ANGELICA DALAWANG linggo na rin ang lumipas mula nang makabalik ako sa trabaho at dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Marcuz. Simula nang ihatid ako nito Manila ay hindi na muli pa itong nagpakita sa akin. Aaminin kong nasasaktan ako sa ginagawa nitong pagbabalewala sa akin, na para bang wala na rin itong pakialam pa sa akin dahil nakuha na rin nito ang gusto mula sa akin. Ang aking katawan at ang aking puso na hindi nito namamalayang tuluyan na rin nitong nakuha. Umasa akong mahalaga rin ako dito at katulad na rin ng aking nararamdaman ang nararamdaman nito para sa akin. Ngunit sa puntong iyon ay nagkamali ako. Dahil wala itong ibang nararamdaman para sa akin kundi tanging ang katawan ko lamang ang mahalaga rito. Masyado akong nagtiwala at umasa sa mga ipinakita nito sa akin no

