CHAPTER 1

1450 Words
PROLOGUE Ako si Angelica Renzal. Sa edad na trenta ay hindi ko pa nararanasan ang makipagrelasyon o ang lumabas man lang kasama ang isang lalaking nagpapahayag ng pagkagusto sa akin. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi takot ako. Takot akong magkamali at pagsisihan ko lamang sa huli ang aking mga naging desisyon. Lalo na sa tuwing maiisip ko ang sitwasyon ng aking ina. Natatakot akong magkamali sa pagpili ng lalaking mamahalin at makakasama habang buhay. Sa lalaking katulad ng aking ama na walang ginawa kundi pasakitan o tratuhin ng hindi maganda ang aking ina. Isa lamang akong simpleng babae at empleyado sa isang malaking hospital. Isa akong nurse at sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho bilang isang nurse ay wala akong ibang ginawa kundi ang magsikap at suportahan ang aking pamilya. Hindi naman kami mayaman at hindi rin masasabing mahirap. May negosyo ang aking ama. Isa iyong restobar, ngunit dahil sa bisyo nito ay unti-unti na rin iyong nalulugi, kaya't sa loob ng ilang taon ay sa akin na nakaatang ang ibang mga gastusin, lalo na sa pangangailangan ng aking ina sa gamutan nito sa sakit sa puso. Alam ko naman na sa aming dalawa ng aking kapatid ay hindi pantay ang pagmamahal ng aking ama. Mas lamang ang pagmamahal nito sa aking nakatatandang kapatid. Mula pa noon ay sunod sa layaw na ito. Lahat ng gusto'y ibinibigay ng aking ama. Sabi nga ng iba'y mala Cinderella ang sitwasyon naming dalawa. Isa itong prinsesa na malayang nagagawa ang anumang naisin sa buhay, habang ako'y nakakubli sa isang madilim na silid at tanging ang apat na sulok lamang ng silid na iyon ang aking naging mundo. Ang madilim na mundong aking ginagalawan. Tila isa akong ibon na walang layang lumipad. At sa edad kong ito, tila isa pa rin akong bilanggo. Walang laya sa lahat ng bagay at naisin sa buhay. At bawat desisyon ko’y nakadepende sa aking ama. Gusto kong magkaroon ng kalayaan, ngunit hindi ko alam kung paano iyon mangyayari o kung aayon pa ba sa akin ang tadhana at tuluyan na akong palalayain mula sa madilim kong mundo. “Hi, Gel!” sigaw na nagpagising sa aking diwa. Agad akong napatayo dahil sa gulat at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Marahan na lamang akong napabuntong hininga nang makita kong tumatakbo habang papalapit sa akin ang aking kaibigan. Si Chabbylita o Analyn. “Gulat na gulat ka, ah!” sabay alpas ng malutong nitong halakhak na ikinailing ko na lamang. Isa lamang iyon sa mga ugali nito. Ang pagiging masayahin, masigla at malakas na boses na akala mo’y palagi na lamang may kaaway. Kaya’t hindi rin maiwasang maging tampulan ito ng panunukso sa loob ng hospital. Apat na taon ko na rin itong kaibigan. Isa rin itong nurse, at ito lamang ang tanging naging malapit sa akin. Hindi rin pahuhuli ang ganda nito sa ibang mga kababaihan, ngunit dahil sa malusog nitong pangangatawan ay binansagan ito ng mga kapwa namin nurse sa hospital ng Chubbylita. At sa loob ng apat na taon nito sa hospital ay iyon na ang naging pangalan nito sa halip na ang totoong pangalan na Analyn. “Ang lakas naman kasi ng boses mo. Bakit ka ba kasi sumisigaw? Ang daming pasyente, e.” "'To naman, galit agad! Okay, sorry na. Natuwa lang kasi ako nang makita kita. Akala ko kasi hindi ka papasok ngayon, 'yon kasi ang sabi sa akin ni Lucifer, e." Mabilis akong napalingon dito at nagtataka ko itong tinitigan dahil sa pangalang binanggit nito na ngayon ko lamang narinig mula rito. "Ay ano ka ba? Si ano 'yon– si head nurse," mahina nitong turan, na bahagya pang lumapit sa aking tainga. Napasinghap ako at marahan ko itong hinampas sa braso kasabay nang bahagya kong paglingon sa paligid. "'Yang bibig mo nga, baka may makarinig sa 'yo d'yan, e." Sumimangot ito na animo'y isang batang paslit. "Eh, totoo lang naman kasi. Para sa akin s'ya si Lucifer. Lagi na lang s'yang biglang nagta-transform pag naririnig ang pangalan mo." "Teka, ano ba kasi’ng nangyari?" Hindi ko na napigilan pang magtanung lalo na nang marinig kong ako na naman ang naging dahilan kung bakit ganito na naman ang reaksyon nito. Hinawakan ako nito sa kamay at saka hinila sa papasok sa loob ng Nurse Station at marahang itinulak paupo sa aking pwesto. "Maupo ka d'yan." "Sabihin mo na kasi. May trabah–––" Bahagya itong bumuntong hininga at mariing tumitig sa akin na animo’y pinag aaralan nito ang aking nararamdaman. Hindi ko mawari kung tama ba ang nababakas ko sa mga mata nito na tila'y bahagya itong nag aalala sa akin sa bagay o dahilan na hindi ko pa matukoy hangga't hindi ko pa naririnig ang mga salitang narinig nito mula sa iba. "Fine! Hanggang kailan ka ba mananahimik at hahayaan na lang 'yang Lucifer na 'yan na ginaganyan-ganyan ka. Hindi mo man lang ba siya sasagutin o susugurin para naman matigil na siya kakapanira tungkol sa 'yo at malaman n’ya na hindi ka niya pwedeng tratutin ng ganyan. Isa pa, hindi naman s’ya ang boss natin o ang may-ari ng hospital, a.” Umiwas ako ng tingin at humarap sa listahan ng mga gamot na kanina’y inaayos ko. “Ano na naman ba ang narinig mo sa kanya?” mahina kong tanong, na kung maaari nga lang ay ayaw ko ng marinig pa kung ano man ang mga narinig nito mula sa iba. “Kahapon kasi, narinig kong pinag uusapan ka ng mga OJT. Syempre, pinupuri ka nila. Kesyo mabait ka raw at hindi mahirap pakisamahan, ‘tsaka, matalino. Eh, ito namang si Lucifer biglang sumulpot at kung ano-ano na naman ang mga pinagsasabi. ‘Wag ka raw gayahin o tularan sa trabaho, kasi nga raw kaya ka lang naman daw nagtatagal dito kasi sipsip ka sa management. Hindi ka raw naman talaga magaling sa trabaho. At ‘yang pagiging tahimik mo raw nasa loob lang ang kulo." Natigilan ako at mariing napahawak sa ballpen. Itanggi ko man o hindi nasaktan ako sa aking mga narinig. Gayunpaman, wala pa rin akong magagagawa kung ano man ang isipin ng mga tao tungkol sa akin kundi ang manahimik at pabayaan na lamang ang ito. Malalim itong bumuntong hininga at bahagyang hinampas ang lamesa. “Ano? Wala ka pa rin bang sasabihin? Hindi ka man lang ba magagalit o tatayo d’yan para kumprontahin ang Lucifer na ‘yon— ayyy, teka! Mayroon pa. At 'yon nga, hindi ka nga raw papasok ngayon, kasi pag ginusto mo raw na hindi pumasok, ginawagawa mo. Palibhasa raw sipsip ka, kaya hindi ka natatanggal." Hayss! Sana hindi mo na lang sinabi 'yang mga narinig mo, Analyn! Para tuloy sumama ang pakiramdam ko. Ang bigat sa dibdib. Nag angat ako rito ng tingin, saka ko ito bahagyang nginitian. “Bakit ko naman kailangang gawin ‘yon?” “Hay, D’yos ko! Ganyan ka na ba talaga kamanhid at kabait, ha?! Para hayaan na lang na binu-bully ka ng mga gan'ong tao?” Malalim itong bumuntong hininga na tila nauubusan na rin ng pasensya. Hindi ako manhid, Analyn! Nasasaktan din ako dahil hindi ako pusong bato. Pero kung papatulan ko lang sila, lalo lang lalaki ang problema. Impit kong sigaw sa aking isipan. “Ano ka ba? Hindi ka pa nasanay sa mga taong ‘yon. Alam mo namang paborito ako ng mga ‘yon, e. Isa pa, kulang ang araw nila pag hindi nila ako pinag usapan.” “Eh kasi, Gel… below the belt na ‘yong ginagawa nila sa ‘yo, e.” Ngumiti ako, saka tumayo habang bitbit ang mga papel. “Alam ko, at hindi na ‘yon bago sa akin. Kaya nga hinahayaan ko na lang sila, ‘di ba? ‘Tsaka, doon sila masaya, kaya bakit ko naman hahadlangan ang kaligayahan nila. 'Tsaka, sanay na ako.” Sabay kindat ko rito upang ipakita na ayos lang ako at ayos lang sa akin ang lahat. Kahit ang totoo'y tila ilang sandali na lang ay tuluyan na akong iiyak. “Hay naku! Awan ko na talaga sa ‘yo! Masyado ka talagang mabait kaya inaabuso ka na, e.” Hindi na ako umimik pa at tinalikuran ko na lamang ito. Itanggi ko man o hindi nasasaktan ako at nagagalit. Ngunit binabalewala ko na lamang ang mga salitang ibinabato sa akin at nagbibingi-bingihan. Dahil para sa akin, hangga’t kaya kong magtimpi ay gagawin ko upang hindi na lumaki pa ang gulo. Alam ko rin naman na tama ang mga sinabi sa akin ni Analyn kanina. Dahil kahit ang sarili kong pamilya ay walang pinagkaiba sa mga taong nagpapababa sa aking pagkatao. Maliban lamang sa aking ina na tanging kakampi ko simula nang magkaisip ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD