"Hindi ko pa siya uli nakikita simula kanina nang umalis siya sa hospital. Pero nang tinanong si Kaye, sabi niya nasa OR daw ngayon kasama si Dra. Monterde. Balita ko VIP daw ang inooperahan, e." Napaisip ako sa aking mga narinig mula kay Analyn. Sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho rito ay ngayon ko lamang narinig na gumamit ng salitang VIP ang mga nurse at doctor sa hospital na ito. Kaya sa puntong iyon ay hindi ko maiwasang mapaisip kung anong klaseng katayuan sa buhay mayroon ang taong inooperahan ng dalawang mahuhusay na surgeon sa Anderson Medical Center. "Ganoon ba? Sige, hintayin ko na lang siyang matapos sa operasyon niya." Sa halip ay turan ko at itinuon na rin lamang ang aking oras at atensyon sa trabaho. "So anong ibig mong sabihin? Mag-stay ka rito hanggang sa matapos sa

