CHAPTER 29

1324 Words

"Marcuz Anderson," mahina kong turan habang nakatitig sa pangalang nasa katapat ng pangalang aking pinirmahan. Pirmado na ito. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin ngayon. At hindi ko rin masabi kung ano ang eksaktong aking nararamdaman. Dahil sa isang papel na aking pinirmahan ay tuluyan na akong naitali, lalo na ang aking kalayaan. Pangalang hindi ko pag-aari ngunit kailangan kong ariin para sa kapakanan ng lahat. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod sa agos at daloy ng aking buhay. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking tadhana. Tadhana na minsan ay hindi ko pinaniwalaan, ngunit ngayon ay nasa isang sitwasyon ako ng aking buhay na hindi ko alam kung paano ko magagawang takasan gayong bilanggo ako ng aking tadhana. "Mrs. Anderson, aalis na po tayo." Napaangat ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD