"Bakit mo ginawa iyon, Ange? Paano na lang pag nalaman iyon ng ama mo? Baka kung ano'ng gawin sa iyo," mahinang turan ni Manang Liza ay binigyan ako ng isang basong tubig. "Uminom ka na muna para kumalma ka." "Umalis na po ba ang walanghiyang babaeng iyon?" sa halip ay tanong ko at ininum ang tubig na ibinigay nito. "Oo, nakita kong sumakay na siya ng taxi. Ang dami na rin kasing nakikiusyuso kanina, e. Hay nakung bata ka! Bakit mo ba naisipang gawin iyon? Paano na lang kung nakita iyon ng Mama mo at inatake siya sa puso? Ikaw talaga." Bumuntong hininga ako. "Kaya nga po humingi ako sa inyo ng pabor, e. 'Tsaka hindi ko na rin po napigilan pa ang sarili ko. Paulit-ulit kong naiisip ang ginawa nilang kababuyan. Noong una kinukutuban lang po ako dahil sa mga ikinikilos ng bababeng iyon. Pe

