Kabanata I

2174 Words
"BAKIT nagpa-bakuna pa ako ng Pfizer kung sa inggit lang din pala ako mamatay. Mga kapatid! Sabay-sabay nating isigaw ang sana all!" asar ni Jelay kay Alyza na hiyang-hiya sa inasal ng kaibigan nitong masiyahin dahil may patulak-tulak pa ito sabay yugyug dito.   Diretso lang ang tingin ni Cedric kay Alyza na ngayon ay nasa gitna ng pavilion at pinaliligiran ng mga lalaking magtu-tropa. Ubod kasi ng ganda ang dalaga, para itong hindi disisyete sa itsura nito, buo na agad ang tindig. Hindi na nito kailangan pa ng glow up, dahil wala itong kailangang i-glow up dahil ngayon pa lang na teenager ito ay mala-diyosa na ang itsura nito. Grade eleven HUMMS ito at siya naman ay Grade twelve STEM. Ang puti-puti nito at ang ganda ng hubog ng katawan plus matangkad ito sa kaedaran nito. She is 5’6 tall. When it comes in looks, crush niya talaga ang dalaga. No, the whole man in this school likes her. Hindi lang siya.   But Alyza is a walking red flag for him. Red flag means, it's bad if it continues because red means stop. Don't pursue Alyza anymore kahit gusto niya ang itsura nito. Kumbaga, retreat na sa panliligaw kasi mapanganib kung itutuloy.   Hindi niya ito magugustuhan kahit gusto niya ang itsura nito.   First in his list why he doesn't like Alyza is her ranking in the whole HUMMS grade eleven is the lowest samantalang Top 3 siya sa buong department. Hindi niya gusto ang mga taong walang pakialam sa pag-aaral.   Pangalawa sa inaayawan niya sa dalaga ay ang pagiging friendly nito sa lahat na paniniwalaan mong peke na ito. She is friends even with basag-ulong estudyante.   At pangatlo, she is a male magnet. Lahat ng lalaki, dadaan lang ito ay titigil para titigan at sundan ito sa bawat galaw nito. She gets the attention of every male students pati teacher na lalaki sa school na ito ay napapahanga ng dalaga sa ganda nito, napakagulo  kung siya ang magiging girlfriend niya. Masasangkot lang siya sa gulo at para sa gaya niyang tahimik sa mundo at gusto ng lowkey na buhay, ay iyon ang ayaw niya. ALYZA, therefore is a walking red flag for him, the girl he must not have.   "Sorry talaga, Jeffrey, but I like Cedric Villa Paz more than you, e. Pasensiya na pero sana hindi ka magtanim ng galit sa akin, " sabi nito sa harap ng tao habang naka-apologetic smile. Tapos dahan-dahang tumalikod at naglakad palayo.   Here's another reason why despite of the red flags she has, hindi niya maialis sa sistema ang babaeng magandang ito.   The legendary Alyza, likes him for he doesn't know the real reason why. Hindi ito nahihiyang ipagmalaki ang pangalan niya sa buong campus and she is consistent for three consecutive years sa pagiging crush siya. Lahat ng binasted nito ay siya ang sinasabi nitong dahilan.   Hindi niya alam pero masaya ang puso niya sa t'wing sinasabi nito na siya ang gusto nito... I mean, it's an honor, right? To be liked by someone named Alyza Castro. She is a legendary goddess of this school, so he can't help but feel honored. Kaya mas nakikilala siya ng tao dahil gusto siya ni Alyza.   Nilampasan ng dalaga ang lalaki na may pangalang Jeffrey. At tuloy-tuloy na naglakad palapit sa pathway na kung saan naroon siya at nakaupo sa tabi nito.   Hindi niya alam kung alam ba ng dalaga na narito siya. Alyza is smiling as if she doesn't do anything to be regret of. I mean, can she feel a little bit sad for Jeffrey's feeling? Kilala niya ang lalaki, he is also in Grade 12 but ABM and the richest kid here in school. Richest but got basted?   Kasamang naglalakad ni Alyza sina Selyne Sembrano at Jelinine Agoncillo. Her two bestfriends who are excelling in school. Buti pa ang dalawa ay may ibubuga sa paaralan but this girl, I don't know..   Gaya ni Alyza, ay wala ring pakialam ang dalawang ito sa mga nagkakagusto sa kanila. Selyne is 5'8 tall. The tallest girl in the batch. Balita ko ay Top 1 'to noong Grade 10.   And Jelinine who is 5'5 tall is the best volleyball player in the town. Our school's pride. The captain of this school. People called her, Captain Jelay, the small but terrible captain of the school.   Papalapit na sa kaniya ang tatlong dalaga but when he and Alyza's eyes met, nagulat ito at nataranta, napakunot tuloy siya sa ginawi ng dalaga.   Sinukbit kasi nito ang dalawang braso ng dalawa niyang kasama at tarantang tumalikod hila ang mga umaangal na kasama. “Retreat, mga besh!” taranta nitong wika.   "Sandali, Aly, ano ba, ang sakit!" apila ni Jelay dito.   " Shut up, Jelay, wala tayong pupuntahan doon," pananaway ni Aly dito. " Doon tayo dadaan, okay?"   Si Selyne naman ay tumingin sa likod habang hila-hila pa rin ito ni Alyza, nang makita siya ng dalaga ay umikot ang mga mata nito at hindi na nagsalita pa.   Alyza likes him. Pero sa hindi niya malaman na dahilan, hindi pa niya nakausap o lumapit man lang sa kaniya ang dalaga. Hindi ito naglalagi kung alam nitong nandiyan siya. Mahiyain ba ito?   But it's impossible, she is friends with everyone. With everyone? Pero sa kaniya, hindi makalapit ang dalaga. Seryoso tuloy niya tinitingnan ang tatlong babaeng mukhang nagtatalo na.   Is this girl really likes him or anong trip nito? ---   Alas kwatro, nakita nanaman niya ito. Naroon ito sa waiting shed. Bored na nakatingin sa mga sasakyang dumadaan habang may earphone ito sa tainga, her feet are like following the sounds of the music in her phone. Sa pagkakataong ito, walang kasamang kaibigan ang dalaga. Mag-isa lang itong kumakanta pa nang mahina.   Wala ring ibang lumalapit dito. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero nilapitan niya ang dalagang hindi siya napapansin. Kahit nang makaupo ito sa tabi nito ay hindi pa rin siya nito napapansin.   She is white, parang may lahi talaga ang dalaga. Para itong british pero maitim at mahaba ang buhok. Napalunok siya nang maamoy ang pabango nito. He himself is rich and using branded perfume. Pero hindi niya alam kung bakit mas mabango pa ang dalagang ito kaysa sa mamahalin niyang pabango...her cologne is addicting. It's sweet. Sweet like an apple. Bagay rito kahit pabango pa lang naman ito.   Napamura siya sa kaniyang isipan. Hindi niya dapat pinupuri ang dalaga. Baka ma-fall siya at siya ang mapahiya sa huli. Cedric, Red flag! Red flag! Paalala niya sa sarli.   Desidido na sana siyang di pansinin ang dalaga. Tutal ay hindi rin naman siya nito pansin kahit halos ilang pulgada na lang ang pagitan nilang dalawa. Mukha itong nagsesenti na talaga. Napadako ang tingin niya sa cellphone nito. Dalawang maliit na batang babae na sa tingin niya ay edad pito o walo ang nasa wallpaper ng dalaga. Magkamukha ang mga ito. These kids maybe are her sister. Masyado kasi malihim ang babae sa buhay nito. Ang alam lang niya ay di buo ang pamilya nito. Wala itong ina.   Nagsimula na itong makinig ng music. Nakapikit ito, nang magmulat ng mata ay malungkot na itong nakatingin sa sasakyan. Nang mapadako muli ang tingin niya sa phone nito ay ganoon niya ito naunawaan, MAPA kasi ng SB19 ang pinatutugtog nito.   The song is like a tribute to the parents. It's like saying, the parents should enjoy coz it's time for the child to pay back.   Alam niya ang song na ito, that one boy in SB19, caught his attention, if he is not mistaken, his name is Stell. His voice is quality and supreme.   Nangiti siya. He is not yet a fan of the group but everytime he heard so many things about the group, he is lowkey supporting them.   Nilingon niya ang dalaga. May kinakalkal ito sa bag nito. Mukhang bumalik na ang diwa nito. Siya naman ay pasimpleng nakasunod sa ginagawa ng dalaga. Nakita niya kung gaano kasinop ang dalaga sa gamit nito hanggang sa mag-angat ng tingin ang dalaga sa kaniya. Noong unang lingon nito sa kaniya ay nakangiti pa ito ngunit mabilis na bumalik ang lingon nito sa kaniya at eksaherado itong umusog palayo sa kaniya.   Kaya tumikhim siya. Tumayo at nagpagpag ng school slacks.   "May nakahahawa ba akong sakit, Alyza?" walang gana niyang tanong dito. "I am offended you know."   Napayuko ito at umiling. Pilit tinatago ang mukha sa kaniya. Now, is she shy?   " Wala, sorry po. Akala ko po mag-isa ko lang dito," pagpapaliwanag nito. She even used ‘po’   "Kanina pa ako, " malamig niyang tugon dito na ikinalingon nito uli sa kaniya.   "Kanina pa po kayo rito?" tanong nito nang tingnan niya muli ang dalaga ay nag-iba ito ng tingin. Hindi talaga siya nito matingnan ng diretso. Now, this is getting more interesting. Someone like Alyza is shy in front of her.   Napanguso siya para mapigilan ang sarilimg huwag ngumiti nang makitang tsinek ng dalaga ang hininga nito kung mabango gamit ang paghinga sa  palad. She is a little bit....cute.   "Oo, wala ka nga sa mundo mo, e. Nabilang mo ba kung ilang kotse ang dumaan?" nakangiti niyang tanong.   "Huh?" taka nitong tanong sa kaniya ngunit mabilis din nagbawi ng tingin.   "Wala," sabi na lang niya rito pero sa totoo lang, iba ang kabog ng dibdib niya. Alyza has an impact on him. She looks so kind. Malayong-malayo kapag naglalakad ito sa hallway na talagang hahawi ng tao. Lugay ang mahaba at tuwid na itim na buhok.   Tumango ito nang makitang wala na siyang sasabihin pa. Nakatingin ito sa gilid. Talagang never ito humarap sa gawi niya. At kung haharap man ito ay sandali lang.   "May nagawa ba akong mali sa iyo, Alyza?"   "Wa...wala po," nauutal nitong sabi habang umiiling-iling pa.   May idea ba ito kung gaano ito kaganda para hind maging confident sa harap niya.  “Isang taon lang ang tanda ko sa iyo, do not use opo. Feeling ko ugod-ugod na ako,” reklamo niya rito.   “Pero hindi ka naman ugod-ugod,” wala sa sarili nitong sabi.   “Oo nga, pero para na akong ugod-ugod kapag nag-oopo ka.”   “Pero di ka nga ugod-ugod.”   “Oo nga.”   “Kaya nga.”   Ayaw sana niya pero nangiti siya. Ang kulit. Pati tuloy ito ay nakangiting yumuko. She is not bad. She is really cute. Wala naman pala itong ere sa ugali.   Mamaya ay may humintong taxi sa harapan nila. Malaki ang tiyan na mataas, moreno ngunit mahahalata mo na noong kabataan nito ay may itsura ito.   “Anak, sabi ko ay mag-aral nang mabuti hindi magpaligaw sa tabi-tabi,” sabi nito.   Yumuko siya nang bahagya at ngumiti. “Magandang hapon po, tito.”   Tumango ito sa kaniya tapos ay nagpaliit ng mata at mayabang na nagwika, “Huwag kang manlilgaw sa anak ko, ha, hindi pa pwede. Bata pa siya!”   “Ama!” bawal ni Alyza sa ama nito.   “Ano, huwag mo sabihing papaligaw ka? Sabi mo hindi ka magpapaligaw saka lang kapag ready na iyong crush mo—”   “Ama!”   “Bakit, ready na ba si Cedric mo?”   “Ama!” namumula nitong saway. “Si Cedric iyan!”     “Napansin ka na?”     “Ama! Bakit ka ganiyan?” hiyang-hiya ang dalaga. Hindi siya nito matingnan. Natataranta tuloy ito kung ano ang gaagwin. Kung sasakay na ba sa taxi at ito ang tuwirang magmaneho para lang makaalis o harapin siya. Sa huli humarap sa kaniya ang dalaga.   And he finds this muse in her front that she is so lovely, cute isn’t the right word for a shy goddess like her. Napaka-confident sa school pero sa harap niya ay napakamahiyain naman.     “Ikaw pala si Cedric. Hindi kita kilala, ah. Namali lang ako ng sabi, pero p’wede magtanong?”   Nahihiya siyang tumango at napakamot sa ulo. Ang astig ng dad nito. Ang dad niya kasi ay seryosong inhinyero. Laging tahimik at walang kibo.   “Hindi mo crush ang anak kong maganda? Nako, mabait at masipag ito!”   “Ama!”   Yumuko ang dalaga sa kaniya tanda ng paghingi ng tawad. “Pasensiya ka na sa tatay ko, hehehe.”   “Okay lang,” nakangiti niyang sabi sa dalaga. Langhap pa rin niya ang pabangong nito na kahit pawis na ito ay nakuha pa rin  nito mag-amoy mabango.   “Makulit kasi talaga iyang si ama. Salamat sa araw na ito, mauuna na ako, ha?”     Tumango siya.   Tumakbo ito, nilagay nang may pag-iingat ang bag sa likod ng sasakyan pagkatapos ay sumakay ito sa tabi ng driver’s seat.   “O, paano, my dear love Ceddy of my life, mauuna na kami, ha?” pang-aasar ng tatay nito sa kaniya pero mukhang mas asar ang anak nito sa kaniya.   “Hindi ganoon ang pagkakasabi ko, ama,” galit na saway nito.   “Pero ganoon ang pagkasunod-sunod ng tawag mo, hindi ba?”   Napahalakhak ang ama nito saka sila nagtatalong umuwi.   Nakaalis na ang mag-ama pero nakangiti pa rin siya.   That girl’s feelings for him is really true. Daming may alam.   D*amn, she is really something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD