NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang tunog ng mga sasakyan mula sa labas ng mansyon. Sandali akong natigilan at napatitig sa kawalan nang mapansin kong nasa loob na ako ng aking silid. Hindi ko matandaan na bumalik ako rito pagkatapos ng namagitan sa amin ni Sir Marcuz. Lalo na't ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa isang silid na katabi ng dining area. Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng tila kiliti sa aking puso. Ngunit ang tila kiliting iyon ay bigla ring nabura nang muling sumampal sa akin ang katotohanang hindi ako ang totoong babaeng pinakasalan nito. Ang inakalang nitong Miracle Renzal na umpisa pa lamang ay hinangad na talaga nitong mapangasawa. Muli na naman akong naging mahina saa pangalawang pagkakataon at muling bumigay ng walang pagdadalawang isip

