CHAPTER 16

1294 Words

MALALIM akong bumuntong hininga at ipinikit ang aking mga mata habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kalagitnaan ng gabi. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa samo't-saring isipin na paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Aaminin kong ito ang dahilan kaya ayaw kong tumira sa pamamahay na ito dahil wala akong katahimikan. Hangga't nakikita ko ang aking ama at kasama sa iisang bahay ay pakiramdam ko sinasakal ako at hindi makahinga ng maayos. Matapos ang nangyari kahapon ay ninais kong umalis na lamang muli upang hindi ko na ito makita pa kahit na kailan, ngunit sa tuwing maiisip ko ang kalagayan ng aking ina sa mga kamay ng aking ama ay hindi ko magawang umalis at iwan ito. Hindi ko rin magawang ialis ito sa sariling pamamahay dahil alam kong oras na gawin ko iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD