CHAPTER 59 ROSE POV: SIMULA nang mabuntis ko si Jack ay halos isang pasanin ko ang tao. Masyadong sensitibo ang kanyang paglilihi. Yung mga gusto niyang kainin ay yung pagkain na hirap hanapin. Pero kahit anong pagmamaktol ang gawin ko ay sinusunod ko pa rin siya dahil bigla na lamang siya umiiyak kapag hindi ko nabibigay ang gusto niya. Anyway, I just understand his situation. Dati naikwento sa akin ni mama na nung buntis siya ay ganitong-ganito ang akto niya. Nagiging sensitive at actress. Pero hindi maipagkakaila na napaka-cute magbuntis ni Jack. Yung tipong kahit napipikon ka na ay hindi mo siya magawang saktan dahil sa pag-nguso niya na parang bata. "Aray ko Jack ha! Bakit bigla ka na lang nambabatok?" gulantang na sambit ko dahil sa ginawa niya. Gumagawa ako ngayon ng avocad

