PAKIRAMDAM ni Roxie ay pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Rosanna, ngunit mas gumuho ang mundo niya nang ipakita ni Rosanna ang marriage contract ng mga ito sa kanya. Hindi pa nga ito nakuntento sa pagsaboy ng champagne sa kanyang mukha. She even took out a bunch of money from her expensive bag just to throw it on her face.
"There! Pera lang naman ang habol mong mahadera ka kay Zeus! Now leave my husband and my marriage alone!" Umismid ito saka siya pinasadahan ng tingin. "Kaya naman todo ang pagtatanggol mo sa asawa ng boss mo? Kasi pareho kayong makati at hindi marunong rumespeto ng kasal ng iba!" Rosanna pointed her again as she looked around. "This woman works for Hotel Khallisa. The so-called hotel that does not tolerate cheaters. What a bunch of hypocrites."
Uminit na nang tuluyan ang sulok ng mga mata ni Roxie. Her face felt numb as her chest tightened. Parang hindi siya makahinga. Akala niya noon matapang siya. Na si Rita lamang ang may kakayahang kayan-kayanin siya, pero heto siya ngayon, nagmumukhang katawa-tawa sa harap ng maraming tao.
She pursed her lips to trap her sobs. Zeus is married. She slept with a committed man. She . . . ended up becoming her mother.
Para siyang hihimatayin. Ang sakit-sakit. Hindi niya matanggap na umibig siya sa taong nakatali na sa iba. Pakiramdam niya ngayon ay ang baba niyang uri ng babae kahit na wala naman siyang kaalam-alam.
It's like everything perfect about her lie crumbled down in a blink of an eye, pero ang pinakamasakit ay ang pagsisinungaling ni Zeus sa kabila ng pagiging open ng buhay niya rito.
She thought she knew him. She thought everything about him was real. Hindi pala, at ang laki-laki niyang tanga para maniwala sa lahat ng sinabi nito.
She wiped her tears. "S-Sorry. H-Hindi ko alam," halos bulong na niyang sabi.
Rosanna smirked. Maya-maya ay tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi mo alam? Oh baka naman alam mo pero mas mahal mo ang pera ng asawa ko? Kung sabagay, binahay ka, inalis ka sa squatters area, binigyan ng mamahaling therapy ang nanay mong gaya mo ring home wrecker. Grabe, 'no? Namamana pala ang pagiging kabit?""
May ilang natawa kaya lalong nanliit si Roxie sa sarili. Gusto na niyang umalis sa lugar para isalba ang sarili niya sa mas matindi pang kahihiyan ngunit para bang namanhid ang buo niyang katawan. She couldn't even step away from Rosanna to save herself in case Rosanna will try to hurt her.
Ni hindi siya nakaatras noong lapitan pa siya nito saka siya sinampal sa magkabila niyang pisngi. Halos mabingi siya sa bigat ng kamay nitong sumampal sa kanya ngunit tanging pagluha lamang ang nagawa niya.
She feels disgusted with herself, too, and she thinks she deserved everything for sleeping with a married man. Kahit na sabihing hindi niya alam na may asawa na si Zeus, still, she felt so low.
Pakiramdam niya ay naging impokrita siya dahil galit siya noon sa pagiging kabit ng nanay niya, ngunit heto siya ngayon, isa rin palang kabit. Worse, she thought Zeus would soon propose to her. Gusto tuloy niyang pagtawanan ang kanyang sarili dahil sa pagiging ilusyunada niya.
