CHAPTER 46 [R-18 SPG]

1666 Words

NAGISING akong nasa aking mga bisig ang aking asawa. May ngiti sa aking labi na hindi mabura-bura. Aaminin kong walang pagsidlan ang kasiyahan na aking nararamdaman ngayon. Marami na ring babae ang dumaan sa aking buhay ngunit ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Ang kaligayahan na ni minsan ay hindi ko pa nararanasan at nararamdaman sa iba. Tinitigan ko ito habang nananatili itong mahimbing sa pagtulog. "I love you, Angelica," halos pabulong kong turan at dinampian ito ng magaang halik sa noo. Alam kong hindi ako nito maririnig kaya malakas ang loob kong banggitin ang totoo nitong pangalan. "Uhmm—I love you too, Daddy." Nanlaki ang aking mga mata. Natigilan ako at napatulala sa mukha nito nang marinig ko ang mahinang tinig na iyon. Malinaw kong narinig ang mga salitang binitiwan nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD