NAALIMPUNGATAN ako ng makaramdam ako ng lamig sa aking katawan dahil sa aircon. Pagmulat ko ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid at hindi pamilyar na silid. Hindi na rin naman ako nagulat pa dahil alam kong simula sa araw na ito at simula nang pirmahan ko ang isang kapirasong papel na iyon ay ito na ngayon ang aking buhay. Ang maging pag-aari ng ng isang Marcuz Anderson. Bumangon ako at sumilip sa malaking sliding door na nasa katapat ng malaking kama na aking kinaroroonan. Napaawang ang aking bibig ng bumungad sa akin ang isang napakqgandang tanawin. Binuksan ko iyon at nagdesisyong lumabas. Bumungad sa akin ang mahabang terasa. "Ang taas," mahina kong usal ng mapatingin ako sa ibaba. Napakalaki ng bahay na ito at tama nga lamang ang sinabi ng lalaking naghati

