nang short message kaya naman agad agad na nag iba yung reaksyon nang mukha ko at nawala unti unti yung ngiti doon sa labi ko.. sino ba kasi yung luna na yon? mas maganda ba sakin yon? mas sexy ba? ay bahala na... bakit ba kasi hindi maalis alis sa utak ko yung pangalan nang luna na yon e.. bago pa ko tuluyang maasar ay tumayo na ako at tumungo na sa pintuan para lumabas.. pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto ay nakatingin agad nang diretso si neo na parang hindi parin kumakain at hinihintay parin nya ako.. agad agad naman syang napangiti nang makita nya ako tapos ay nginitian ko nalang sya nang tipid at saka ko sinara yung pintuan nang kwarto at nilapitan na sya.. pagkaupong pagkaupo ko sa upuan habang katapat sya ay agad agad nyang sinalinan yung dalawang baso nang juice tapos ay nagsalita pa sya.. " ayan.. " " ganyan lang dapat yung pormahan mo master caleigh! " masigla nyang pagkakasabi sakin tapos ay inilagay nya yung isang baso sa gilid ko tapos ay tinitigan nya pa ko at saka nginitian.. napaiwas naman ako nang tingin at ibinaling ko yung tingin ko sa french fries at kumuha nang isang piraso tapos ay kinain ko yon.. " bakit? " " hindi ba bagay sakin yung ganong pormahan ? " kaswal na tanong ko pa sakanya tapos ay sumandal ako sa upuan habang nakatingin sakanya at kumuha pa nang fries tapos ay nginuya ko ulit yon.. napaiwas naman sya nang tingin at ibinaling nya yung tingin nya doon sa french fries na nasa tapat nya at saka sya kumuha din nang isang piraso tapos ay sumandal sya sa upuan at saka binalingan ulit ako nang tingin habang ngumunguya nguya pa sya.. " to be honest.. " " sobrang bagay na bagay talaga  sayo yung dress.. " kaswal nya pang sabi sakin na para syang judge sa isang contest tapos ay naka cross arms pa sya habang tinititigan ako .. natawa naman ako sa kinilos nya tapos ay kumuha nalang ulit ako nang fries at saka kinain ko ulit yon.. " eh bakit pinagpalit mo ko? " " bagay naman pala sakin yon. " tanong ko pa sakanya habang natatawa tawa pa.. sumandal ulit ako sa upuan tapos ay tinignan ko sya.. napabuntong hininga naman sya tapos ay napairap pa sya.. inilapit nya nang konti yung inuupuan nya sa lamesa tapos ay tinitigan nya ako nang seryoso.. " ayokong may ibang babagay sayo.. " sabi nya habang pinasisingkit pa nya yung mata nya.. " ako lang yung bagay sayo master caleigh.. " " ako lang dapat.. " sabi pa nya sakin tapos ay napaiwas sya bigla nang tingin at napalunok.. pasimple naman akong napangiti habang tinitignan syang parang ilang nanaman.. tsk tsk tsk.. bagay ka nga talaga... sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD