Kabanata 15

1203 Words
"Rox, isabay na kita," presinta ng katrabaho ni Roxie na si Hugh. Bagong lipat ito bilang front desk sa kanilang branch at magmula nang magtrabaho roon ay panay na ang pagpapapansin sa kanya. Isinara ni Roxie ang kanyang locker saka payak na ngumiti sa katrabaho. "May sundo ako, Hugh. Salamat na lang." Sinundot ng katrabaho niyang si Lara ang kanyang tagiliran. "Ikaw, ha? Palagi ka nang may sundo. May boyfriend ka na yata, eh." She just smiled at Lara then waved goodbye at them. Ayaw niyang usisain ng mga ito ang love life niya kaya kahit na lumalalim na ang samahan nila ni Zeus ay nananatiling pribado ang kanilang relasyon. Sometimes they would go out of town for a date or just to simply relax. Pampered na pampered siya nito at kahit na ilang beses na niyang sinita, talagang hindi tumitigil si Zeus sa pag-spoil sa kanya. Bukas nga ay may schedule na naman siya sa spa. Nai-book na raw iyon ni Zeus kaya hindi niya pwedeng tanggihan. Bukas din ng gabi ang date nila sa Tagaytay para mag-celebrate ng kanilang monthsary. She was never a fan of celebrations like that. Kahit noong bata-bata ay nandidiri siya sa mga kaklaseng ultimo weeksary ay isini-celebrate ngunit heto siya ngayon, hindi rin naman maiwasan ang kiligin sa mga paandar ng nobyo. Excited siyang pumasok sa shotgun seat ng sasakyan ni Zeus na nakaparada malapit sa entrance ng Hotel Khallisa. Pagkasara niya ng pinto ay kinabig kaagad siya nito at siniil ng halik. "How's your day?" he asked after their lips parted. "Tiring. Maraming guest ngayon pero wala namang naging sakit ng ulo hindi kagaya kahapon," balita niya rito. "What about you?" "Besides missing you all day, it was hellish because I kept missing you all day," sagot nito. There goes the butterflies in her stomach again. Talaga naman, oo. Wala yata talagang balak ang boyfriend niyang pagpahingahin ang lintik na mga paru-paro sa kanyang sikmura! "Oo na, pwede ka nang umiskor mamaya," she said that made Zeus laugh. Kinuha nito ang kamay niya't hinalikan ang likod ng kanyang palad. One thing Roxie realized about Zeus is that he's sweet. He would steal kisses in every chance he gets or simply send her chats while they're both at work. Walang palya ang pangungumusta nito tuwing sinusundo siya. Tila ba nais nito palaging malaman kung ano ang nangyayari sa araw niya. It was as if he's that interested with everything about her, kaya naman kahit ilang buwan pa lamang silang naninirahan sa iisang bubong ay pakiramdam ni Roxie ay napakatagal na niya itong kilala. She already knows his favorite dish and how he likes his coffee. Kapag gabi rin ay talagang nagsusumiksik ito sa kanyang kwarto para tabihan siyang matulog. Minsan kung nali-late ito ng uwi dahil maraming inaasikaso ay nagigising siya sa marahang mga halik ni Zeus sa kanyang balikat. Kapag naalimpungatan siya ay roon ito mahihiga sa kanyang tabi. He made her feel confident to open her whole heart to him. Kaya sa kabila ng takot niyang lahat ng lalake ay gaya ng tatay niya, hindi napigilan ni Roxie na mahulog nang husto kay Zeus. "Make sure you'll bring her to the clinic thirty minutes before the appointment," dinig niyang bilin ni Zeus sa personal nurse ng kanyang ina. "Opo, Sir," sagot ng nurse. Bumaba si Roxie ng hagdan na nakapambahay na. "Ano 'yon, babe?" she asked. Inakbayan siya ni Zeus. "May therapy bukas ang mama mo. I wanna make sure she'll be there on time kaya nagbibilin na ako." Napangiti si Roxie. That's another thing about him. Ramdam niyang sincere ang care na ipinakikita ni Zeus sa kanyang ina. Ilang beses na rin niya itong nadatnang itinutulak ang wheelchair ng mama niya kapag umaga. Tila nais na makakuha ng bitamina mula sa sikat ng araw ang mama niya. Kahit hindi rin ito nagagawang sagutin ng kanyang ina ay madalas pa ring kausapin ni Zeus na tila ayos lamang dito kahit ito lamang ang nagsasalita. "Thank you. Muntik ko na nga palang makalimutan 'yon," aniya matapos hagurin ng palad ang dibdib ni Zeus. "No worries. It's important so I made sure it's on my calendar. What's for dinner?" he asked. "Magluluto ako ng adobo. Maligo ka na at magpalit habang nagluluto ako." "I'll help you. I'll just take a quick shower," tugon nito bago pinatakan ng halik ang tuktok ng kanyang ulo. Hindi na lamang nagprotesta si Roxie. Dumiretso siya sa silid ng ina upang kumustahin ito bago siya nagtungo sa kusina upang ihanda ang mga rekado. Hindi naman nagtagal ay bumaba rin si Zeus na basa pa ang buhok dahil bagong ligo. Niyakap siya nito mula sa likod at pinatakan ng halik sa kanyang leeg habang nagbabalat siya ng patatas. Gusto ni Zeus ng adobong baboy na may patatas at itlog pugo kaya naman heto siya ngayon at ihinahanda ang mga kailangan para sa bersyon ng adobong nais nito. "I really need to build a home gym. You're making me gain weight," kunwaring reklamo nito. Umismid siya. "Gabi-gabi ka nang nag-e-exercise, Zeus huwag na tayong maglokohan." He laughed softly against her neck then kissed her shoulder. "Well, I also have my dessert every night so . . ." "Heh! Marinig ka ni Nurse Petra!" Natawa itong muli nang mahina saka nito marahang piniga ang kanyang baywang. Maya-maya ay tuluyan na itong tumulong sa kanyang maghanda ng mga rekado. They were in sync as if they're meant to do chores together. Napapangiti na lamang tuloy si Roxie dahil hindi niya talaga akalain na iyong poging pinsan ng boyfriend ng best friend niya ay may ganitong bahagi. He's so . . . husband material. Kaya kahit takot si Roxie sa pag-aasawa, baka kung si Zeus ay sumugal pa rin siya. "I bought your nephew a laptop. How can we send it to him?" Napatingin siya kay Zeus nang marinig ang sinabi nito. "Bumili ka ng laptop para kay Totoy? Bakit?" "Well, I heard you talking to him yesterday. He mentioned about struggling to do his research for his homeworks so I bought him a macbook earlier." Bumuntonghininga si Roxie. "Zeus, hindi mo kailangang bilihin lahat ng kakailanganin ko o ng pamilya ko. May sahod ako at kaya ko naman 'yong bilihin." "Yeah, I know but I can buy it, too so why not spend my money instead so you can keep yours?" sagot nito. Napakamot siya ng sintido. "Ayaw kong dumating ang araw na iisipin ng ibang taong pera lang ang habol ko sa'yo. Hindi mo ba maintindihan 'yon?" He smirked. "Ako ang humahabol sa'yo, Roxie not the other way around." Umirap siya rito. Naku, ang sarap kurutin! Hindi talaga niya ito makausap nang seryoso pagdating sa ganoong bagay! She was about to say something when Zeus received a call from Jael. Nag-excuse ito at sinabing sasagutin ang tawag sa labas. Hindi naman na siya umangal. She focused on what she was doing. Ngunit nang akmang isasalang na niya ang iluluto ay nakatanggap siya ng text mula sa hindi nakarehistrong numero. Roxie wiped her hands and grabbed her phone to read the text, yet the moment she saw the message, her brows slowly furrowed out of confusion. From: +63997******* Well, aren't you so like your mother?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD