GIRL, YOU'RE MY DOWNFALL
written by Jelica M.
Chapter 24 - An ally or an enemy?
RUSELL lives most of his childhood in Los Angeles, California. Kasama niya si Rhian. Although they lived there, tagalog pa rin sila kausapin ng mga magulang niya. Ang mga kasamabahay nila ay mga Filipina rin. Kaya hindi naalis sa kanila ang wikang Tagalog. Mataas pa rin sila managalog kahit hindi sila sa Pilipinas lumaki. Ang katwiran ng mga magulang nila ay mag-e-English rin naman sila sa labas, sa school at kung saan pa dahil America ito at dagdag pa na kinakausap sila ng mga abuelo nila at kamag-anak ng mga ito sa ibang Lenggwahe.
Their parents are both half foreigners. Parehong mga lola nila ay Filipina. Ang mga lolo nila ay may halo. Si Lolo Petrio ay isang Italyano. Ang lolo naman niya sa ina na si Lolo Viktor ay isang Hungarian.
Nasa L.A sila pero ang pinakamalaking kumpanya ng magulang niya ay nasa New York. Siya at si Rhian ay parehong may black card. Black card is where your credit line has no limit. Iilan lang ang may ganito sa buong mundo pero sa kanila ni Rhian, hindi na sa kanila iba iyon. Perks nila iyon bilang isa sa mga mayayaman sa mundo.
He finished his study in a course of Business Management in the University of Pennsylvania. He doesn't have an award except of graduating but it is okay, business is not his passion. Kumuha siya ng kursong ito to be ready in their business someday. Siya ang lalaki. Pasasaan pa ay pamamahalaan niya ang business ng angkan niya. Mabuti na ang may alam, afterall his business school is the best school in LA.
Mahal niya ang pagbibigay ng hustisya. He was young back then when he realized that he likes to study the law. Especially in the Philippines. That's why he went to the Philippines and studied law. Hindi naman siya tinutulan. Although his father is very firm that he has to be accountable in their Philippines' businesses. Iyon ang kasunduan para umuwi siya ng Pilipinas.
Iniabot ni Rusell kay Karen ang black card niya. "We'll use this. Hawakan mo ito," sabi niya sa dalaga. Halatang nagulat ito. At mabilis na tumanggi.
"Bakit ako? That's a black card! No way!"
Bumuntong-hininga siya. Kanina pa sila nagtatalo ng dalaga sa kung ano raw ang ginagastos niya. At sa yaman na ipinapakita niya. Hindi sa ipinapakita niya but he likes the best for her and he can't give that without expending a lot of money.
Kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinawakan iyon. Hinila niya ito sa information desk.
"VIP Rusell Evangelista," sabi niya sa information officer.
Ngumiti sa kaniya ang officer at nag-bell. Lumapit ang isang unipormadong lalaki. "Guide the VIP in Room Gold 2, Mr. Olando," utos nito sa kasamahan.
"Ang formal pala dito. Halatang mamahalin ang lugar," sabi nito.
Tiningnan niya ito nang pagilid. His baby is acting like a real baby. Para itong batang tuwang-tuwa sa mga nakikita. Para tuloy siyang ama na nagpasyal ng bata sa mall. Napangiti siya. Being with her really makes him happy. Seeing her enjoying the things she enjoyed before, his heart is happy.
"We're here, ma'am, sir," anunsiyo ng lalaki. Tumango siya at umalis na ito.
"Wow! Ang modern pala sa loob. Akala ko kasi dahil sa labas ay gawa sa kawayan, kawa-kawayan ang tutulugan. This is actually like a real hotel!" sabi nito.
Hinayaan niya lang ang dalaga sa pagtingin-tingin sa hotel. Tinawagan niya ang body guard niya. "Benny, get me clothes and underwear for a girl. I forgot to buy my girl her spare clothes."
"Size, sir?"
"Wait," putol niya. "Baby, what's your bra and panty size?!"
"WHAT!?" natigil ito sa gulat. Halata sa mukha nito na di ito kumportable sa pinag-uusapan. Her cheeks getting red. Ah, she is shy. Tumango-tango siya at hinayaan itong gulat.
"Nevermind. I think, I know what it is," sabi niya. "Benny, 32 cup A. And I think for panties, she is s—"
Hindi na niya na natuloy ang sinasabi niya ng inagaw ng namumulang dalaga ang kaniyang cellphone.
"Naiinis ako sa iyo," sabi nito sa masamang tingin. "Hello po," sabi nito sa kausap niyang si Benny. Pagkatapos ay namula muli ang dalaga. "He's a man?" Tumango siya rito. "Then why are you asking him to buy me my...."
"Would you like me to call a woman than a man, then?" hamon niya rito.
"Hindi, why would you call a girl!?" nakamulagat nitong tanong sa kaniya na akala mo naman ay may ilalaki pa ang mata nito.
"Benny is a professional bodyguard. That's easy-peasy, baby. Don't be mad. I'm sorry but please, tell Benny your sizes so he can find it and buy it for you to use. Wala kang baong damit," sabi niya rito.
"And that's because, I thought we're just gonna have a 1 day date!"
"Oo na, kasalanan ko na. Kung ayaw mo ibigay size mo, give my phone to me and I will tell Benny your sizes?"
"And how do you know my size?"
"By just looking at you, I know what it is."
Tumaas ang kilay nito at saka nito hinila ang tainga niya. "Aray-aray! Baby!! Masakit!"
"Kumukulo talaga dugo ko sa iyo, Rusell. I am not even get so easily embarassed and at the same time annoyed by a person pero ikaw, pumupuro ka na sa akin,e."
"Okay, baby! Let my ear go! Matatanggal na tainga ko. Wala naman akong ginagawang masama, e," sabi niya rito dahil kahit pinipingot nito ang tainga niya ay natatawa siya. Her emotionless Karen is really really angry which she look so attractive.
"Wala? You're lying to your bodyguard from saying I am 32 A!"
"Hindi ba totoo?" saad niya habang bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Sumigaw ito sa kaniya.
"I am 32 B, stupid!"
"Parang letter lang naman ang nagkamali."
"One letter matters to me, stupid," binitawan siya nito. Sapo-sapo niya pa rin ang tainga niya na kung pupusta siya ay namumula.
Tuloy-tuloy na nagmartsa ito palabas. She is really annoyed. Bago niya hinabol ang dalaga ay tinawagan niya si Benny. Sinabi kung ano ang dapat na mga bilhin.
Bago siya lumabas ay sinuri muna niya ang hotel. He is very careful about hotels cause there may be a hidden camera or whatsoever. He can jeopardize their safety dahil mula nang ilayo niya si Karen sa isla ay pananagutan na niya ito.
Nang masiguro ang kaligtasan ay lumabas siya at hinanap ang dalaga. She found his girl staring at the pictures of mayors who served Siargao from its establishment list.
Hindi nito napansin ang paglapit niya kaya mabilis lang niya nayakap ito mula sa likuran na nakapagpapitlag dito.
"Sorry na, baby, ha," bulong niya rito. Even her baby doesn't have an expensive perfume. She is still have the most sweetest smell that he smelled in a girl. I mean, hindi niya inaakala na maadik siya sa amoy ng mga local brands shampoo and soap.
"Tss," pagsusungit nito sa kaniya. Pero napangiti siya ng kunin nito ang kamay niya na nakapulupot sa kaniya para mas lalo siyang mayakap. "Gustong-gusto mong nang-aasar sa akin," sabi nito.
"You looked cute when you were annoyed," sabi niya sa dalaga.
"So, that's the reason?" tumango siya. "E, kung i-break kaya kita diyan?" sumeryoso siya rito. Binitawan niya ang pagyakap sa dalaga at iniharap niya ang dalaga sa kaniya.
"Do not use that word to me, baby. That's not even funny. Hindi natin gagamitin ang salitang iyan," seryoso niyang sabi sa dalaga. "I will not tease you again just don't mention that goddamn word," mariin niyang sabi.
Tumawa ito. "Okay-okay. Sana nakikita mo mukha mo kung pikon ka," sabi nito sa kaniya. Inirapan lang niya ang dalaga at tinalikuran. Sinundan naman siya nito.
Kumain sila ng dalaga. He really enjoyed seeing his girlfriend eating. Kahit na nga nakabusangot ito dahil hindi na maubos.
"Ubusin, baby," sabi niya nang nakataas ang kilay. Inuusog na kasi nito ang pinggan. Kinain naman nito, iyon nga lang nasa itsura na nito ang magdabog.
Nang matapos silang kumain ay saka naman nila napagkasunduang manood sa big theatre. Hindi gaano marami ang tao roon kaya ramdam mo ang katahimikan. Hindi pa pala napapanood ng dalaga ang Miracle in Cell 7 ni Aga Muhlach. Kanina lang ay tawang-tawa ito sa mga nakakatawang scenes, siya man ay natatawa. He doesn't really like watching Filipino movies but it's the one her girlfriend wants to watch so he give it a try. Mula umpisa ay nanonood na siya. Habang may wine at mga snacks na pinili pa ni Karen kanina sa counter. Tawang-tawa sila. Naka-focus lang sila hanggang sa ang puso man niya ay sumasakit. His Lawyer side wants to enter in the movie. Hindi niya makuhang matuwa sa nangyayari sa pelikula. How could they blame the poor Aga Muhlach? Kawawa ito. Nagagalit siya. Pero nakita niya ang girlfriend niya na umiiyak na. Puno ng luha ang mukha nito. Basang-basa ito.
"Baby..." tawag niya. Humarap ito sa kaniya, tinuro ang screen at impit na umiyak.
"Kawawa naman si Yesha," iyak nito. Nanonood lang sila pero awang-awa siya sa mukha ng dalaga. Niyakap niya ito. Ito naman ay mahigpit ang hawak sa damit niya at humagulgol. "Bakit ganiyan sila kasama? Bakit nila ginawa iyon sa tatay...."
Dates supposed to be fun, right? So why they are so damn dramatic? Maski siya ay sumasakit ang puso. If it's not too gay to cry, iiyak na sana siya, e. This Filipino movie is a masterpiece.
"Sshhh, stop crying," alo niya sa kasintahan.
Natapos ang movie. Lumabas na halos ang lahat pero ang girlfriend niya umiiyak pa rin. D*mn this movie. Sino ba gumawa ng movie na ito? Nadala sila, ah.
Nang matapos umiyak ang kasintahan niya ay lumabas sila. Manonood pa sana sila ng banda pero masakit ang ulo ng dalaga. Ayaw raw nito ng ingay kaya nagyaya ito sa lover's veranda. Mas tahimik daw doon. Nais nitong doon na palipasin ang natitirang gabi.
They sat in a long bench. Tumingala ang dalaga pagkatapos ay mapaklang ngumiti. D*mn that movie. That's a wrong move of him.
"Life is unfair, isn't it?" tanong nito sa kaniya. Inakbayan niya ang dalaga at tahimik ding tiningnan ang kalawakan.
"Yeah," sabi naman niya rito.
Ilang beses itong humugot nang malalim na buntong-hininga. She is really that sad. Mayamaya ay bahagya nitong sinalat ang sarili nitong balikat. Nilalamig ang dalaga at wala siyang dalang jacket. Palpak talaga siya..tss
"I'll get some water, can you just wait for me?" sabi niya sa dalaga. He needs to get his jacket in their room.
Tumango naman ito.
Mabilis siyang nagpunta sa counter at kumuha ng water. Pagkatapos ay bumalik siya sa room at kinuha ang jacket niya. Nag-ring ang cellphone niya.
"Sir, nasa information desk ang kagamitan ni Ma'am."
"Okay, Benny."
Papatayin na sana niya ang cellphone nang biglang babaeng boses na ang narinig niya sa kabilang telepono.
"I'm in Siargao Island. Where are you? Ayoko talaga ng break up! You are ruining my life. Itatakwil ako ng magulang ko!"
Nagulat siya. That's Alexa voice.
"I will talk to them! I am not in Siargao—"
"Liar!!! Nakausap ko si Adrian! Nasa Siargao ka at ang babae mo! I just need to get rid of your woman, right?" galit nitong sabi.
Napapuyos siya sa galit. "Do not touch my girl, Alexa. Hindi kita sasantuhin! Tatandaan mo iyan," sabi niya at galit na pinatay ang linya.
Mabilis siyang naglakad patungo sa kasintahan at ganoon na lang ang pagtataka niya nang may kausap ito. Sa pagkakaalam niya ay walang kilala amg dalaga.
Isang matandang lalaki na mahahalata mo pa ang kalakasan at halatang malakas pa ang kausap nito. Habang palapit siya ay naririnig niya nang bahagya ang usapan ng dalawa.
"Hindi ka dapat nandidito. What I want for you is to be safe. Ano ba ang mahirap intindihin sa sinasabi ko sa iyo?"
"Ngayon lang po ito, mayor. Hindi na ako aalis ng isla sa susunod," mahinang sagot ni Karen.
"Manang-mana ka talaga sa ama mo, you are both hard-headed people," sabi nito at tinalikuran ang kasintahang nakayuko.
Nagkatitigan sila ng matanda. It is Mayor Albert Matias. Ang current mayor ng Siargao. Napaseryoso siya nang matalim siya nitong tingnan.
There is something wrong with this.
There are so many things he doesn't know.
From what he knows, Matias is a ruthless mayor. Isa itong kilalang matigas at nakakatakot na mayor. What is his relationship with her girl?
He needs to find out.
Itutuloy!