"How is she?" Agad kong tanong nang makita kong lumabas na ng silid ni Angelica si Dra. Monterde. Isang oras na ang lumipas, ngunit hindi pa rin nagigising ang aking asawa. At sa puntong iyon ay hindi ko na naman mapigilang sisihin ang aking sarili. Dahil sa muling pagkakataon ay hindi ko na naman ito naingatan. Hinayaan kong makita nito ang ganoong sinaryo sa loob ng cafeteria. Masyado akong naging pabaya. "Calm down, Marcuz. Okay lang siya. Nabigla lang siguro siya sa mga nangyari kanina. Isa pa, hindi pa rin siya kumakain ng lunch sabi ni Nurse Analyn. May ilang test na rin akong ginawa sa kanya. Hintayin na lang natin ang result. Maya-maya lang dadalhin na rin dito ni Nurse Analyn." Malalim akong napabuntong hininga at mariing napahagod sa aking batok. Napatiim ang aking mga bagang

