"Saan tayo pupunta? Akala ko ba magdi-dinner tayo sa restaurant?" Naguguluhan kong tanong ng mapansin kong iba ang daang aming tinatahak. Ngumiti ito at kinuha ang aking kamay, saka nito dinampian ng magaang halik. "Yeah, magdi-dinner tayo. Pero hindi na sa favorite nating restaurant." Sabay kindat nito sa akin na lalo ko lamang ipinagtaka. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang isip nito. Wala rin itong nabanggit kanina na hindi na kami pupunta sa naunang plano. Maliban sa isang tawag na ginawa nito na kinailangan pang lumabas ng kotse. "Von?" "Trust me. Sisiguraduhin kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Marahan na lamang akong bumuntong hininga at hindi na ito pinilit pa. Dahil alam kong hindi rin naman ito aamin. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa daan at hinint

