ANGELICA SANDALI akong natigilan at napatitig sa kisame. Muli kong binalikan sa aking isip ang mga nangyari. At ang huli kong natatandaan ay nakulong ako sa loob ng storage room at hindi na nakalabas pa dahil sa hindi ko mabuksan ang pinto. Alam kong sa puntong iyon ay may taong sinadya na gawin iyon at ikulong ako sa loob ng silid. Maging ang ilang araw kong pag o-overtime ng sobra-sobra sa trabaho alam kong sinadya rin. Sanay na rin naman ako sa mga taong nasa paligid ko. Mga taong walang ginawa kundi husgahan ako at paringgan ng kung ano-anong mga salitang hindi magaganda. Ngunit iba sa pagkakataong ito, dahil buhay ko na ang pinagtangkaan. Nalagay ako sa alanganing sitwasyon. At iyon ang hindi ko alam kung bakit at kung sino ang taong may kagagagawan nito. "Hay—Diyos ko! Salamat na

