Ikaapat
"Pare, si Alyza, o!"
Mabilis na lumingon si Cedric sa tinutukoy ng kaibigan. He saw Alyza wearing an oversized shirt and a short saka ito nakasuot ng de gomang tsinelas. Nakatrintas ang buhok nito sa magkabilang gilid. At base sa dala nito, mukha itong mamalengke.
"Puntahan natin, pare. Yayain natin dito," sabi ni Marcus sa kaniya. They are in the arcade near the supermarket. He hangs out with friends and still get a high grade. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang maging magkaibigan sila. Pero mula nang araw na iyon ay hindi na niya nakikita ang dalaga pa. Hindi niya alam kung nag-iiwas ba ito o kung ano pang problema. Ngayon na lang niya uli ito nakita.
"Huwag natin guluhin ang babae, Marcus," pambabalewala ni Cedric sa yaya nito.
They start to shoot the balls, paramihan kasi sila ng ticket dito. Kung kanina ay competitive siya ngayon hindi niya alam bakit palagian siyang nakatingin sa pwesto ng dalaga.
Napakunot ang noo niya nang makita ang dalaga na nilapitan ng apat na lalaki. Aly looks so polite but he knows that she is already afraid of the guys kaya walang paalam niyang iniwan ang pinaghirapang ticket galing sa mga tokens na nabili.
Mabilis siyang naglakad papunta sa direkyon ng dalaga. Naabutan niyang nakikiusap ang dalaga na hindi siya puwede sumama sa mga ito.
"Hindi po talaga, mga kuya. Hindi po ako uniinom."
"Edi, kwentuhan na lang tayo? Anong pangalan mo?" sabi nito na akmang hahawakan ang balikat ng dalaga pero agad niyong hinawi iyon.
"Inuutusan pa po ako ng ama ko," paalam niya sa mga ito. "Mauna na po ako."
Pero makulit ang mga lalaki, hinawakan pa nila lalo si Aly.
He is not the type of man to resort into violence pero sa hindi niya alam na pagkakataon, gusto niya manapak. Umiinit ang ulo niya sa inis.
"Makikipagkilala lang naman kami!" maingay na sabi ng parang pinakalider ng grupo pagkatapos ay mabilis na inakbayan ang dalaga.
Promise. Aly is smiling but she is trembling. He knows because he can see her hands shaking. Tang*na.
Hindi na niya napigilan ang inis. Kinuha niya ang kamay ng binata at inikot ito.
"G*g*! Aray! Aray!!" pamimilipit nito sa sakit. Nagulat ito at nagulat din ang tatlo niyang kasama.
"Huwag kayong lalapit kundi babaliin ko talaga kamay ng ku*al na ito," maangas niyang sabi. Nambanta ang lalaki sa mga kasama niya na huwag lalapit. Takot ang k*pal. Nilingon niya ang dalaga na may namumuong butil ng luha sa mga mata nito. "Aly, dito ka sa likod ko," utos niya sa kaibigan. Tumango ito at mabilis na pumunta sa likod niya.
Siya naman ay muling hinarap ang mga lalaki. "Hindi na kayo nahiya. Apat kayo, mag-isa lang niya. Bakit hindi ninyo ako subukang apat," sabi niya pagkatapos ay binitiwan ang lalaking hawak na nagmumura at iniinda ang kamay na pinilipit niya. "Kung gusto niyo makipagkilala, bakit hindi sa akin?"
Lumapit siya sa mga ito. Apat sila pero hindi hamak na mas matangkad siya sa mga ito. Mukhang mas matanda rin siya sa mga ito. Ngumisi siya. "Cedric Villa Paz. 16 years old. Capricorn. December 27. Type B. Gusto niyo pa ba ako makilala? Kasi kanina atat na atat kayo makipagkilala," nanliliit ang mata niyang sabi sa mga ito. Nang lingunin niya si Alyza sa likuran ay nagsusulat ito. "Anong ginagawa mo?"
"Sinusulut ko lang mga sinabi mo. Ang bilis mo, anong blood type mo na kasi?"
Napailing siya rito. "Type B," sagot niya.
Nang lingunin niya ang mga ito ay bigla niyang sinalo ang suntok ng isang lalaki. "Dam*!"
"Ang yabang mo, g*go! Akala mo ba uurungan ka namin?"
Sapo niya ang kaniyang pisngi. Nadali siya doon, ah. Ginalaw-galaw niya ang mukha niya habang ang dalaga ay todo ang pag-aalala sa kaniya and he swear, mas naiiyak na ito kaysa kanina.
"Cedric!" tawag ni Marcus at iba pa niyang kasama. "Kasama ka lang namin kanina ngayon nakikipag-away ka na. Ikaw ba talaga iyan?" natatawang sabi ng mga kaibigan.
"Hawakan niyo ang mga kupal na iyan!" sigaw niya. "Ang yayabang, e, babae lang naman ang kaya."
Ngumisi ang mga ito at hahawakan na sana ang mga lalaki ng biglang magsipagtakbuhan ang mga ito. Iniinda niya kahit papaano ang suntok and his male pride want to get revenge kaya hinabol niya ang sumuntok sa kaniya na hindi pa nakalalayo. Kinwelyuhan niya ito at sinuntok pagkatapos ay itinulak ito palayo.
Malutong na mga mura ang pinakawalan nito pero tumatakbo naman. Tumawa siya. "Mga duwag naman ang mga kupal!"
Pumalakpak si Marcus. "Binata ka na pare ah? Akala ko di mo kaya sumuntok," natutuwang bati sa kaniya ni Marcus. Minura niya lang ito na nagpaligaya pa sa huli pagkatapos ay pinuntahan ang dalaga.
"Ayos ka lang?"
Tumango ito. "Hindi ko alam na nakikipag-away ka pala."
"Hindi ako nakikipag-away. They just pissed me off."
"That's the first time I saw you that pissed. Lagi ka kasing ganito, o," sabi nito sabay pakita ng usual face niya. Ngumiti siya rito.
"Huwag mo ako asarin. Are you alright?"
Tumango ito pagkatapos ay nanlaki ang mata. "Oh my gosh! Si ama pala naghihintay ng pinabibili niya. Ang dami pa naman nito!"
"Sasamahan kita," yaya niya rito. Ngunit umiling ito at ngumiti.
"Kaya ko na siguro ito."
"I insist."
"Sasama rin sila?"
Doon lang niya napagtanto na nandito pa pala ang mga kaibigan niya. Nakangiti na nakanguso ang mga ito sa kaniya na parang what he's doing right now favored to them.
"Hindi na kami sasama, Ms. Castro. Date niyo iyan."
Namula siya sa sinabi ng kaibigan.
"Marcus!"
"Nagba-blush ka, pare! Haynako. Kung sino talaga ang parang aayaw, heto pala talaga ang may gusto," sabi ni Marcus pagkatapos ay lumakad palayo. Hinarap niya ang dalaga at namumula rin ito.
"Okay lang talaga sa iyo na tulungan ako mag-grocery?"
Tumango siya.