"Dalawang sampal. Iyong isa galing sa'kin, 'yong isa, galing mismo sa lola ni Zeus. She wanna tell you that she wishes you dead." Ngumisi si Rosanna. "She hates people like you kaya huwag ka nang mag-ilusyon pang mas pipiliin ka ng asawa ko, dahil kung iyon ang balak niya, he would've gotten rid of me first before he pursued you. Kaso hindi naman? Up until now, our marriage is still strong so if hindi pa nag-si-sink in sa'yo, let me simplify what's going on. My husband has no plans of taking you seriously. Kasi kung hindi ka parausan lang, why make you a kept woman in the first place?" Rosanna smirked. "I hope this will be the last time I'd see you, dahil kapag hindi mo pa tinigilan ang asawa ko, hihimas ka na ng rehas sa susunod nating pagkikita. Kawawa naman ang nanay mong kabit kung magkataon."
Tumulo na lamang ang mga luha ni Roxie nang banggain siya ni Rosanna saka ito naglakad paalis. Nawalan pa siya ng balanse dahil hinang-hina na ang mga tuhod. She fell on the floor, crying silently even when she wanted to scream because of the immense pain that's suffocating her chest right now.
Halos hindi na siya makahinga pa. She felt like every fiber in her body is in so much pain. Ni hindi niya magawang tumindig mag-isa. Kung hindi pa siya inalalayan ng nagmagandang loob na waiter, baka hindi pa siya makakatayo.
"Upo ka muna, miss. Ikukuha kita ng malamig na tubig," the guy said.
Roxie couldn't answer anymore. Pakiramdam niya kapag ibinuka niya ang bibig niya ay puro hikbi lamang din ang lalabas.
The waiter left and went back with a tissue roll and a glass of ice-cold water. Kung bakit hindi ito sinita ng manager ng resto ay hindi na niya napansin pa. The guy gave her the glass of water and then put the tissue roll on the table as he pulled a seat for himself.
"Inom ka muna ng tubig, miss. Saka itong tissue, bago naman 'to. Wala kasing naka-box," pagmamagandang loob nito.
Roxie grabbed the tissue roll shyly while her tears kept trailing down her face. "T-Thank you . . ."
The guy gave her a friendly smile as if he's silently telling her that he's not here to judge her.
"Yzmael," the guy said. His brown eyes flickered with sympathy while his thin lips remained in a genuine half smile.
Roxie sniffed then nodded. "R-Roxie."
Pinasadahan ng lalake ang lugar. Nang kahit paano kumalma na siya ay tumikhim ang lalake. "Huwag ka nang umiyak. Niloko ka. Ikaw ang naagrabyado. Ipakita mong mas malakas ka keysa diyan."
Suminghot siya't hindi na ito sinagot pa tungkol sa sinabi nito. She collected all the tissue paper she used, slid everything in her bag, and then stood up to leave. Ni hindi na siya nakapagpasalamat pa kay Yzmael. She went straight to the taxi bay on the next street. Pagkahatid ng taxi sa kanya sa bahay nila ni Zeus ay pilit niyang binilisan ang hakbang papasok.
Roxie shut the door. Muling sumabog ang dibdib niya nang makapasok ng bahay lalo na nang makita niya ang mga picture frame na may mga larawan nila ni Zeus.
She walked towards the frames and grabbed one. Labis ang pagpigil niya sa sariling humikbi kahit na nag-uunahan na ang kanyang mga luha sa pagpatak, ngunit nang hindi na niya kinaya pa, napasalampak na siya nang tuluyan sa sahig saka humagulgol habang yakap niya ang picture frame.
Mahal na mahal niya si Zeus. Mahal na mahal niya, ngunit alam niya kung ano ang tama sa mali. Ang pwedeng ipaglaban at kailangang isuko. In their case, she isn't the one who has the right to stay. Kahit gaano niya ito kamahal at kagustong makasama habambuhay, hinding-hindi niya hahayaan ang sarili niyang matulad sa nanay niya.
She sobbed as she caressed the side of the frame that has Zeus' face. Pumatak ang luha niya sa salamin kasabay ng pagguhit ng basag na ngiti sa kanyang mga labi.
"I l-love you. I love y-you so much . . . but t-these sinful h-heartbeats of m-mine . . . need to end n-now . . ." She sobbed. "My heart d-deserve better t-than this . . ."