"Stop!" sigaw ko upang pigilan ang aking ama sa nais nitong gawin. Inabutan ko ito sa silid ng aking ina at tangka itong pagbubuhatan ng kamay. Sa muling pagkakataon ay nasasaksihan ko na naman ang kalupitan nito sa aking ina. Halos talunin ko na ang distansya namin upang mailayo rito ang aking ina. Agad kong nalanghap ang amoy alak sa katawan nito. At doon ko napagtanto kung bakit ganito na naman ito kalupit sa aking ina. Pag nalalasing ito ay tila ba nag-iibang tao ito. "Iyan lang ba talaga ang kaya mong gawin? Ang palaging pagbuhatan ng kamay si Mama?" "Wala kang kinalaman dito! Umalis ka diyan!" Sa halip ay sigaw rin nito at muli na naman sanang lalapit sa aking ina. "Sige, lumapit ka! Subukan mong hawakan uli si Mama. Kakalimutan kong ama kita!" Ngumisi ito. "Tumatapang ka na ngay

