Girl, You're my Downfall
written by Jelica M.
Chapter 27 - Mario
Mataas na ang sinag ng araw nang magising si Karen. Nang maupo siya ay nalaglag ang puting kumot na bumabalot sa katawan niya. Nalaglag iyon hanggang baywang at dahil sa nangyari kagabi, wala siyang saplot. Kaya litaw ang mga dibdib niya. Mabilis niyang itinaas ang kumot sa kaniyang katawan sapagkat nandoon pa rin naman ang hiya niya.
Tiningnan niya ang kama at nasa kalagitnaan pa ng masarap na pagtulog si Russell. Hindi na niya ito ginising. Bagkus ay pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig, sinuot niya uli. Napangiti siya.
Nakailang rounds sila ng binata kagabi, anong oras na sila natapos kaya hindi mo masisisi kung bakit ngayon lang siya nakabangon. It's noon. Ramdam niya ang pananakit ng pagkababae niya dahil syempre ito ang unang beses niya.
Lumabas siya ng kwarto, nakita niya roon si Alexa. Ngumisi ito sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. This woman is really beautiful that's all I can say.
"Pokpok."
Tumayo ito pagkatapos sabihin iyon. Halatang may panunuya sa boses nito. "Kumusta? Malaki, no?" patuloy na panunuya pa nito sa kaniya. "Tulog pa rin ba siya? Kasi pauwi na ako," dagdag pa nito.
Gusto niya sumagot pero wala siyang salitang maapuhap.
"Sabagay, anong oras kayo na natulog kagabi, that man can last for 3 rounds, that's for minimum," natatawa nitong sabi.
Siya ay hindi mapigilan ang inis.
"Is this low you are?" ganti niya rito. "Tunog mababang uri ka kasi magsalita gayong ang taas naman pala ng pinag-aralan mo."
Masama siya nitong tiningnan. "How dare you! Yaman lang ang meron sa iyo—or should I say yaman lang ni Richard Manansala na pinatay mo ang meron kayo. Hindi ka naman yata tunay na anak, kinupkup lang kayo ng ina mo, kung alam lang sana ng taong iyon na ikaw na kinupkop ang papatay sa kaniya baka sa lansangan pinulot ang anghel-anghelan mong ina," nakangising may panunuya nitong sabi.
Napaestatwa siya. Nakilala ba siya nito? Hindi malabo dahil broadcaster ito pero...
"O, bakit tahimik ka? Alam ko ang lahat sa kaso mo, five years ago akong nakasubaybay sa iyo? Why?" ngiti-ngiti nitong tanong sabi habang ang mata ay mapaglarong tiningnan ang pinto. Kinabahan tuloy siya. "Have you ever asked who is the lawyer of your father's case?"
Umiling siya. Kaya tumawa ito nang malakas.
"Istupido, si Russell lang naman ang abogadong matagal nang naghahanap sa iyo. Siya ang may hawak ng kaso ni Richard. Girl, he is just playing you! Too bad, ang tanga mo! Palibhasa, probinsiyana ka! Walamg muwang, walang knowledge at walang pinag-aralan, in short, walang kwenta!"
" ALEXA!!" malakas na sigaw iyon ni Rusell na ngayon ay naka-boxer shorts at puting sando.
" Ano? Hindi ba totoo? That you are only here to get know more about her, dig more information about the case? Iyon ang plano mo pero di ko alam na ganiyan ka karumi magtrabaho," galit na sigaw rin ni Alexa kay Rusell. " It is fvcking 5 years, Russell. Pinabayaan mo ang relasyon natin kaya ako nagkaganito, coz in that 5 year you never fvcked me! Pero ang mamatay tao na iyan, ilang buwan lang nagtikiman na kayo. Mga baboy na bastos!"
Isang malakas na sampal ang gumulat sa lahat ng biglang dumating si Rhian at sinampal si Alexa.
"Lumayas ka sa pamamahay ko. This house is mine."
"Rhian, do not meddle with adults' businesses," mahinang sabi ni Rusell na gulat sa nangyari.
Nilamapasan nito ang kuya nito at dumalo sa kaniya. Siya na hindi pa nada-digest ang pangyayari, when Rhian holds his hand. That's where all her tears came down. Doon niya napagtanto ang pangyayari.
Ang tanga niya.
