MARCUZ ANDERSON "Sir, naihanda ko na po ang lahat. Na-secured ko na rin po ang lahat security sa unit." Imporma na Lindon. Napahinto ako sa aking ginagawa at humarap dito. Ilang linggo na rin akong hindi pumapasok sa kumpanya. At dito ko na lamang ginagawa ang aking mga trabaho sa mansyon. Hindi ko magawang umalis sa tuwing maiisip ko si Angelica. Para bang mababaliw ako kapag hindi ko ito agad nakita sa loob ng ilang oras. "Good. Siguraduhin mong hindi niya malalaman na nasa kabilang unit lang ako." Pag-aari ko ang condominium na iyon. Binili ko ang huling floor sa building at agad ko iyong ipinaayos nang araw na makausap ko si Dra. Monterde tungkol kay Angelica. Naisip kong tama ang mga sinabi nito. Mahal ng aking asawa ang trabaho nito at hindi ko iyon kailangang ipagdamot. Kaya nag

