CHAPTER 13

1308 Words

"Ihahatid na kita. Para naman ilang oras pa kitang makasama. Matagal-tagal din kasi ang five days, e. Sa five days na iyon, baka mabaliw na ako." Napangiti ako sa mga tinuran ni Von. Para itong bata na nagmamaktol. Medyo nagulat ito at may kaunting tampo nang sinabi kong naka-leave ako ng limang araw. Ngunit ng sinabi kong hinintay ko ito kahapon ng ilang oras at hindi ako umalis ng hospital hangga't hindi ko ito nakikita at nakakausap ay bigla na rin namang nawala ang tampo at napalitan ng malapad na ngiti. "Ano ka ba? Para five days lang, e. Saka pwede naman tayong magkita after ng work mo, 'di ba? Kailangan ko lang talagang mag-leave para kay Mama. Masyado ko na kasi siyang napapabayaan, e." Marahan itong bumuntong hininga at tinitigan ako sa mga mata. Pagkatapos ay saka ito ngumiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD