KABANATA II: SITSIT

986 Words
Natapos ang ball nang masaya at wala nang nangyaring kakaiba sa kanilang paaralan. Hinihintay na lamang nila ang araw ng kanilang pagtatapos at ang resulta ng kanilang pagsisikap buong taon. “Guys, nagpaalam na ba kayo sa parents niyo tungkol sa pagpunta natin sa probinsya naming after Graduation?” tanong ni Jenill sa barkada “Amm, ako kahit hindi na magpaalam, matanda naman na ako ee tiyaka hindi naman ako manghihingi ng pera sa kanila.” Sagot ni Wawie. “Ako, sabi ni mama basta kayo kasama kampante naman daw siya na safe tayo. Kaya napapayag din” singit din ni Owen “Guys, sabi ni Papa isasama ko raw si Tita, para may kasama raw tayong matanda. Umoo nalang ako para pumayag.” Sabi naman ni April “Okay lang. mabuti na rin yun para may tagakuha tayo ng picture pag andun na tayo. Si Josh pala, parang kanina ko pa hindi nakikita?” paghahanap ni Jenill kay Josh. “As usual late nanaman yun. Wala nang bago dun” sagot ni April. Sa kaparehong araw din, nilabas ang resulta ng kanilang paghihirap. Nakamit ni Jenill ang unang pwesto na sinundan naman ni Owen na halos ilang puntos lang ang pagitan. Lahat silang magkakaibigan ay may karangalang matatangap at mga special awards para sa kanilang natatanging kontribusyon sa kani-kanilang mga grupo. -Araw ng Graduation- “Psst!” Isang kakaibang tunog ang narinig ni April na tumawag sa kanyang pansin habang hinihintay ang kanyang mga kaibigan. Ngayon niya lamang narinig ang ganung tinis ng boses na para bang galing sa malaking na tao. Sinundan niya kung saan nagmula ang tinig na iyon hanggang dalhin siya sa likod ng gusali ng kanilang paaralan. Nang marating niya ang likod gusali ay tila nagulat siya sa kanyang narinig. Tila napalitan ang kaninang sumisitsit sa kanya ng isang boses na umiiyak na matanda at nagtatawanan mga babae. Kumaripas siya ng takbo papuntang covered court kung saan gaganapin ang kanilang pagtatapos. Nang makita siya si Joshua, mabilis niya itong yumakap at humagulgol na siya namang pinagtaka at ikinagulat ng binate. Kwinento niya rito ang buong nangyari na naging sanhi ng kanyang pag-iyak. Hindi makapaniwala si Joshua sa kwento ni April dahil unti-unti nang nagkakatotoo ang kwento ng kanyang mga kuya tungkol sa kanilang hindi pangkaraniwang karanasan sa Jackson International School. Pinakalma muna ni Joshua si April at dinala sa Counseling room ng kanilang paaralan. Sinabihan na din niya ang kanyang mga kaibigan na sumunod nalang sa Counseling room para sabay-sabay na silang pumunta sa covered court. Ikwinento rin ni Joshua sa mga kaibigan ang nangyari at ang kwento ng kanyang mga kuya dahil hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin nila maka-usap si April ng matino dahil na rin siguro sa takot. “Sus, inhibitions lang yan ni April, baka hindi lang siya nag-umagahan kaya kung ano- anong pumapasok sa isip niya” pangungumbinsi ni Jenill sa kanyang mga kaibigan. “Guys, may point si Jenill, wag na nating takutin mga sa sarili natin. Sa panahon natin, uso pa ba yung mga ganun? Baka nga yung mga aswang eme na yan mas gugustuhin pa magcellphone kaysa kumain ng laman loob.” Paliwanag ni Owen. “But guys, hindi niyo pa ba nagegets, parang pinaglalaruan na tayo ng mga lamang-lupa dito sa school natin. Pansinin niyo yung nangyare kagabi, napakaimposible naman na masira yung knob at the same time at narinig niyo ba yung kwento ni April na habang sumisigaw tayo at humihingi ng tulong ay nagsisilaglagan daw ang mga git sa table ni mam. At yung nangyari nanaman ngayon kay April, ang creepy na di ba? Ngayon niyo sabihin sa akin na co-incidence lang lahat yun” pagdedepensa ni Joshua. Hindi pa rin kumbinsido si Jenill sa pahayag ng kaibigan. Kailangan niya ng sapat na batayan lalo na ang patunay ng siyensiya bago siya maniwala sa bagay-bagay. Pinalaki kasi siya na walang sinusunod na pamahiin sa kanilang bahay dahil ang kanyang mga magulang ay sobrang kung kumayod ng pera para sa kinabukasan ng kanilang anak. “Kaya nga dapat sumama tayong lahat sa probinsya ni Jenill. Di ba sa mga probinsya, uso pa rin ung mga pamahiin. Doon natin patunayan kung tama nga ba itong mga pinaniniwalaan natin. Sama ko babe ko pwede?” pambasag ni Wawie sa katahimikan na bumalot sa kanila matapos ang pahayag ni Joshua. “Hindi!!” sabay-sabay na sagot ng kanyang mga kaibigan. “Walang magsasama ng hindi parte ng tropa. Huling gala na natin to bago tayo maghiwa-hiwalay para sa college.” Sabi ni Owen Kumalma na si April kaya agad na silang pumunta sa court dahil magsisimula na ang programa. Matapos banggitin ni Jenill ang huling salita sa kanyang talumpati ay isa isa na silang ginawaran ng kani-kanilang parangal. Si Jenill bilang Valedictorian at Most Outstanding Leader of the Year dahil sa kanyang walang kapagurang pamamahala sa SSC ng halos tatlong taon; Si Owen naman ang nagkamit ng Salutatorian at Most Outstanding Choir Members, pagpupugay sa Malaki niyang kontribusyon sa musika sa kanilang paaralan; Nakamit naman ni April ang ikatlong pwesto at siya rin ang Cheerleader of the Year dahil sa hindi matatawarang kontibusyon para makamit ang kampyunato sa tatlong mgkakasusunod na taon; Ang pinakamabait sa kanilang si Joshua naman ay nakamit ang ika-apat na pwesto, sa kanya rin binigay ang Athlete of the Year Award dahil siya ay nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng Basketball upang ipagpatuloy ang legasiya ng kanilang paaralan para sa naturang pampalakasan; at an pinakaantipatikong si Wawie naman ay nakasungkit ng ikalimang pwesto. Matapos ang kanilang Graduation Ceremony ay hindi naiwasan ang maluha ang lahat dahil sa mga pinuhunan nilang ala-ala sa bawat isa na nagbigay kulay sa kanilang buhay- high school. Umuwi na sa kanya kanyang mga tahanan ang magbabarkada para idaos ang kani-kanilang tagumpay. At sa susunod na mga araw ay pupunta na sila sa probinsya nila Jenill upang magbakasyon at patunayan ang mga paniniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD