KABANATA IV: BABALA

1169 Words
Makalipas ang kalahating araw na pagmamaneho, narating na nila ang probinsya nila Jenill. Pero bago nila marating ang bahay nila Jenill ay kailangan muna nila maglakad ng isang kilometro at hindi ito kayang daanan ng anumang uri ng apat na gulong na sasakyan. Ayaw man nila ay wala na silang nagawa kundi ituloy na ang paglalakad dahil sayang ang ipinunta nila dito. Ang bawat punong madaraan nila ay masusing inoobserbahan ng tita ni April. Pinakikiramdaman niya din ang lugar kung anumang elemento ang naninirahan dito. “Uy! Ang gandang bulaklak” ani ni April nang masilayan niya ang pulang pulang rosas sa gilid ng daan. “Huwag mong pipitasin yan April kung gusto mo pang umuwing mag-isa.” Tugon ng tita ni April sa pag-ambang pagpitas ni April sa bulaklak. “Guys kapag may madadaanan tayong mga matatandang puno, kahit anong klaseng matandang puno. Banggitin nalang natin ang ‘Tabi-tabi, bari-bari’” dugtong niya bilang paalala sa kanila. Sa bawat madadaanan nilang matandang puno ay binibanggit nila ang “tabi-tabi, bari-bari” wala namang mawawala kaya sinunod nalang nila ang sinabi ng tita ni Apriil. Matigas pa rin si Jenill. Hindi niya pa rin sinusunod ang tinuturan ng tita ni April. Naging tahimik nalang siya habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang tahanan. “Bahala kayo diyan, para lang kayong tanga sa mga ginagawa niyo” bulong ni Jenill sa sarili. Naghuli sya sa paglalakad dahil nawewerduhan na sya sa ginagawa ng mga kasama niya. “Sandali” pahinto ng tita ni April sa magkakaibigan. “Tita bakit po?” tanong ni April Tumahimik sya sandali at nasabing “May sumusunod sa atin na hindi natin kasama.” Tumayo ang balahibo ng magkakaibigan at hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan. Nais na nilang marating ang bahay nila Jenill agad- agad. Pinagpatuloy nila ang paglalakad at bawat hakbang nila ay inoobserbahan ng tita ni April ang anumang elementong sumusunod sa kanila. -Bahay nila Jenill- Pagpasok nila sa pintuan ng bahay nila Jenill, namangha ang mga magkakaibigan sa mga muebles at palamuti sa loob. Tila isang medyo lumang mansion ang disenyo nito. Maliit lang tignan sa labas ngunit kapag pumasok na ay hindi aakalain na ganun kaganda ang loob. Medyo luma na ang bahay at medyo maalikabot dahil noong huling binisita ito ng mga mga magulang ni Jenill ay noong namatay ang kanilang mga magulang apat na taon na ang nakalilipas. “Sa inyo talaga ito Jenill? Ang ganda ng taste ng magulang mo pagdating sa mga gamit sa bahay ah” bati ni Wawie kay Jenill. “Ang ignorante mo naman Wawie, wala bang ganyan sa inyo? Palibhasa walang time parents mo sa pag-aayos ng bahay.” Sita ni Owen. “Para kayong mga bata, nag-aaway sa simpleng bagay” singit ni Joshua para pumagitan sa dalawang kaibigan. Nilibot na sila sa loob ng bahay ni Jenill. May tatlo itong kwarto ngunit napagdesisyunan nilang sa iisang kwarto nalang muna sila tatambay para makakapagkwentuhan pa sila. Napagkasunduan na kapag matutulog na ay dalawang tao kada kwarto dahil hindi naman sila kakasya lahat sa iisang kwarto. Magkasa si April at ang kanyang tita, Si Jenill at Joshua, at si Owen at Wawie. Medyo malakas ang signal ng cellphone sa bahay kahit liblib na lugar. Kaya kanya-kanya silang hawak ng cellphone habang nagpapahinga. Kanya-kanyang update sa kani-kanilang social media accounts. Alas-onse na nang mapagdesisyunan nilang umakyat na sa kani-kanilang kwarto para makapag-pahinga na dahil sobrang pagod sa byahe lalo na si Joshua na walang pumalit sa pagmamaneho. Makaraan ang ilang minuto ay maririnig na ang hilik ng magkakaibigan maliban kay Joshua na ayaw pa patulugin ng kanyang diwa. Kaya binuksan nalang niya ang kanyang cellphone at naglaro ng kung anong malalaro. Tahimik na katabi niyang si Jenill dahil hindi naman ito humihilik sa pagtulog kaya rinig na rinig niya ang kuliglig sa labas lalo na’t nasa ilalim ng puno ang pwesto ng kanilang tinutulugan Sa kasagsagan ng paglalaro ni Jenill sa kanyang cellphone ay may narinig siyang maliliit na boses na nagtatawanan at tila naglalaro. Tumayo ang kanyang balahibo, sa sobrang takot ay napatakbo siya sa kinororonan ng kwarto nila April ngunit bago niya man mabuksan ay nadulas siya bigla. “Tita tulong po!!” sigaw ng Joshua sa labas ng kwarto ni April. Nagising ang lahat sa lakas ng kalabog ng pagkadulas ni Joshua kaya agad silang nagsilabasan ng kanya-kanyang kwarto at tinulungan nila si Joshua na makatayo. “Tita sa kwarto po namin may narinig po akong maliliit na boses, para pong galing sa mga duwende ba tawag dun? Basta po ganun, ang ingay po nila. Mga naglalaro pa ata” mangiyak-ngiyak na kwento ni Joshua sa mga kasama. “Hindi nga ako mapakali sa nang pumasok ako dito, parang may iba. Ang bigat ng pakiramdam ko. ” tugon ng tita ni April. “Lahat kasi ng bahay may pinaniniwalaang bantay o kung tawagin ng karamihan- mga lamang lupa. Iyon sigurong narinig mo mga duwenteng naglalaro” paliwanag ulit ng tita ni April. “Haynako Joshua, baka naghahallucinate ka lang dahil sa pagod mo. Magkatabi tayo wala naman akong narinig hays” tugon naman ni Jenill sabay balik sa kwarto nila at pinagpatuloy ang pagtulog. Kinabukasan, hindi makabangon si Joshua sa sakit ng likuran nito dahil sa pagkakadulas nito kagabi. Tila hindi tipikal na sakit ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya na parang mababali ang kanyang likod. Nilagyan niya na ito ng kahit anong pampahid tulad na lamang ng Katinko ngunit imbis na mabawasan ang sakit ay lalo pa itong kumirot at nadagdagan pa ng pasa niya sa katawan Nang makita ni April ang kalagayan ni Joshua ay agad niyang tinawag ang kanyang tita. Tinignan ng tita ni April ang likuran ni Joshua at tama ang kanyang hinala mga duwende nga ang may gawa ng kanyang sakit. Pinatawag niya ang lahat ng kasama nila at pinakuha ang mga gagamitin niya upang magamot ang likuran ni Joshua. Pagpatak ng alas-nuwebe ng gabi, inumpisahan na ng tita ni April ang tinatawag nilang pag-aalay. Ito ang tawag sa paghingi ng paumanhin sa mga nilalang na hindi nakikita. “Anong ginagawa ng tita mo? Ang creepy niya pero ang cool” pang-uusisa ni Wawie kay April “Ang tawag daw dyan ay pag-aalay.” Kinaumagahan, kinuha na ng tita niya ang inalay sa ilalim ng puno at inalayan ng dasal. Ipinahid na parang langis sa likuran ni Joshua. Makalipas ang ilang oras ay tila nagdahilan lang ito. Nakagalaw na siya ng maayos at nawala narin ang pasa niya. Gumaan na rin ang kaniyang pakiramdam. “Sa susunod na makarinig kayo ng ganun ay hayaan niyo lang. Nagambala kasi ni Joshua ang paglalaro nila kaya pinarusahan nila si Josh.” Paalala ng tita ni April sa magkakaibigan. “Guys tinatakot lang tayo niyan. Di totoo ang lamang lupa or dwende. Duh nasa 21st century na tayo.” Pangungumbinsi ni Jenill sa kanila. “Hindi ko kayo tinatakot, binabalaan ko lang kayo. Hindi ko naman hangad na maniwala kayo agad” sagot ng Tita ni April.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD