KABANATA III: TULAY

1008 Words
Isang araw bago ang kanilang gala sa probinsya ni Jenill ay nagkikita kita muna sila sa isang mall para bumili ng mga babaunin, gagamitin, at mga susuotin. “Guys where na kayo? Dito na me sa loob ng Coffee Shop. Waiting nako sa inyo” maarteng tanong ni April sa Group Chat nilang magkakaibigan. “Otw na me may inasikaso lang saglit sa bahay” sagot ni Owen “Same here, Otw narin ako. Dadaanan ko nalang si Jenill sa kanila, coding daw kotse niya kaya wala syang service.” Tugon naman ni Wawie sa katanungan ni April. Nakarating na ang lahat sa kanilang tagpuan ngunit may kulang pa rin sa kanila; si Joshua. Wala namang bago sa taong yun dahil sa lahat ng lakad nila o tambay ay lagi itong nagpapahintay, kung hindi man nagpapahintay ay hindi na ito nakakasama dahil sa kung anong rason. “Hey guys Im here!” bati ni Joshua sa mga kaibigan nakabusangot na sa tagal ng paghihintay. “Your late again mah nigga tskk” tugon ni April kay Joshua. Hindi na nila pinansin ang presensya ni Joshua at dumiretso na sa mga tindahan na kanilang paboritong bilhan ng mga gamit. Inuna nila ang bilihan ng mga damit. Syempre puro may tatak ang kanilang sinusuot dahil may kaya naman silang lahat. Sinunod nilang puntahan ang bilihan ng pagkain, kailangan nila ng mangunguya dahil ayon kay Jenill ay labindalawang oras daw ang biyahe papuntang probinsya nila. Mahirap naman din daw ang tindahan doon kasi medyo liblib yung lugar. Araw ng kanilang Pag-alis- Maagang nagising si Jenill para icheck ang sasakyan kung nasa tama ba itong kondisyon. Chinat niya na din ang mga kasama sa Group Chat nila para makapag-prepara na mga sarili dahil mahaba-habang biyahe ang tatahakin nila. Maluwag ang sasakyan nila dahil lima lang sila dagdag pa ang tita ni April. Agad naman na sumagot ang mga kasama at tila excited sila sa magiging bakasyon nila sa probinsya ni Jenill. Sa bahay na nila Jenill ang kitaan nila para doon na rin sila mag-aalmusal. Alas-singko ang oras ng kanilang pagkikita para saktong alas-sais ay makaalis na sila. “Nasaan na kayo guys?” tanong ni Jenill sa mga kaibagan habang nakatingin sa orasan sa kanilang sala. “Nandito na kami sa gate ng village neo kasama ko na si Joshua at Wawie” sagot ni Owen. “Medyo malelate ako ng kaunti guys. Natulugan ko kasi yung mga damit ko kagabi di ko na naayos hehe ditto na rin kami mag-aalmusal ni tita” tugon ni April Nang makarating na sa bahay ang tatlo ay agad na pinaghain ng mga kasambahay nila Jenill para makapag-almusal na. “Guys we’ll be there. So, prepare na kayo dyan para diretso alis na tayo” chat ni April sa GC nila. Handa na lahat ng kanilang gagamitin sa loob ng limang araw. Ang kanilang pagkain ay doon na lamang sila mamamalengke para sariwa pa kanilang pagkain. Wala na rin silang proproblemahin sa tutulugan dahil Malaki ang bahay nila Jenill doon. Nang makarating na sila April sa bahay nila Jenill ay dumiretso na agad sila sa sasakyan at pinaharurot na ni Joshua ang sasakyan, sa kanilang magkakaibigan si Joshua lang ang msaipag magmaneho kahit madalas ay huli ito sa kanilang mga lakad. “Ang creepy naman ng itsura ng tita ni April.” Bulong ni Wawie kay Joshua. “Hoy! Wag ka ngang ganyan, diko na nga pinansin. Pinansin mo pa.” pabulong na sagot ni Joshua. Sa kahabaan ng biyahe ay nakatulog ang lahat maliban kay Joshua na nagmamaneho. Ang mga lalaki ay nagpapalakasan sa paghilik habang si April naman ay naggigripo na ang laway sa balikat ng kanyang tita. Makalipas ang anim na oras na biyahe ay nangalahati na sila sa kanilang destinasyon. Sa sobrang pagod ni Joshua sa pagmamaneho ay huminto muna sila sa isang gilid ng kalsada. Walang masyadong dumadaan sa kalsadang iyon dahil masyadong malayo na iyon sa kabihasnan. Umihi muna si Wawie sa gilid dahil kanina pa ito ihing-ihi sa byahe. May kung ibang naramdaman itong kakaiba. Tila tumayo ang balahibo niya sa malamig na hangin na dumaan sa kanya. Sa kanyang takot ay agad siyang bumalik sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama. Nagulat ang lahat ng mamutla si Wawie. Kinapa ng Tita ni April ang tenga ni Wawie at kinompirma ngang nabati nga ito at may nakasabay daw silang ibang elemento sa kanilang paglalakbay. Natakot ang lahat sa tinuran ng tita ni April. Kaya agad silang sumunod sa utos na kumuha ng dahon ng Malunggay na makukuha lamang sa kabilang kalye. Agad nitong dinasalan at dahan dahang hinampas sa uluhan ni Wawie. Matapos sa ulo ni Wawie sa pinaikot ito sa buong sasakyan para daw umalis ang anumang elemento sa kanilang paglalakbay. Ani ng tita ni April nakuha daw nila ang masamang elementong iyon sa paggambala nila sa dinaanan nilang tulay sa di kalayuan. Kailangan daw bumusina ang anumang sasakyan doon para pagbibigay galang sa mga kaluluwa na naninirahan doon. Pinaniniwalaang ang tulay na may malaking na kanilang dinaanan ay pinamumugaran ng mga diwata at engkanto. “Kasalanan ko po di po kasi ako aware sa mga ganyan. First time ko lang po kasi magmaneho sa probinsya” paghingi ng paumanhin ni Joshua sa lahat. Hindi pa rin kumbinsido si Jenill sa mga nangyayare. Para sa kanya, may kinalaman lahat ang siyensya sa mga ganung sitwasyon. Naging maayos na ang kalagayan ni Wawie. Kahit siya hindi makapaniwala sa nangyari sa kanyan. Unang beses palang niya kasi makaramdam ng ganun dahil sa kanilang pamilya hindi uso ang pamahiin. Nang marating na nila ang isang bayan ay doon na sila nananghalian. Doon lamang sila nakakita ng bayan na walang bukas na kahit anong establishemento at walang tao. “Ang lugar na ito ay hindi pangkaraniwan. Pinamumugaran ito ng hindi pangkaraniwang nilalang kaya walang lalabas ng sasakyan kung ayaw niyo mapahamak.” Pagbabala ng tita ni April “Patigilin mo nga yang tita mo. Kung ano ano sinasabi natatakot tuloy sila.” Pikon na bulong ni Jenill kay April.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD