"I love you." Ngumiti ako at humilig sa malapad na dibdib ni Von. "I love you too." Mahigpit ako nitong niyakap at dinampian ng magaang halik sa noo. Nasa gitna kami ng daan papunta sa restaurant na malapit lamang sa bahay namin. Nag half day kami ngayon sa trabaho upang makipagkita sa ina nito. Ayon kay Von ay nakabalik na raw umano ito sa bansa mula L.A at agad na nagdesisyon na makilala ako. Maging ang aking ina ay inimbetahan din nito upang personal na makilala. Gustuhin ko man na sa bahay na lamang namin kami mag-usap ay hindi ko rin magawa. Sa takot na baka bigla na lamang sumulpot ang aking ama at gumawa ng eksena. At agad naman iyong naunawaan ni Von. Alam na rin nito ang tungkol sa sitwasyon naming mag-ama. Ikinuwento ko na rito ang lahat. Masaya ako sa naging desisyon kong iy

