CHAPTER 23

1307 Words

"Von, nasaan ba kasi tayo?" tanong ko habang mahigpit ang hawak sa mga kamay nitong nakaalalay sa akin. Nakapiring ang aking mga mata habang naglalakad. Pagbaba pa lamang namin ng kotse ay agad na nitong piniringan ang aking mga mata. Ayon dito ay may sorpresa raw ito sa akin at hindi ko muna pwedeng makita. Lihim na lamang akong napangiti nang maisip kong marahil ay dahil sa ika apat na buwan ng aming relasyon, kaya naisipan uli nitong bigyan ako ng sorpesa. Hindi ko rin maitatanggi na napupuno ng kasabikan ang aking puso sa kung ano man ang sorpresang nais nitong ipakita at ibigay sa akin. "Malapit na tayo, baby. Ilang hakbang na lang. And— here you go. We're here." Turan nito, ngunit hindi pa rin nito inaalis ang piring sa aking mga mata hanggang sa naramdaman kong bumitaw ito sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD