AGAINST THE WILL
(Hindi Sweetheart Series 1)
written by JellyPm
Kabanata 6
SINAMAHAN ni Honey ang ina ni Ace isang umagang magkasalubong sila. Pareho namang palengke ang punta nila at dahil may kalayuan ang bayan, sinabay na niya ito. Honey will go to city to buy gowns for the upcoming JS Prom.
"Hindi na kayo gumagala ni Ace, ah. Nako, ang batang iyon, aral na nang aral. Sometimes, nagnu-nosebleed pa siya," malungkot na sabi ni Tita Ems.
"Nagnu-nosebleed na siya, Tita?" nag-aalala niyang tanong.
"Oo, di ko alam kung anong gustong patunayan ng batang iyon."
Natahimik ang dalaga. Nasa fourth quarter na sila ng school year na ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Ace ang naging Top 1 noong nakaraang third quarter. Pero hindi pa rin dapat pasiguro ang binata na siya ang magdi-deliver ng valedictory speech dahil gaya nang nakaraang quarter, points lang ang layo nila ni Katkat.
"Ang talino po talaga ni Ace."
"Mana iyan sa ama niya."
"Sino po ang tatay ni Ace, Tita Ems?" tanong ng dalaga. Nabigla pa ito nang maglamlam ang mata ng ginang. Binawi tuloy niya ang tanong niya. "Hindi na po pala, Tita. Wag niyo na pong sagutin."
Ngumiti ito. "Confidential, e. Kilalang tao ang ama ni Ace. I don't want to be his father downfall so I left."
Tumango siya. Sa bagay, hindi na siya magtataka. Ace's mother is really gorgeous. Hindi nakakapagtakang magustuhan ito ng kilala at may kayang tao.
"Labas na ako, dito na ako mamalengke, Honey. Minsan dalaw ka sa bahay, ha. Kapag kasama ka no'n, doon lang dumadaldal ang anak kong iyon."
Tumango siya kahit hindi niya sigurado kung talagang dadalaw siya.
Malayo na ang kotse nila nang mapansin niya ang isang wallet na yellow. It's a big wallet so probably importante iyon. Walang ibang sumakay doon maliban kay Tita Ems.
Maybe she will just deliver it later to their house.
Naging abala ang paghahanda sa school nila for the upcoming JS prom. Every boy in their batch always ask Renren to be their partner but her friend refused. Kumuha na lang ng listahan ang kaibigan para raw makapili na lang siya. Magpapa-raffle na lang daw ang luka-luka.
Renren knows how to handle her beauty. She knows how to play boys. Hindi naman ito mahilig mag-boyfriend, e. In fact, sa kanilang lima si Ezang lang ang nagka-ex sa kanila. Dalawa pa. Maganda rin naman kasi ito. Chinitang may nunal sa tip ng ilong.
"Pwede ka na rin, wanna be my date?"
Inisnaban ni Honey si Mark.
"Oh, come on, Honey. No one will ask you for being their date in prom dahil alam nila ang record mo sa pagiging amazona mo sa lahat. Boys hate your guts, you know."
"As if I care, Mark."
Nilampasan niya ang binata pero sa bilis at inis niya habang naglalakad ay nabangga niya naman si Ace.
"Sorry, Ace."
Tumango lamang ito sa kaniya at nilampasan siya. Nilingon niya ito at napansin nanaman niyang nakatingin nanaman ito sa suot-suot niyang singsing.
Tapos ay ngumiti.
She then smiled. Hindi niya mapigilan hindi mangiti kapag ngumingiti ito na ang dahilan ay ang singsing niya.
Aaminin niya na ang hindi nila pagpapansinan ni Ace ang nagiging dahilan kung bakit lagi niya itong hinahanap. Maybe, Ace doesn't know it pero sa t'wing sa iba nakatingin ang binata ay tinititigan niya ito.
Ace is 5'8 at age of 16. Matangkad ito pero payat. But then, you cannot say that he is ugly, like now, niyaya siya ng ibang babae na maging date siya.
I mean, everyone knows that Ace is poor but because he is smart and a little bit grumpy which most of the girls in their batch find it attractive, e meron pa rin itong admirers.
"P'wede ka bang maging date?" tanong sa kaniya ng kaklase nila.
"Sorry pero may yayayain na akong iba."
Tumingin ito sa kaniya at tipid na ngumiti. Hindi naman siya ganito noon kay Ace but Ace little gesture make her heart skipped a little, hindi na nga niya alam kung little pa ba basta malakas ang kabog ng puso niya at gusto niyang kiligin sa harap ng marami kapag tumititig ito sa kaniya. Hindi lang niya magawa, kasi nakakahiya. Baka kapag nalaman ng iba na ganito siya sa binata ay ma-bully ito. Gaya ng noon. Iisipin nanaman nila na sumasama ang binata sa kaniya dahil sa mayaman siya.
Hindi tuloy niya makain ang kinakain niya sa canteen. Wala siyang gana. Iniisip niya kasi ang mapangutya niyang kaklase.
"Napapansin kong nangangayayat ka, Honey. You are not eating your food."
"Tama, nilalaro mo iyang spaghetti, don't you like it? Akin na lang?"
Ngumiti lang siya sa mga ito.
"Maygash, Honey Boy, you are changing!" eksaheradang puna ni Ezang sa kaniya.
"Ha?"
"I mean, look at you. Ngayon, nawalan na ng aksyon ang buhay namin dahil wala ka ng gulo na kinasasangkutan. Hindi ka naman siguro pinapagalitan dahil mabait si mayor," puna nito sa kaniya.
"May kinalaman ba iyang Ace na iyan sa pangangayayat mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Katkat. "Kakainis iyon! Pinapahirapan niya ang junior high ko!"
Uminom siya ng tubig bago nagsalita. "Hindi ako nangangayayat, may iniisip lang."
"If date sa prom, Mark is not a bad choice, Honey," puna ni Renren
"I don't like him. Not in my choice, duh."
Nagkibit-balikat lang ang kaibigan niyang si Renren.
Para hindi na siya tanungin ay kinain niya ang spaghetti, medyo mahaba ang pasta na naisubo niya kaya ganoon na lang ang hiya niya nang mabungaran siya ng ganoon ni Ace. Makikita mo pa sa mata nito ang aliw nang makita siya.
Kumuha siya agad ng tissue at uminom ng tubig.
Kakahiya!
Napansin niyang bumili lang ang binata ng pagkain at pina-take out ito. Umalis ito ng canteen kaya nakahinga nang maluwag ang dalaga. Kakahiya shocks!
Sabay-sabay na naglalakad ang magbarkada papuntang pathway. Doon muna sila sandali tatambay. Nagkataon naman na naroon ang mga grupo nina Maze at Mark.
"That asshole is being pain in the ass, huh?" rinig niyang tugon ni Mark habang diretsong nakatingin kay Ace na nasa di kalayuan. Mukhang naharang nanaman ito ng mga Grade 9. "Hindi pa kumuha ng isang date para hindi na siya hinahabol-habol ng iba!"
"I heard he will ask someone soon, Mark," sagot naman ni Maze dito.
Napabaling si Mark sa kaniya and then smirk. Why me of all people?
"Don't tell me, tuloy pa rin ang ambisyon niya na si Honey ang kuning date? Poor people are really something, huh?" parinig ni Mark kay Honey na ngayon ay masama na ang tingin dito. "Alam na alam ng bugok na iyon ang kakapitan niyang tao. Sabagay, kahit totomboy-tomboy ay mapera itong si Honey. Baka yumaman bigla."
Naikuyom ng dalaga ang kaniyang palad bago siya tumayo at nilapitan si Mark.
"Ano bang problema mo sa kaniya?!" nanggalaiti niyang tanong dito.
"What's wrong about voicing out my opinion, Honey? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah."
Sumabat naman si Katkat kay Mark. "You should do something about your attitude, Mark."
"Oh, pinagtatanggol mo ang kagaya mong mahirap?" panunuya nito kay Katkat. Nakita niyang dumaan ang sakit sa mata ng kaibigan.
"Mark!" galit na sigaw nilang apat.
"Alam kong bully ka at matapobre ka pero di ko alam na ganito kalala. Hindi ka naman magiging ganiyan kayaman kung hindi naghuhugas ng pwet iyang mga ate mo sa ibang bansa. Do not belittle people dahil lang sa hindi kayo pareho ng baon, kumpara sa kayamanan mo at kayamanan ko, mahirap ka pa rin. Ang pinagkaiba natin, hindi ako nagmamaliit ng tao," sabi ni Ezang na talagang mayaman din. Galit na galit ito. "Mauna na nga tayo, masyado pulloted ang hangin dito dahil sa laki ng ulo ng isa."
And when everything is settled, nakita niya si Ace na papalapit sa kaniya.
Pakamot-kamot pa ito sa likod ng ulo nito na parang nahihiya. Pero baka gaya ng dati ay hindi nanaman siya nito papansinin kaya napayuko siya.
"Honey," tawag ng binata sa kaniya. Hindi makapaniwala si Honey na tatawagin siya ng binata kaya mabilis na napaangat ng tingin ang dalaga. "Can you be my prom date?"
Natigil ang mundo niya.
This is what she wanted! She really likes Ace to ask her. Kaya wala siyang tinatanguan na lalaki ay dahil gusto niya si Ace ang maging prom date niya.
Sure na siya na ito ang gusto niya, oo naman sana ang sagot niya...pero narinig niya ang kumag na si Mark na eksaheradong umubo pagkatapos ay malademonyong tumatawa.
Masama niya itong tiningnan pero nasa mata ni Mark na sinusukat siya. Sa mata nito parang sinasabi nito na hindi ito nagkakamali.
Na talagang mukhang pera si Ace kaya ito lumalapit sa kaniya..
"Honey?" tawag sa kaniya ng binata.
Ngumiti siya nang mapait dito. Her friends are in her back.
Tiningnan niya ang mga ito pagkatapos ay tumulo ang luha siya. She doesn't want to do this pero kailangan niyang protektahan si Ace.
Hinarap niya ang binata.
"I am sorry, Ace. Pero hindi kasi ako mag-aattend ng prom. Iba na lang yayain mo."
Hindi na niya alam ang reaksyon ng binata. What she heard is the demonic laugh of Mark and her friends calling her while she is running...far from them.
Itutuloy....