ALAS NUWEBE na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Von. Hindi ako sanay ng ganito na hindi ito tumatawag. Palagi itong nagte-text sa akin pag libre ito sa oras. At pag ganitong oras ay tumatawag na ito sa akin upang ayain akong maghapunan. Sa puntong iyon ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Gusto ko mang tawagan si Analyn upang magtanong tungkol kay Von ngunit hindi ko magawa. Nahihiya akong isipin nito na saka lamang ako tumatawag kapag magtatanong ako tungkol kay Von. Bumuntong hininga ako at muli kong sinubukang tawagan ang numero ni Von. Hays, salamat. Sinagot mo na rin,Von. Impit kong usal sa aking isipan at agad akong nakaramdam ng katuwaan. "Hello? Sino ito?" Agad kong tiningan ang numerong aking tinawagan nang marinig kong babae ang sumagot sa aking tawag. Tama naman

