KABANATA I: MAGKAKAIBIGAN

1268 Words
Sa mahigit anim na taon na paghihirap at pagsasakripisyo masusuklian na rin ang pagod ng mga magkakaibang sina Jenill, Wawie, Owen, Joshua, at April. Maraming pagsubok ang humamon sa pagkakaibigan nila sa loob at labas ng kanilang paaralang iniibig; ang Jackson International School. Bago nila lisanin ang kanilang paaralan, nagmarka at tumatak na ang kanilang mga pangalan sa isipan ng mga guro at kapwa nila mag-aaral. Ang kanilang tropa ay hindi lang biniyayaan sa iba’t ibang talent, sila rin ay biniyayaan ng kanya-kanyang talino na kanilang ginamit upang makapagtapos ng may mataas na karangalan. “Narinig rinig niyo na ba yung balita sa faculty na magkakaroon tayo ng Graduation Ball?” tanong ni Wawie sa barkada. “Oh? Edi maganda kung ganoon. Masusuot ko na yung pinatahi kong gown para sa JS natin na hindi naman natuloy” sagot ni April, ang iisang babae sa barkada. “Bakit hindi nalang kaya natin tanungin si President Jenill para may kasiguraduhan ang mga impormasyong nakalap niyo.” Suhesyon naman ni Owen. Sumang-ayon naman ang lahat. Kaya agad na nilang pinuntahan sa opisina ng Supreme Student Council ang kaibigan nilang si Jenill para kumpirmahin ang kumakalat na tsismis patungkol sa kanilang Graduation Ball. Wala silang naabutan sa opisina dahil may importanteng pinapirmahan daw si Jenill sa kanilang principal. Hinantay na nilang makabalik sa opisina si Jenill at sabay sabay na silang nagtanghalian sa paborito nilang kainan; ang tindahan ni Aling Susan. “So, Pres, totoo ba yung bali-balitang magkakaroon tayo ng Graduation ball?” usisa ni April kay Jenill. “Hmmm. Yes, totoo nga pero wag niyo munang ipagsasabi dahil pinag-iisipan pang mabuti ni Principal. Pero sabi patribute niya nalang iyon sa ambag natin sa ating paaralan sa loob ng anim na taon. Kaya baka matuloy yun.” Paliwanag ni Jenill sa tropa. “Wait, nasaan pala ang pinakagwapo nating tropa na si Wawie?” habol na tanong ni Jenill. “As usual, nasa chix niya. Alam mo naman yun, kada buwan iba iba ang babae palibhasa may itsura.” Sagot ni Joshua. Nang matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa kanilang klase. Sa kasagsagan ng klase ay agad na inantala ni Mam Principal ang klase at sinabi ang magandang balita sa kanilang klase. Lahat ay galak na galak nang kumpirmahin na ang kumakalat na tsismis. Naging mas maingay pa ang klase nang sabihin na magaganap ito sa susunod na linggo na. Lahat ay masayang masaya maliban sa mga Supreme Student Council Officers. Sila kasi ang hahawak ng event, nakatoka sa kanila ang pamamahala ng preparasyon hanggang matapos ang Graduation Ball. Hindi pinabayaan ng tropa si Jenill sa preparasyon sa ng Graduation Ball. Sumasama sila sa lahat ng meeting ng SSC para magbigay ng suhesyon para sa magiging takbo ng event nila. Tinalaga ni Jenill si Owen na maging head sa Invitations at Give aways dahil sa barkada siya lang ang medyo may alam at may magandang panlasa pagdating sa ganung bagay. Pinaubaya naman ni Pres kina April at Joshua ang venue stage decoration dahil sila naman ang mahilig pagdating sa ganitong bagay. Pinagkatiwala naman kay Wawie ang pamumuno sa seguridad ng kanilang idaraos na Graduation Ball, magagamit niya ang kanyang popularidad at pagiging palakaibigan sa posisyong binigay sa kanya. Ang ibang gawain naman ay pinaghati-hatian na ng mga opisyales ng SSC. -ARAW NG GRADUATION BALL- Dalawang araw mula sa bago magtapos ang Batch 2020 ang araw ng kanilang Graduation ball. Lahat ng magsisipagtapos ay ay hindi magkanda ugaga sa kanya-kanyang preparasyon sa kanilang itsura at susuotion. Ang iba ay nagpatahi pa sa mga kilalang Fashion Designer sa ibang bansa ngunit ang magtotropa ay naisipang isang Designer nalang ang kanilang kukunin para maging glamoroso’t glamorosa sa espesyal na aral na nilaan para sa kanilang pagtatapos. Alas siyete ng gabi, nagsimula nang magsidatingan ang mga magsisipagtapos sa Conference Hall kung saan gaganapin ang Ball. Ang magkakaibigan naman ay napagdesisyunang magkita kita muna sa SSC Office at sabay- sabay na silang pumunta sa Conference Hall. Habang binabagtas ni Owen ang daan patungong SSC Office ay nakita niya ang kaniyang mga guro na nagkukumpulan at tila may pinag-uusapan. “Owen, may nakita ka bang babae na umakyat sa 2nd Floor? Naka-asul siyang dress at mahaba ang buhok. Nagmamadali kasi kanina, pasabi naman sa Conference Hall yung Venue.” Utos ng kanilang adviser. Agad na ngang tinungo ni Owen ang 2nd Floor, wala siyang nakitang ni anino ng isang babae. Lahat ng ilaw nakapatay at tanging tunog lamang ng hanging nagmumula sa mga puno ang kanyang naririnig at tanging ilaw na nagmumula sa mga bilog na buwan ang nagsisilbing liwanag sa gusali. “Walang tao sa taas maam kahit isa, sigurado po ba kayo na sa 2nd Floor umakyat?” sambit ni Owen nang makarating sa Faculty. Tumaas ang balahibo ng kanilang Adviser sa sinambit ni Owen at tila pinagpawisan ito ng malamig dahil nakasisigurado siya na may umakyat na babae sa ikalawang palapag ng gusali. Naging usap-usapan din kasi sa kanilang faculty na may mga pakalat-kalat daw na mga ibang elemento tuwing sasapit ang kabilugan sa kanilang paaralan lalo na sa gusali kung nasaan ang kanilang opisina. Nang makumpleto na sila sa SSC Office ay naggayak na sila papuntang Conference Hall. Habang inaayos ang sarili ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang nakita ng kanilang adviser na babaeng nakaasul na damit ang umakyat sa ikalawang palapag. “Guys, tignan niyo ang buwan, bilog na bilog. Sabi ng mga kuya ko na nag-camping dito sa school natin kapag daw bilog ang buwan may mga lumalabas na mga ibang elemento dito, pagala gala raw sila sa school natin. Kung ginambala sila, manggagambala rin daw sila” kwento ni Joshua. “Wala namang ganyanan Josh.” May takot na boses ni April “Huwag niyo nga takutin sarili hindi naman totoo yang mga ganyan. Kung gusto niyo after Graduation pumunta tayo sa probinsya namin. Sabi nila madaming laman-lupa dun ee. Pero wag muna tayo maniwala hanggat hindi pa natin napatutunayan” sambit ni Jenill Pumayag ang lahat sa plano ni Jenill ngunit magpapaalam muna sila sa kani-kanilang mga magulang. Pinagpatuloy pa rin nilang pagkwentuhan ang babaeng nakita nang biglang humangin ng malakas. Sabay na nagsarado ang pinto ang pingtakahan pa nila, ayaw magbukas ng door knob kahit anong gawin nila at dalawang knob pa ang ayaw magbukas. Nagpapanic na sila at hindi na nila alam ang gagawin. Napansin din ni April na isa isang nagsisihulugan ang mga gamit sa lamesa. “Help!!! Tulong!!!” sabay sabay nilang sigaw. Sampung minuto na ang nakakalipas, wala pa ring nakaririnig sa kanila. Buti nalang ay may dumaan na security guard na nagiikot sa oras na iyon para silipin kung may tao pa sa opisina dahil mag-uumpisa na ang Graduation Ball. Napagdesisyunan ni Jenill na sirain nalang ang door knob kaysa makulong sila sa loob. Kaya walang nagawa ang guard kundi sirain nalang ito. Pinagpapawisan sa takot na lumabas ang barkada at tila hindi makalimutan ang nangyari lalo na si April na nasaksihan ang isa isang paglaglag ng mga gamit sa lamesa habang ang mga lalaki niyang kasama ay nakatuon sa pagsigaw at paghingi ng tulong. “Sabi ko sa inyo guys ee totoo ang sinasabi ng mga kuya ko. Maling mali talaga na nagkaroon talaga tayo ng ball sa gabi.” Sabi ni Joshua “Haynako, Coincidence lang ung mga nangyari. Huwag niyo nga takutin sarili niyo. Parang mga bata” Bulyaw ni Jenill sa mga kaibigan. Nilinga linga ni April ang paligid para hanapin ang kaibigang si Wawie. Hindi kasi nila ito kasamang nakulong sa SSC Office dahil nakabantay si Wawie sa bukana ng pinagdadausan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD