"Sir, dumating na po si Dr. Perez." Napakunot ang aking mga kilay sa pangalang binanggit ng aking Personal Assistant na si Lindon. Dahil hindi ang doktor na inaasahan kong dumating. "Where is Dra. Monterde?" "May emergency surgery daw po, Sir. Kaya si Dr. Perez po ang ipinadala niya." D*mn it! Bakit hindi niya ako sinabihan. Kaya nga siya ang ipinatawag ko , e. Dahil ayaw kong may ibang lalaking titingin sa asawa ko. "Sir?" Lumingon ako kay Lindon nang muli itong magsalita. Marahil ay napansin nito ang bigla kong pananahimik. Alas otso na rin dumating ang doktor. At iyon ang isa ko pang ikanagagalit. Dahil ilang oras pa rin akong naghintay upang masuri ang aking asawa. Alas sais pa lamang ng umaga ay naiuwi ko na ito sa mansyon. At dahil hindi pa rin ito nagigising mula nang matapos

