KABANATA 2

1690 Words
Ikalawa Maagang pumasok si Cedric. Hindi naman siya dating ganito. Dati-rati, 10 or 5 minutes before the class siya papasok but now is different, he is in a good mood for he doesn't know the reason why...Or— Biglang dumaan si Alyza, her hair is not yet dry. Halatang minadaling sinuklay. Halos tumutulo pa nga ang tubig sa buhok nito. At iyon na nga, mukhang alam na niya kung bakit siya maaga. Yesterday encountered with Alyza makes him inspired. Mukha siyang kengkoy na napapangiti sa pagdaan lang ng dalaga sa room nilang mga Grade 12. Palibhasa ay halos magkalapit lang sila ng room. "Aly, lagot ka! Tinulugan mo nanaman ang assignment, no? Kaya pumapasok ka nang maaga dahil mangongopya ka nanaman kay Selyne?" sabi ni Jelay dito. "Hindi, tsi-check ko lang kung pareho kami ng sagot," sagot nito na may kasamang bungisngis. Napangiti siya sa sinagot ng dalaga. Pati si Jelay ay napahagalpak. "Neknek mo, Alyza! Wala kang maloloko rito!" Tumawa si Alyza. Naglabas ito ng tinapay sa kaniyang bag at sunod-sunod na kinagat iyon bago inalok sa kaibigan. Walang arte ang captain ng volleyball team ng school nila. Sinubo niya ng buo ang tinapay. Halata ang pagkaasar ni Alyza sa ginawa ng kaibigan. "Bakit mo inubos? Sa iyo ba iyon? Almusal ko iyan, e!" "Inalok mo, e." "Jelay naman, e. Kagat lang dapat, e!" "Palibre ka na lang, marami mag-o-offer na boylet sa iyo diyan sa tabi-tabi!" "Anong sinasabi mo? Alam mong hindi ako nagpapalibre! Iluwa mo iyang tinapay ko. Iluwa mo!" sabi niya pagkatapos ay niyugyog ang kaibigan na tumatawa habang nilulunok ang tinapay. Naaliw siya sa tagpong iyon. Hindi lang sa samahan nila kundi sa mga mata at ngiti ng dalaga. It's pure. It's genuine. Malayo sa dati niyang pagkakakilala rito. Naghaharutan sila nang biglang napadako ang mga mata ni Jelay sa kaniya. Napaayos siya ng ngiti tapos ay tumikhim. Nakakahiya, nahuli yata siya ng dalaga na nakangiti. Lagot. "Si Cedric, o!" turo sa kaniya ni Jelay. Bigla siyang na-awkward. Nagtakip siya ng panyo sa bibig at medyo naging tuliro. "Hindi mo ako maloloko, g*ga . 7:50 to 7:55 ang pasok niya sa umaga, duh! Ako pa ba? Kabisado ko pasok ni Ceddy, no! Hindi papasok ng—" tiningnan nito ang relo nito, " 6:56 pa lang, Jelay, duh. " " Si Cedric nga iyon baliw Haha, " aliw na aliw na turo sa kaniya ni Jelay. This freak, hindi ba nito alam magdahan-dahan sa pagturo sa kaniya? "Alam mo, Jelay, imposible talaga!" Lumingon ang dalaga sa direksyon niya na tinuturo ni Jelay. Inaaninag ng dalaga ang pwesto niya. Hindi pa rin ito naniniwala not until their eyes met. Nanlaki ang mata nito at aligagang napakapit sa balikat ng kaibigan. Kumunot-noo siya at umaktong parang seryoso. He doesn't know how to react, how he will be in front of her. He became shy. Si Alyza naman ay nabigla, bahagyang nanlaki ang mga mata nito at mabilis na tumalikod. "My Gosh. My Gosh!" sabi nito at dali-daling pumunta sa room nila. Ang room nila ay iyong malapit sa hagdan, no wonder why she knew his time to go to school. Kasi dadaan at dadaan siya sa room nila na halos tapat na lang din sa kanila "Hintayin mo ako, Aly!" "Leave me alone, Jelay!" Humagalpak ng tawa ang kaibigan nito habang nakasunod sa nagmamadaling dalaga. ------ Buong maghapon na naiinis si Alyza kay Jelay na ikanatutuwa lang ng huli. "Ayos lang iyan, Aly. Hindi ka naman ganoon kapangit kanina, slight lang," pang-aasar pa lalo ni Jelay sa kaniya. "Walanghiya ka talaga, Jelay. Wala ka talagang kwentang kaibigan. Sa lahat ng umaga na pumapasok akong maganda, noong di ako nag-ayos, doon pa ako nakita!" " Tinuturo ko na kasi sa iyo ayaw mo pa maniwala." "Kasi mukha kang joke!" Nagbabangayan sila nang biglang pabagsak na inilapag ni Selyne ang ballpen sa mesa na ikinagulat nilang dalawa. " Wtf, Selyne!!" "Ang ingay ninyo kasi." Nagtinginan silang dalawa at nag-aktong parang zini-zipper niya ang kaniyang bibig. Sa totoo lang talaga, introvert itong kaibigan nilang matalino. Sa hindi rin nila malaman na kadahilanan, naging kaibigan nila ito. "Okay. Naka-zipper na," sabi niya rito. Bumuntong hininga ito. "Nakopya mo na ang assignment?" "Yes!" masigla niyang sagot dahil always to the rescue sa kaniya si Selyne sa mga study niya. Si Jelay, tsismis lang ang ambag. Speaking of.. "Oo nga pala, Jelay, kailan ang tournament ng municipal volleyball?" "Next week, kaya nga medyo hectic ang sched ko. Hindi kita masasamahan mamaya sa canteen, ha. Kayo na lang ni Selyne—" "I love you, Aly, but I am sorry, mag-isa mo ngayon kakain sa canteen kasi may training kami for National Quiz Bee." "Ayos lang sa akin iyon, guys! don't worry, malay ninyo si Ceddy pala kasama ko," maharot niyang sabi na ikinailing ni Selyne at ikina-thumbs up ni Jelay. Nagsimula na ang klase. Nakaka-bore talaga. Studying is not her thing. She likes to go to school but she doesn't like studying. Kaya medyo napapaisip siya kung may mararating ba siya. Her life is not that bad. Her father is earning enough for them to survive. Siya at ang kambal niyang kapatid ay maayos naman ang buhay. Not rich but not that poor. "Miss Castro!" wala sa sarili siyang lumingon. "O?" sagot niya sa tumawag pero nagulat siya nang mapagtanto niyang teacher pala nila iyon sa Philo Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. Pati mga kaklase niya ay nakatingin din sa kaniya. Sumimbolo ng "X" si Jelay sa kaniya at umiling-iling naman si Selyne na parang disappointed sa kaniya. Bahagya siyang yumuko upang humingi ng paumanhin. "Sorry, maam." "Tss. Iyan ang mangyayari kapag boyfriend nang boyfriend. Laging wala ang isip sa eskwela," mapait na sabi sa kaniya ng guro. Ngumiwi siya ngunit nanatili pa ring nakayuko. Buong maghapon siyang tahimik na nakikinig sa guro habang nagtuturo. Nang natapos ay nilapitan siya ng dalawa. "Are you okay, Aly?" Tumango lang siya sa mga ito. " Nag-space out lang ako kanina." "Halika, ice cream lang katapat ng sermon ni Ma'am kanina," sabi ni Selyne sa kaniya. "Thank you pero di ba, training ninyo?" tanong niya sa mga ito. Nagtinginan ang dalawa at bumuntong hininga. "I will text you after my training, ha. Always update us, okay," sabi ni Selyne. "And stop spacing out, wala kami, we can't rescue you if anything happened," nag-aalalang bilin ng dalaga. " Huwag ka mag-aalala. Kapag natapos din ako agad, ikaw una kong hahanapin. Don't surround yourself with boys, ha." Tumango siya sa mga ito. Tapos ay nagpaalam na sila. That's it. Kasalanan niya naman, e. Wala siyang gustong salihang club dahil una talentless siya. Kaya ngayon, nagmumukmok siya. Mag-isa siyang naglalakad sa hallway papuntang canteen. At kahit na medyo may kalungkutan ay hindi niya iniinda. She has to be strong, hindi naman sa lahat ng oras, kailangan may kasama siya. She walked straight in the hallway. Taas noo lang siya at aware siya sa paligid niya na nakatingin ang mga tao sa kaniya. To be honest, hindi niya gusto ang atensyon ng mga tao sa kagandahan daw niya. She is aware of her beauty, magandang lalaki ang ama niya at siguro ay ganoon ang ina niya. Sabi naman nila ay may lahi ang ina niya. Malamang, pinatingkad ng ibang dugo niya ang physical features niya. Pero wala siyang pake sa kaniyang ina. She has no memories of her mom because her mom abandoned their family. Never siya nag-asam ng aruga ng ina but everytime na nakikita niyang nag-i-struggle ang ama sa buhay, how she wished she can see her mother and tell her how much she despise her for abandoning her and her twin sister. "Hi, Aly," bati sa kaniya ng hindi niya kilalang lalaki. She automatically change her facial expression and smile back at him. "Hi!" sabi niya ng nakangiti. She has to forget her personal problems when she's in school. She has to be strong for herself dahil ayaw niyang mag-radiate ng negativity sa buhay ng iba. Nahihiyang nagkakamot ng batok ang bumati sa kaniya halatang napag-utusan lang ito na batiin siya. Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. She wears her most expensive smile. Kaya ang mga dimples niya ay kitang-kita ng iba. She entered the canteen. Sobrang mahal ng mga pagkain dito and ang pinakamura ay sandwiches, may pack lunch naman siya na binaon ng ama niya but it's not suited in this place. Hindi naman siya nahihiya sa pagkain niya. Ayaw lang sana niya maging sentro nanaman dahil kahit ano yatang gawin niya, nakabantay sila. "Aly, dito ka na! Nandito si Cedric!" Hinanap ng tainga niya ang nagsalita. Nahanap niya ang lalaking kumakaway-kaway, hindi niya ito personal na kilala pero alam niyang basketball player ito at, tama, katabi nga nito si Ceddy. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis pero kailangan niya tanggihan. Alam niyang para siyang fangirl kapag kaharap si Cedric baka hindi na siya kumain at manitig na lang. She saw Cedric, crossing her arms at nakadekwatro. Nakasandig ang malapad nitong balikat sa upuan. Ang hot! Shete! Ngumiti siya pero hindi siya tumingin kay Ceddy. "Kain na kayo, bibili lang ako ng snacks." "Snacks? e, lunch time." "Hindi pa ako gutom, e. hehe" Tumango ang mga ito at ngumiti siya. Pumila siya at bumili ng sandwich. "I-take out ko po, Ma'am," sabi niya sa tindera ng canteen. Ngumiti ito sa kaniya. "Drinks pa ba?" magiliw nitong tanong. "Huwag na po, I have my water. Hindi raw po ako p'wede mag-softdrinks sabi po ng father ko," magalang niyang sagot. "Pasensiya na po." "Hay nako! Ayos lang iyon." Naghintay siya ng konting minuto bago niya natanggap order niya. Mahal ang tinda rito pero siksik ba talaga ang laman nito? Nevertheless, her money is worth it. Nilingon niya ang kinauupuan ni Ceddy and to her surprise nakatingin ito sa kaniya kaya madali siyang naglayo ng tingin. Kaasar. Halatado talaga siya! Naglakad siya palabas ng canteen at hindi niya alam kung saan siya niyan kakain. Naglalakad siya nang may marinig siya sa likod niya. "Where are your friends?" Kilala niya ang boses na iyon. What the hell is he doing in her back? Nakasunod sa kaniya si Ceddy!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD