"Ay bwisit talaga," mahinang turan ni Analyn na agad kong ikinalingon. "Ha? Ano'ng problema mo?" Sumenyas ito habang lagusan ang tingin sa aking direksyon. "Ayan na naman sa pakilig ang jowa mo. Nakakainis!" Lumingon ako sa aking likuran. Nakita kong naglalakad papalapit sa aming direksyon si Von habang bitbit nito ang isang pumpon ng pulang rosas. "Hi, baby." Nakangiting bati ni Von ng tuluyan na itong nakalapit sa akin. Umiwas ako ng tingin at hindi ko alam kung ano ang magiging reasyon ko. Aaminin kong nakaramdam ako ng kilig at tuwa sa aking puso, ngunit dahil sa ginawa kong pag-iwas dito kahapon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Dahil para bang napakaisip bata ko at ginawa ko iyon. "Hindi ko alam kung ano ang ipinagtatampo mo o kung ano ba ang nagawa kong mali para magali

