TAHIMIK kong pinagmamasdan ang maamong mukha ng aking asawa habang marahan kong hinaplos ang kamay nito na hindi ko magawa-gawang bitawan. Hindi pa rin ito nagigising mula nang matagpuan ko itong walang malay sa loob ng storage room. Natatakot akong muli itong masaktan pag binitiwan ko ang kamay nito. Labis ang awang aking nararamdaman para dito. Dahil sa akin ay nasaktan ito at nalagay sa kapahamakan. "Marcuz, magpahinga ka na muna. Ako na muna ang magbabantay sa kanya. Isa pa, hindi ka pa rin daw kumakain sabi ni Lindon. Nagpabili na rin ako ng pagkain mo. Tatawagin na lang kita agad oras na magising na siya." Turan ni Dra. Monterde na hindi ko na namalayan ang pagpasok nito sa silid. Bumuntong hininga ako at maingat kong binitiwan ang kamay ni Angelica. Tumayo ako at humarap dito. It

