Gshshs

1669 Words
AGAINST THE WILL (Hindi Sweetheart Series 1) written by JellyPm Kabanata 7 "NASA junction na ang bus na sinasakyan ko, saan ka, Honey boy?" "Oy, Honey boy!" "Honey!" "Huh?" lito niyang tanong sa mga kasama. "You're spacing out, girl! My gosh! Dami na naming pinag-usapan dito. Saan ka na ba parte ng imahinasyon mo dinala?" tanong sa kaniya ni Kat. "Wala." Ngumiti siya sa mga ito at manaka-nakang nakikisali sa pag-uusap. She is now in the boundary of La Union. Malapit na rin siya sa kanila. Hindi siya makapaniwala na nakapag-drive siya ng safe kahit naglayag na ang isipan niya sa nakaraan. She attended the prom with a partner that night. But her partner is neither Ace nor Mark, it's a Manila boy and yes, he's Bobby. But Ace was not there. He did not attend the prom and ever since that day, they didn't see each other. Nagpunta sila ng US ng kaniyang ama to do some half year seminars bilang mayor. Hindi siya nito kayang iwan mag-isa. Nakiusap lang ang mayor niyang ama na bigyan siya ng module para makapagtapos siya ng Grade 10. Nagtapos siya ng senior high sa US. Then studied in US and Japan for her medicine course at napiling magtrabaho sa New Zealand bilang nurse. When she became a doctor and earning much, she met a Filipino family of doctors and she told them that she missed the Philippines, she then came back in the country to serve people while earning much because of their recommendations but her skills speak more though. "Saan ka na banda, Honey?" "I see the arc of Hindi Baranggay. Bukod sa naging moderno ang kabahayan, gaya pa rin ito ng dati, no?" tanong niya sa mga ito. "Yes na yes!" Erza proudly said. "Sino na ang kapitan dito?" tanong niya. "Si Ace!" Napapreno siya sa pag-drive sa gulat. "What!?" "Hindi mo alam, Honey?" gulat na tanong nila sa kaniya. "Of course, I don't know!" Naghagikgikan ang mga ito. Nanliit tuloy ang mata niya sa mga ito. They are still in a Zoom meeting. "He is your father's favorite candidate then di mo alam?" "Hindi ko nga alam! Ba't di niyo sinabi?" Gulat na gulat ang dalaga. She was thinking that she can't able to see Ace because the probability is low. Matalino ito at baka nasa malayo na kaya hindi niya naisip na nandito lang ito. "Ace is like your dad, though. Batang pumasok sa pulitika. Surprisingly, magaling siya. He is love by everyone and every dalaga here is kinikilig to him talaga, I can't blame them though. He is one heck of a guy." wika ni Erza na nanatiling sa Hindi Baranggay tumira. Lumalayas lang ito sa baranggay kapag nagta-travel ito at kung may business venture itong ginagawa. "Mabait ito at maalalahanin. And one of the big catch bachelors in this baranggay." Tumango-tango siya kahit sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Mayamaya ay may kumatok sa bintana ng kotse niya. It's a group of young men and they don't look so fine. Mukhang galit na galit ang mga ito base sa pagkakakunot ng noo nila. Binuksan niya ang kotse niya. "Bakit po?" tanong niya. Wala naman siyang takot sa mga ito. She can handle herself may armas man ang mga ito o wala. "Hindi ka na nga tagarito, nakuha mo pang mamangga ng mga tanim." "Pasensiya na babayaran ko na lang." "Sinasabi mo bang babayaran mo kami!?" Bumuntong hininga siya pagkatapos ay lumabas sa sasakyan. Bahagya siyang yumuko upang magpakita ng paghingi ng pasensiya. "Ganda-ganda ng sasakyan mo, miss. Basubas ka naman magmaneho." "Pasensiya na talaga, mga boss. Hindi ko sinasadya." Tiningnan niya ang nasira niyang mga halaman and she was shocked! Ang ganda ng mga ito. Ang ganda talaga! "Paano kami makakasali sa contest nito," palatak ng isang lalaking may hawak na pambungkal. "Bukas na ng umaga ang contest, e." "Magkano ba ang prize, babayaran ko na lang kayo." "We are not after the money or the prize, miss. We are after the title. We want to win because we want the trophy. Kami dito sa Purok 1 ang may hawak ng nakaraang titulo," wika ng isang babae. Lumabas ang isang babaeng may mala-porselanang kutis. Ito ang nagsalita. Honey is proud about her skin color, morena, but looking how glowing this girl, medyo nakakainggit din pala. Napakaputi niya. "Sorry about it. I will help na lang." Ang kaninang nakakunot nilang mga noo ay unti-unting naaayos. "Hindi ako marunong pero fast learner naman ako," wika niya sabay bahagyang ngumiti. Tumango ang mga ito sa kaniya. Sumakay uli siya sa kotse niya at pinark iyon nang maayos. Inalis din niya ang coat niya dahil mainit naman at sagabal sa pagtulong niya, kaya ang Cami top na racerback na nasa panloob niya ang lumitaw. Itinupi rin niya ang slacks niya pataas para di sumayad sa lupa pagkatapos ay nag-ponytail siya nang hindi nagsusuklay. When Honey face the people, they were staring at her. Tinitignan siya ng mga ito nang may paghanga. "Ang ganda mo pala, ma'am." "Para kang artista na napapanood namin." Nginitian niya ang