"I'm with Ate Karen for years and I know in my heart how good a person she is. Hindi ko kayo mapapatawad dalawa for playing her. Lalo ka na kuya, I thought your feelings is real, I thought it's real coz you two broke up, mapaglaro ka rin. I'm so disappointed that I don't even want to be associated with you. Lagi pa naman kitang binibida sa lahat but ganito ka pala kababa. Tama ang babaeng iyan, ang dumi mo magtrabaho, " wila nito pagkatapos ay tumingin ito kay Alexa. "Mag-aral ka uli, Miss. Your language doesn't even sound you studied. Sayang pera dahil sa pamgit mong ugali."
Habang may mga luha sa kaniyang mga mata ay napatingin siya sa lalaking inalayan niya ng pagkatao niya. Nakayuko ito habang sapo ang ulo. Nagtaas ito ng tingin at hirap na hirap siyang tingnan.
"Is it... true?" garalgal ang boses niyang tanong. Kung hindi totoo, una pa lang, nagalit na ito. Una pa lang, pinagtanggol na nito ang sarili nito but no, nahihirapan ang mga mata nito. His eyes is telling her that what she heard is true. He really played this game too far. Pati puso nito ay pinakialaman niya.
Pero umaasa siya sa kay Rusell, ipagsinungaling lang nito ang lahat kahut may pruweba, maniniwala siya.
"Let me explain, baby," sabi nito. Pero hindi niya alam bakit tumaas ang kamay niya at nasampal niya ito nang malakas. Even Alexa was shocked. Even Rhian. And ever herself. Sa sobrang taas ng intensidad ng feelings niya ay pati katawan niya, ayaw sumunod sa kaniya.
Ang alam niya lang ay nanginginig siya sa sakit at galit.
"G*go ka," iyon lang ang nasabi niya at umalis na siyang luhaan at talunan.
Naglakad siya palayo sa lahat. Naiwan din doon si Rhian na nakikipagtalo kay Alexa para mapaalis na.
Sa kaniyang paglalakad ay may nabunggo siyang lalaki, it's not Mr. Han or who. Basta naka-facemask ito at nakaitim din. Tinatawag siya nito pero busy siya. Busy siya sa paglalakad para makalayo. Hindi niya na magawang intindihin ang iba dahil abala siya sa sarili niyang puso.
Hindi talaga fair. Akala niya si Russell ang kasiyahang pupuno sa pagkatao niyang bigo pero hindi. Lalo niyang binutas ang butas niyang pagkatao.
Pumunta siya sa dalampasigan. Tuloy-tuloy lang siya doon. Hindi niya alam bakit sa t'wing binabalot siya ng dilim ay sa dagat siya dinadala ng kaniyang mga paa. Hindi niya alam. Umagang-umaga, hindi pa gaano karami ang tao, sa katunayan nakikiayon sa kaniya ang tadhana, wala ni isang tao ngayon ang nakikita niya sa paligid.
Nakapantulog pa siya. Basa na nga rin ang pajama niya na nakababad na sa tubig. Ang tubig ay hanggang tuhod na niya. Maalis ba ng tubig ang sakit sa puso niya kasi parang mabigat na, kaya baka maialon din ng tubig lahat lahat ng sakit na meron ang buhay niya.
Akala niya, siya lang ang may sekreto tungkol sa kaniyang pagkatao na masalimuot at mahirap na may tatanggap sa kaniya. Inihahanda na niya ang sarili niya sa panahong sasabihin niya kay Rusell ang nararamdaman niya pero siya itong nagulat na alam na alam niya pala ang lahat sa kaniya. Kinukuha lang pala nito ang loob niya to confess her sin. But is she a sinner? She can't remember her memories at all.
Hanggang leeg na ang tubig. Hindi niya namalayan. Sabagay ganito naman niya gusto mawala para lahat lahat na ng sakit mawala.
May naririnig siyang sumisigaw sa pangalan niya but she doesn't care at all. Umaapaw ang sakit ng pagkukunwari at sakit ng pagtakbo niya sa buhay.
Nang tuluyan na siyang lumubog ay sari-saring mukha ang nakita niya. She then remember her brothers and her mother. Sa tagal niyang hindi sila nakita, hindi na niya maalala ang mga mukha ng mga ito o maging boses nila.
Ang isip niya ngayon ay halo-halo, hanggang sa ang alat na ng tubig ang nararamdaman niya. She didn't even bother to swim. Hanggang sa manakit ang mata niya sa tubig. Lumalim nang lumamim.
Alam niyang nakakainom na siya ng tubig sa tagal niya sa ilalim ng dagat.
Lord, patawarin ninyo ako. I don't deserve this world if you are there, if you love me please isama na ninyo ako diyan sa langit. Make me forget all my sorrows, kasi hindi ko na po kaya.
Tuluyan na siyang nauubusan ng hininga. Hindi na siya nanlaban pa sa tubig. This is what she really likes afterall..ang mawala na..kasama ng mga sakit niya.
Ngunit hindi pala alon ang tumataas sa kaniya, isang di pamilyar na lalaki ang pilit na tinataas siya. Nagpupumiglas siya, gusto niyang kumawala dito. Sinipa-sipa niya ito, sinong sira-ulong naka-facemask na itim ang lalangoy at magliligtas sa kaniya.
Wait, this is the guy from the last night!
Nagpumiglas siya lalo. Pero nagulat siya ng mariin siya nitong hinarap sa kaniya. Hindi na ito naka-facemask. This guy looks like her. Matured nga lang ng kaunti at medyo dark na ang complexion nito.
Nanlaki ang mata niya. Mario......
Sa sobrang tagal niya sa tubig ay naubusan siya ng hangin, she then wants to swim paitaas para umapuhap ng hangin but the water she intaked is too much for her body kaya nawalan siya nang hininga.
Hindi niya alam na pati malay ay nawala sa kaniya.
------
"DID you see Karen?" iyon ang bungad ni Rusell kay Master Han.
Tiningnan lang niya ito ng seryoso. "Why? Nagkaproblema kayo, Attorney?"
Nagulat siya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang katauhan niya.
"Nakita mo nga?" pambabalewala niya rito.
"No, I didn't see her. Kung may mangyaring masama kay Karen, mananagot ka sa akin. Ilalayo namin siya sa iyo."
"Namin?"
"Oo, to tell you honestly, I was hired by Mrs. Rosela. Narito ako para tingnan at alagaan siya. Kung sa akin sana tumibok ang puso niya, pinaglalamayan ka na ngayon dahil sa pagtatago mo ng mga baho mo sa kaniya. But that little girl loves you crazy," nakangisi nitong sabi sa kaniya na para siyang wrong choice ng dalaga. " Hanggang ngayon, wala ka pa rin talagang alam sa kaso ni Karen? That girl was almost raped, g*go!"
" I know! I know okay!"
" You know?" gulat nitong tanong. " Pero nag-iimbestiga ka pa rin?"
"I was there noong nagdedeliryo at naghahallucinate siya," nalilito niyang sagot. " I quit my job if that's what make us clear. But I am going to find evidences to clean Karen's name!"
" So, you quit, ha? "
" Kung wala siya rito, aalis na lang ako. Dami mong satsat, " inis na wika niya.
"Just a week ago, nagtataka ako why no one can't enter in this place. I grew up here, coincidence diba? Na dito ako lumaki at dito napadpad si Karen. I know her since toddler. Nag-aral lang ako nang ilamg taos sa ibang lugar kaya hindi na niya ako naaalala," sabi nito. Naiinis man at nakuha pa rin niyang makinig sa mga kwento nito.
"I need to find Karen!"
"Lolo niya ang mayor dito, hindi mo alam?"
Doon namilog ang mata niya. "You mean...."
"Yes. Siya ang protekta ni Karen sa lugar na ito. Lagot ka, you are there greatest mistake. Naitago mo pala nang maayos ang profile mo kaya hindi ka naharangan," sabi pa nito.
Inip na inip na siya. Ayaw na niya munang makinig dito. Tatalikod na sana siya nang bigla niton banggitin si Richard.
"Kilala na kung sino ang pumatay kay Richard, uuwi na si Karen sa Manila ngayon. Si Rosela ay nasa kagawaran na rin ng alkalde."
" Kilala na? Solve na ang kaso? Makukulong pa ba siya?"
Bored na tiningnan ni Master Han si Rusell.
"Oo nga."
"Sino? Sino ang pumatay?"
Malamlam ang mga mata nito na tumingin sa malayo.
"Richard killed himself. Pinatay niya ang sarili niya."
----
ps. Sorry, matagal. Last three chapters na. Kung nalilito kayo at di na masundan, nako, basa uli, beh, mula simula pag bored ka. Walamg hanggang pasasalamat sa pagmamahal sa akin, My dear readers.
Pakisupport ang Jelica Manuel sa Dreame. Hahahha. Nga pala, tumama ba ang hula ninyo sa killer?