"Sa hospital tayo, Lindon. Ako na ang susundo sa Maam mo." Turan ko nang makalabas na kami ng elevator. Katatapos lamang ng aking meeting sa mga investor ng kumpanya. Aaminin kong sabik na sabik na kong makita si Angelica. Lalo na nang malaman kong nagdadalang‐tao ito sa aming anak. Apat na araw na rin ang lumipas mula nang malamang kong buntis ito. At sa apat na araw na iyon ay hindi ko pa uli ito nakikita dahil sa biglaan kong pag-alis papuntang Korea kasama si Zach. At kaninang tanghali lamang ako dumating. Agad akong dumiretso sa kumpanya pagkagaling sa airport dahil sa nakatakdang meeting kasama ang mga investor. Kaya't ngayon lamang din ako nagkaroon ng oras na mapuntahan ang aking asawa. Tumango ito. "Okay po, sir. Tatawagan ko na rin po si Dra. Monterde." "No need. Wala rin nama

