CHAPTER 58 ROSE POV: "ANONG plano mo ngayon? Siguro naman sapat nang dahilan yung pang-gugulo ng kapatid mo dito sa bahay? Kasuhan mo na... Delikado ang magiging lagay mo kapag hindi tayo tinantanan ni Alfred," saad ko kay Jack nang makapasok kami sa bahay. Ang inaalala ko lang ay yung pagbubuntis niya. Hindi pwedeng madamay dito ang bata dahil sa kademonyohan ng kapatid niya. Kahit papaano ay concern ako kay Jack sapagkat para na rin kaming mag-asawa. Higit doon ay minamahal ko na ang binata. "Huwag kang mag-alala, kakasuhan ko na siya. Ilalabas ko na yung mga ebidensya para mapakulong ang kapatid ko at si papa," wika nito na animo'y napabago ko rin ang kanyang isipan. Inalalayan ko siya at binigyan ng maiinom. I tried to check her tummy baka kasi naapektuhan ang baby. Pero dahil sa

