KABANATA 3

1431 Words
IKATLO CEDRIC can't take his eyes off sa babaeng gumugulo sa isip niya. Kasalukuyan itong nag-oorder ng sandwhich sa tindera. Her smile is very approachable. Her smile is contagious that even the person in the canteen are bubbly talking to her. "Crush ka niyan, pare, swerte mo! Ang ganda ni Miss. Castro, pormahan mo." "Pass na lang, p're. Ayaw ko sa gulo. Gulo lang dulot ng mga babae sa mga lalaki." "Mabait iyan. Hindi isnabera, saka hindi naman nagkakagusto sa iba iyan, sa iyo lang. Naks!" dagdag pa ng kaibigan. Nilingon niya ito at tinapik sa hita. "Stop it, Marcus. Hindi ako intresado," sagot niya rito. Habang ang tingin ay kay Alyza Castro, the girl who is very loud expressing her admiration for him but doesn't like to be with him. How ironic, lady. "Sayang naman. Kung ako lang iyan, syosyotain ko talaga iyan." Pumalatak ito at napa-Ohh. "Ang ganda, sexy at ang bait pa." Sa hindi malaman na kadahilanan, ayaw niya ang ideya na nagugustuhan siya ng iba. He had this feeling that he is missing something in his life. Walang gana siyang tumayo nang makita niyang lumabas ang dalaga dahil kung papakinggan niya lang si Marcus. He will just give him a headache. Is this girl on a diet? Bakit hindi ito nananghalian? Diretso lang ang lakad ni Alyza. This is not the way papuntang building nilang mga senior high. Ang way nito ay papunta sa mga kubo sa nursing department. Nasaan si Jelay at Selyne? Did they leave her? Napabuntong-hininga siya at hindi namamalayan na nakasunod na lang siya sa dalaga. "Where are your friends?" tanong niya bigla rito. Napansin niya ang gulat ng dalaga dahil bahagya itong napakislot at napahawak sa puso. Nagpalinga-linga muna ito bago humarap sa kaniya. Maybe she is checking if people are looking at them. "People are having their lunch. Nag-aalala ka ba sa issue?" tanong niya uli sa tulirong dalaga. "Ha? Issue?" sabi nito sabay lingon sa kaniya pero agad din nagbawi. "Ayaw ko lang sana na ano—na, oo, nakikita kang kasama ako." "Bakit?" seryoso niyang tanong. "Kasi baka matsismis ka na tayo, hindi ba at ayaw mo ako?" tuloy-tuloy nitong sabi saka siya nilingon at nahihiyang ngumiti. "It's okay, Cedric," dagdag pa nito saka ngumiti. "Sabi ni ama, once daw na may nagugustuhan ang tao, hindi naman mahalaga na gustuhin ka rin ng taong iyon. Hindi natin dapat pinipilit ang feelings." "Teka, anong ayaw kita?" nakakunot noo niyang tanong. "Hindi ba?" " Hindi," mabilis niyang sagot. Ngumiti ito. "Edi gusto mo ako?" tanong nito saka ito tumawa. "Sorry, Cedric. Nagsasalita lang ako nang nagsasalita kasi kinakabahan ako na tayong dalawa lang. Sinusubukan ko maging kalma pero dito sa puso ko, kumakabog sa kaba kapag malapit ka," tumawa ito pero oo ramdam mo talagang kinakabahan ito at sa mata nitong hindi mapakali. Napangiti siya sa dalaga. "Kinakabahan ka pero palagi ang banat mo diyan," sabi niya rito. Unti-unti itong ngumiti sa kaniya. Her face is bright. No wonder why people likes her. Hindi niya alam bakit siya naiinis noon sa dalaga, e, ang bait-bait naman pala nito. "You're kind," sabi niya rito. Tumango naman ito. "Sabi kasi ni ama, iyong bait ang mas mamahalin ng tao nang matagal, ang itsura kasi panandalian lang. Kaya mas gusto ko natatawag na mabait kaysa maganda." "But you have both, beauty and character." Ngumiti ito at yumuko. "Siguro." "Humble iyan?" Tumawa ito. Sarap sa ears. Tumikhim siya at nag-inat ng braso. He feels good around her. Maybe he can ask this beautiful lady beside her if can they be friends. "Alyza?" Lumingon ito sa kaniya. "Hmm?" "Can we be friends now?" Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. "Di ako sure," malungkot nitong sagot. Napakunot siya ng noo tapos mamaya ay inayos din. Maybe, babanat lang uli ang dalaga. "Bakit hindi mo sure?" "Hindi ako komportable kapag nandiyan ka, sabi ng iba sa kaibigan mo ikaw kokomportable, e, hindi naman ako kailanman naging komportabe sa iyo. Kapag nakikita kita, nagririgodon ang mga loob ng katawan ko. Kumakabog nang malakas ang puso ko." Tiningnan na lang niya ito at nginitian. Ito naman ay yumuko at nag-sorry. Habang nakayuko ang dalaga ay lumawak ang pagkakangiti niya. Her words are simply telling him how much she admires him. Cute, Alyza. Hindi niya tuloy alam bakit kusang tumaas ang kamay nito pagkatapos ay ginulo ang buhok ng dalaga pagkatapos ay kinuha niya ang kamay nito at shinake hands. "Be with me always. Feeling ko sasaya ako kapag kasama ka." "Ha?" "Hakdog." "Hakdog?" Hindi niya napigilan ang paglawak ng ngiti niya. Ang cute talaga. "We're friends now, Alyza. Goodbye." Naglakad siya palayo sa dalagang natulala sa sinabi niya. Hindi na niya na-compose nang mabuti ang sarili niya. Ano-ano na tuloy nababanggit niya. Hakdog? Putek. Anong salita iyon? Bakit iyon ang nababanggit niya. Naaasar siya sa sarili niya na natatawa. ------ "Ano naman ang kasiya-siya sa itsura ko, Aly?" tanong ni Jelay kay Alyza. "Ang creepy mo, sinaniban ka yata." "Kanina pa ganiyan iyan magmula ng dumating tayo," segunda naman ni Selyna. Kumibit balikat lang siya. Ayaw niyang sabihin sa mga ito na nag-holding hands sila ni Ceddy kanina, ay este shake hands pala. Ang bango ng Ceddy niya at ang lambot ng kamay. Halos naaamoy pa rin niya ang bango ng binata kahit ilang oras na ang nakakalipas. Nangingiti rin siya kapag naaalala ang paggulo nito sa buhok niya. "Hoy! Alyza! Saang galaxy ka nanaman nakarating! You're spacing out again!" sigaw ng kaibigan niya sa kaniya. " Nagdududa na ako, may nangyari ba sayo kanina habang wala kami?" Tiningnan niya si Jelay. Tinitigan to be exact pagkatapos ay buong tamis na nginitian. "Wuuuu! Shet! Nakakakilabot! Shuta ka, girl! Malala ka na!" diring-diring sabi ni Jelay. "You're a creep, Aly. Ano ang nangyari sa iyo?" dagdag pa ni Selyne. "Wala. Happy lang." Lumipas ang oras at nagsimula na ang klase nila. Nakinig siya nang maayos sa guro, mukhang mapipilitan siyang mag-aral nang mabuti lalo at naka-first move siya kay Ceddy. Cedric is very smart. Ayaw niyang mapahiya ito dahil gumi-girlfriend ito, I mean, nagka-friend ito ng hindi matalino. "I think, Ma'am, kung nag-intersect siya sa right angle, it is perpendicular," singit niya sa guro kahit hindi naman siya tinatanong. "Ve-very good, Ms. Castro," nag-aalinlangang bati sa kaniya ng kanilang guro sa Math. "This girl is giving me the miracle of the year," natatawa habang umiiling na sabi ni Selyne. "Kapag ginusto pala, may alam din." "Hindi kaya sinaniban iyan kanina, mare? bulong ng dalawa sa likod niya. Nilingon niya ang mga ito. Ngingiti sana siya ng bawalan siya ni Celine. "Don't you dare to smile!" mahina ngunit may diin na banta ni Jelay sa kaniya. Tumawa siya nang mahina at nagsimula nang makinig sa guro. The teacher gave them, 10 items exam and she got 8. Nagrereklamo pa siya bakit mali siya, iyon pala, walang label ng centimeter ang mali niya. "Naka-eight ka pa, samantalang 6 points lang ako." Nginitian lang niya ito at nagsimulang kagat-kagatin ang ballpen. She is starting to imagining things. Magkakagusto kaya si Cedric sa kaniya? at kung oo, liligawan ba siya? magiging sila ba? ilan kaya magiging anak nila? nasa gitna siya ng pag-iisip nang biglang batukan siya ni Jelay. " Gaga ka! Napunit na testpaper ko kakangiti mo diyan. Sabihin mo nga, nakita mo si Cedric no!?" Lalo lumawak ang pagkakangiti niya. " Positive, Jelay. That must be Cedric's fault. Haynako! Ang lala mo talaga!" Nagkibit-balikat lang ang dalaga at patuloy nag-imagine ng kung ano-ano. Siguro kung sila ni Cedric ang magkakatuluyan baka ang ganda at gwapo ng mga anak nila. Napahagikgik siya sa naisip. Ang bata-bata pa nila pero parang gusto na niya magpamilya. Basta ang ama sa tahanan ay si Ceddy, kapag hindi siya. Salamat na lang! "Nakita mo ba ang ballpen ko, Alyza?" tanong ni Selyne sa kaniya. "Hindi, but you can use my ballpen naman." Tumango ito. "Pwede pahiram rin ng phone mo, Aly?" sabi ni Jelay. Tumango siya. Pinagpatuloy ang pag-iimagine ng bahay-bahayan nila ni Cedric. Nanay siya at Tatay si Ceddy tapos may mga bata sa bahay na nag-aaway dahil di magkasundo. Mayamaya ay kinalabit nanaman siya ng mga kaibigan. Nagtatanong at nanghihiram hanggang sa nakahalata siya. "Nakakahalata na ako ah!" sabi niya sa mga ito. "Ginugulo ninyo ako!" Tumawa ang mga ito nang malakas. Kaya pinagsusundot niya pa lalo ang nga ito sa tagiliran. Alam niyang ang ingay-ingay nila but no one dares to complain. Hindi niya gustong aminin but no one has a guts to touch them. In this school, they are the big names student.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD