Kabanata 14

1428 Words
MALAKING pagtatalo ang naganap sa pagitan nina Roxie at ng kapatid na si Rita dahil sa desisyon niyang dalhin ang ina sa Maynila. Ayaw pumayag ni Rita dahil mababawasan ang ipadadala niyang pera kada buwan. Halos magbarangayan pa silang magkapatid ngunit nang sabihin ni Roxie na padadalahan niya na lamang ang kapatid ng kinse mil kada buwan ay biglang nagbago ang isip nito. Roxie felt so disappointed. Tila iyon lamang ang habol ng kapatid sa kanya. Ni hindi man lamang nito naisip na malaking halaga na iyon lalo na kung siya rin ang gagastos sa gamutan at therapy ng ina sa Maynila. Ayaw na lamang palakihin pa ni Roxie ang away kaya nang sinundo sila ni Zeus ay hindi na niya kinibo ang kapatid. "Iyong pinangako mo, Roxie. Sana naman hindi na kailangang kalampagin pa kita bago ang sahod mo," paalala ni Rita sa kanya. Napalunok si Roxie dala ng hiya dahil napatingin sa kanya si Zeus matapos nilang marinig ang sinabi ni Rita. Tumango na lamang din siya sa kapatid saka na niyaya si Zeus na sumakay ng kotse nang makaalis na. Nag-convoy naman sa kanila ang ambulansyang magsasakay sa Mama niya hanggang Maynila. "What was that about?" Zeus asked. Hindi naman tonong nanghihimasok sa kanilang magkapatid. Tila concern lamang sa kanya dahil napansin nito ang pagpakla ng ekspresyon niya. "Ayaw kasi niyang pumayag na kunin ko si Mama kaya sabi ko padadalahan ko nalang sila ni Totoy ng kinse mil kada buwan. Ayun, pumayag na. Nagbago ang isip." "Are you going to give her that amount of money each month?" Zeus asked. "Wala naman akong choice. Hindi talaga magbabanat ng buto 'yong si ate kaya kawawa lang si Totoy kung ititigil ko ang padala." Lumamlam ang mga mata ni Zeus. "Hindi sa nakikialam ako pero . . . don't you think you'd only see her push herself to work once she has no one to depend on?" Napayuko si Roxie. Naisip naman na talaga niya iyon kaya lang nananaig ang awa niya. Isa pa, nakatatak sa isip niyang ang magkakapatid, nagtutulungan. It's the Filipino family culture embedded in her mind that makes it so hard for her to stop Rita from abusing her but Roxie isn't brave enough yet to end the cycle. Not when her nephew will surely suffer with his mother. Humugot siya ng malalim na hininga saka pilit na nginitian si Zeus. "Huwag na nating pag-usapan. Ang importante maisasama na si Mama sa Maynila." Tumango si Zeus saka nito kinuha ang kamay niya't pinatakan ng halik ang likod ng kanyang palad. Roxie felt a warmth in her heart with his simple gestures. Alam niyang nasa development stage pa lamang sila ni Zeus ngunit hindi niya maiwasang isiping hindi imposibleng matibag ni Zeus ang takot niyang lahat ng lalake ay tulad ng tatay niya. Naging tahimik na lamang sila sa byahe. Tila parehong may malalim na iniisip. Pagkarating sa hindi pamilyar na subdivision ay muli namang nagbalik sa reyalidad ang isipan ni Roxie matapos makita ang tila mamahaling American homes inspired na mga tahanan. "Nakakuha ka kaagad ng bahay?" nagtataka niyang tanong. "Yeah. I pulled some strings, said I need the place as soon as possible. Kaninang umaga nagkabayaran. May mga kailangan pang asikasuhin sa mga dokumento but they allowed us to move in already since I already paid it in full." Kumunot ang noo ni Roxie. "How much?" "It's cheap, don't worry." She sighed. "Magkano mismo 'yang it's cheap na 'yan?" "Just sixty million. It's a good deal, considering it's already a three-bedroom house with two car ports--" "Sixty million?!" Napalakas ang tinig ni Roxie. "Diyos ko, Zeus!" "Roxie, we have different perspectives when it comes to value. My sixty million may look a lot to you but it's just like buying a smart phone to me. Don't worry about it." "Kahit na! Diyos ko pwede naman 'yong mura! Marami akong nakitang nasa magkano lang saka pwede rin magrenta!" He placed his hand on her lap as if he's trying to soothe her down. "It didn't hurt my pocket, babe. Calm down." Naihilamos ni Roxie ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Zeus naman . . ." He pointed his cheek. "Give me your sixty-million worth kiss." Sinimangutan niya ito. "Kung ang halik ko sixty million, eh paano ang cake pie ko?" He scoffed. "Your what?" "Iyong cake pie ko! Magkano ang halaga nito?" "Oh, your pussy." He laughed softly. "That's priceless, babe. I won't trade it for any other cake pie if that's how you wanna call it." He licked his lower lip. "Huh, that's a good term? It's just that, the icing often melts like what you see in donuts." "Zeus!" Nahampas niya ang braso nitong hinulma yata mismo ng Maykapal. "Tigilan mo muna ako diyan sa mga biro mong rated SPG nai-stress pa ako sa sixty million na winaldas mo nang gano'n-gano'n lang. Ni hindi pa nga tayo matagal na magkakilala. Kung tutuusin halos four months pa lang magmula noong unang beses na biniyak mo ang buko tapos ngayon may pa-sixty million house and lot ka na?" He scoffed. "Ah, your terms just make me horny. Mauuna pa yata nating basbasan ang bahay bago mapa-house blessing." Umismid siya. "Maniwala naman akong hindi mo ako gagapangin mamayang gabi?" Makahulugan itong ngumisi. "Well, you're too irresistible. You can't blame me if I'm always hungry for you." Itinigil nito ang kotse sa harap ng two-storey house na may mahogany gate. "Home sweet home." Napabuntonghininga na lamang si Roxie. She feels guilty while scanning the house but one thing she realized about Zeus is that he's stubborn. Very stubborn. Kaya alam niyang hindi rin ito papayag na i-cancel ang pagbili ng bahay. Napakamot siya ng ulo. "Magiging sugar daddy yata talaga ang lintik kahit sabihin kong huwag," she murmured to herself before she went in to accompany the people who will bring her mother inside. Nang makapasok sila at nakaalis na ang ambulansya ay idinala nila ang kanyang ina sa silid na nasa unang palapag. Zeus said he specifically asked the agent to find a house with a room on the first floor so her mother doesn't have to go upstairs anymore. Iniwanan nila ang kanyang ina nang makapagpahinga muna ito. Nang maisara ang pinto ay kaagad lumingkis ang mga braso ni Zeus sa kanyang baywang mula sa likod. He buried his face on her neck then pecked a kiss on it. "There's something I wanna tell you by the way," he said. "Ano 'yon?" she asked. Zeus inhaled a sharp breath. Inangat din nito ang ulo at pinakatitigan siya. His lips parted as if he's about to confess something to her, ngunit bago pa man nito nagawang magsalita ay umalingawngaw na ang cellphone ni Roxie. "Sagutin ko lang sandali. Wait lang," aniya. Pinakawalan siya ni Zeus nang masagot niya ang tawag ng tiyahing nasa ibang bansa. "Tiyang, napatawag kayo?" "Roxie! Naku, totoo bang kinuha mo na si ate?" "Ay, oho tiyang." "Naku, mabuti naman at kawawa lang 'yang nanay mo sa ate Rita mo. Ewan ko ba sa kapatid mo! Nagsumbong ang amiga ko! May bago na naman daw kinakalantari 'yang si Rita! Pamilyado pero walang trabaho kaya baka mamaya 'yong para sa pampaayos mo ng bahay ay doon sa lalake niya napunta!" Nahilot ni Roxie ang kanyang sintido. "Ang tigas talaga ng ulo ni ate Rita! Ang dami namang lalakeng walang sabit diyan bakit ba 'yong may asawa pa ang napipili?" "Wala na tayong magagawa talagang makulit 'yang ate mo. Ikaw na lang ang pag-asa ng nanay mo, Roxie kaya ikaw mag-iingat ka. Pumili ka ng lalakeng hindi ka lolokohin." Umismid si Roxie. "Oo naman, tiyang. Kahit kailan, hinding-hindi ako papayag na maging kerida. Kahit sino pa siya, hindi ko ho ipagpapalit ang prinsipyo ko para sa lalake." "May tiwala ako sa'yo, Roxie. Alam kong matalino kang bata. Oh, siya tumawag lang ako para kumpirmahin ang nabalitaan ko. Mag-iingat kayo. Babalik na ako sa trabaho." "Sige ho, tiyang ingat kayo d'yan. Huwag na kayong mag-alala kay Mama," aniya bago tuluyang nagpaalam sa kanyang tiyahin. Nang maputol ang tawag ay bumaling siya sa tila namumutlang si Zeus. "Ano ulit 'yong sasabihin mo?" Zeus inhaled a sharp breath then shook his head. "We can talk about it some other time." Tumikhim ito. "Let's check the rooms upstairs." Tanging tango na lamang ang isinagot ni Roxie kahit na hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kutob na nadama dahil sa nakitang ekspresyon ni Zeus. Whatever it was that he wanted to tell her, she hopes it wouldn't break her heart dahil baka hindi niya ito mapatawad kung sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD