"Marcuz, baka masunog ang niluluto mo." Lihim akong napangiti nang makita ko ang biglang pagbabago ng mukha nito. Napatiim ang mga bagang nito at malalim na bumuntong hininga. Alam kong nabitin ito sa ginawa kong pagputol sa mainit na halik na aming pinagsasaluhan. Hindi naman sa ayaw kong pagbigyan ito, hindi ko lamang talaga matiis pa ang gutom na nararamdaman lalo na sa nalalanghap kong amoy ng pagkaing niluluto nito. "F*ck!" Mariin nitong mura at bahagyang tumingala habang nananatiling nakapulot ang mga kamay sa aking baywang. "Fine. Tatapusin ko na muna ang niluluto ko. Pero humanda ka mamaya. Wala ka ng kawala." Umalpas ang malutong kong tawa dahil sa tinuran nito. Para itong bata na natalo sa isang pustahan at nagbantang babawi sa susunod na laban. "Opo, hindi naman ako tatakas,

