MARCUZ ANDERSON "Good morning, Marcuz! I'm glad you came. Five years na rin, akala ko hindi ka na talaga tutungtong sa hospital mo, e." Turan ni Dra. Monterde. Tama ito, limang taon na rin ang lumipas at ngayon na lamang muli ako bumalik dito. Maliban lang nitong nakaraang pitong buwan nang maaksidente ako at dito ako dinala. Simula nang maaksidente kami ng aking pinsan limang taon na ang lumipas at hindi ko ito nagawang mailigtas ay hindi na ako muli pang pumunta rito, pati ang pagiging isa kong doktor ay kinalimutan ko na rin. Dahil sa tuwing pupunta ako rito ay palagi kong naalala ang aking pinsan, lalo na sa tuwing makikita ko si Dra. Monterde. Pinag-isipan ko ring munang mabuti bago ako nagdesisyon na pumunta rito ngayon. Gusto kong makita ang aking asawa sa mismong hospital na pag