mga ito. "Saan tayo magsisimula?" Tinuro ng mga ito ang halamang nabangga niya, iyon at ayun na nga, binigyan siya ng gloves dahil nahihiya raw ang mga ito sa kamay niya na magbubungkal at aayusin ang nasirang mga bulaklak. Somehow, masaya siya. Masaya siya kasi kahit papaano, hindi naman pala ganoon kasasama ang mga ito. Mainit lang ang ulo dahil siguro nga, seryoso sila sa contest. Nakikitawanan siya sa mga ito kahit pa nga hindi nila alam kung sino siya at ganoon din siya sa mga ito. Mukhang mas matanda siya sa ibang kalalakihan. Mayamaya ay nagring ang phone niya. Sinagot niya ito. "Nasaan ka, Honey?" tanong ni Katkat. "Nasa Purok uno ako," sagot niya. "Ginagawa mo sa Purok na iyan? Taga-Purok kwatro ka!" "Mamaya na ako uuwi sa kwatro medyo nakadali ako rito, e." "Nako, wala pa man, Honey boy, mukhang may ginawa ka nanaman, ah." "Ibababa ko na ito, hintayin niyo na lang ako sa lamay mamaya." Binaba niya ang tawag. Pagkatingin niya, lahat sila nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya. "Taga-kwatro ka?" Tumango siya. "Pero kilala ko lahat ng tao rito, e. Maraming magagandang dalaga akong kilala rito at imposibleng sa ganda mong iyan ay di kita maisasali." "Umalis ako after highschool para mag-aral sa ibang lugar," tumango-tango ang mga ito sa kaniya. "Anong pamilya ka, Miss?" Nag-aalangan ang dalaga na sabihin niya kung anong pamilya siya nabibilang dahil ang ama pa rin niya ang mayor ng bayan na ito. Last term na nito. "Ah, ama ko si ——" "Anong nangyari rito?" singit ng lalaking may malalim at baritonong boses. Nasa likod niya galing ang boses at kahit pa nga matagal na panahon na ang nakalilipas, hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaking minsan nang nagpatibok nang mabilis sa kabataan niyang puso. Boses ito ni Ace! Nakatalikod siya rito. Tirik na tirik na ang araw, bagaman may malaking puno na sumasangga sa mga halamanan ay hindi pa rin noon maitatago na hindi na kaaya-aya ang itsura niya. Pawisan siya! Hindi ganito ang pagkikitang inaasahan niya. But then, they were friends. Napakabastos naman niya kung hindi niya ito papansinin. "Wala po, kap. Nabangga lang ng magandang binibini ang mga ilalaban naming halamanan sa contest bukas," sagot ng isang binata. Haharap na sana siya nang magsalita ulit ito kaya napahinto siya. Iba na ang presensiya ng binata. "Where is Salome?" tanong nito nang hindi siya pinapansin. "Nasa loob, Kap." "Sige, mag-uusap lang kami saglit. Ayusin niyo na lang iyan." Nilampasan na siya ng binata. Honey doesn't know why she felt so different. Parang may namumuong iba sa dibdib niya. Hindi siya sigurado kung ano ito pero isa lang ang alam niya, hindi maganda sa pakiramdam. Maybe Salome and Ace are lovers. Maybe they are in a relationship. Maganda naman talaga ang dalaga kanina. Never pa nga siya na-insecure sa kutis niya, ngayon lang nang makita niya ang mala-gatas at mahaba nitong mga buhok na sinamahan pa ng balingkinitan nitong katawan na kumukurba sa simpleng t-shirt at basketball shorts na suot nito. Simple yet she looked so classy. Mukha itong model ng kasimplehan. "Si Kap na ba at si Salome? Dumadalas ang pagkikita ng dalawa, e," tanong ng isang lalaki. "Si Salome yata ang private nurse ni Tita Ems, e. Baka may sadya lang." "Oo nga, wala namang nagustuhan si Kap dito sa lugar natin pero maraming tsismis na iba-ibang babae ang nagpupunta sa bahay nila Kap. Matinik din sa babae." "P'wede ba magsimula na lang tayo!?" inis niyang yaya sa mga ito. Nagulat pa siya sa inakto niya. Hindi niya alam bakit naiinis siya sa mga kwento ng mga ito. Ace being a babe magnet!? Hindi nakakatuwa. "Okay, guys. Magsimula na nga talaga tayo dahil namumula na si ate sa init, o." "Sungit," tugon pa ng isa na mukhang pinakabata, tingin nga niya ay sampo o labing isa ang gulang nito. Ikinainis niya ang sinabi nito. Lalo pa ng tapunan siya nito ng lupa sa katawan at tinapakan pa nito ang paa niya bago lumayo. "OUCH! WHAT THE HELL ARE YOU DOING TO ME, KID!?" "Sungit mo! Pangit!" Sa inis niya at insecurity na nararamdaman niya, nilapitan niya ito at kinutusan agad. Huli na nang ma-realize niya na wala siya sa lugar para makipag-away sa bata. Sa tagal niyang nabuhay ngayon lang siya pumatol sa bata. Hindi niya tuloy alam ang gagawin nang pumalahaw nang malakas na iyak ang batang lalaki. "Sorry, it wasn't my intention—" "Ang tagal mong nawala rito then you came and never change, takaw gulo ka pa rin, Honey." Nilingon niya ang nagsalita. It's Ace! Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya habang nakataas ang sulok ng labi. Hindi niya tuloy malaman kung binibiro siya nito... Or he mean it when he said, she did not change. Does that mean, siya pa rin ang Honey na lihim na nagmahal sa batang bersyon ng Kapitan ng Hindi Baranggay? Na hindi nagbago pati ang nararamdaman niya rito? Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD