NANLAMIG ang aking buong katawan kasabay ng malakas na pagdagundong ng aking dibdib dahil sa matinding kaba. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa isang pigurang pinipilit kong iwasan at dinadalangin na sana ay huwag kong makita sa lugar na ito. Marcuz? Bakit siya nandito? Alam na ba niya ang tungkol sa akin? Pero imposible. Hindi puwede. Hindi niya pa puwedeng malaman. Impit kong usal sa aking isipan. Nakaupo ito sa kabilang sulok ng cafeteria kasama si Dra. Monterde. Mababakas sa itsura ng dalawa ang kaseryosohan habang panaka-nakang tumitingin si Marcuz sa malaking salaming dingding na tanaw ang buong paligid. Sa puntong iyon ay si Dra. Monterde lamang ang bumubuka ang bibig. Hindi ko man alam ang pinag-uusapan ng dalawa, ngunit hindi ko maiwasang makadama ng t

