Roxie had been ignoring Zeus since the other day. Nag-aalala na si Zeus dahil hindi naman ganoon ang nobya. Kahit hindi oras ng trabaho ay hindi ito sumasagot, which is very unusual.
Noong isang araw pa siya kinukutuban ng hindi maganda kaya kating-kati na talaga siyang umuwi kaya lang ay talagang importante ang convention. It's going to help him gain connections he's going to need once he builds his own business.
Alam niyang kung hihingi siya ng tulong sa mga Ducani ay maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng kanyang ama. He wants to make sure his Dad will be safe first before he takes his moves. Kaya sa ngayon ay bumubuo muna siya ng mga koneksyon sa mga taong maaari ring tumulong sa kanya pagdating ng araw.
"Come on, baby. Answer the phone." Nagpabalik-balik na naman siya ng lakad sa loob ng kanyang hotel room ngunit nang hindi pa rin sinagot ni Roxie ang tawag ay napabuntonghininga na siya. "Damn it."
Left with no choice, Zeus called his cousin Jael for help. Hindi naman nagtagal ay sinagot ni Jael ang tawag niya kahit madaling araw na sa Pilipinas.
"What's up?" bungad ng halatang inaantok na si Jael. Narinig pa niya sa background ang boses ng nobya nitong nagtanong kung sino ang tumawag.
"Sorry for disturbing you. I just really need your help." He sighed before he sat on the edge of the bed. "Si Roxie, I can't reach her since the other day."
Sandaling natahimik ang kabilang linya. Mukhang lumayo ang pinsan niya sa nobya nito nang hindi nito marinig ang usapan nilang dalawa.
"Do you want me to call someone? Nasa Monte Costa kami ni Cyra ngayon but maybe I can reach out to someone who can check on her," suhestyon ni Jael.
Zeus ran his fingers onto his already disheveled hair. "Sige nga. Kinakabahan na ko. Roxie doesn't leave me hanging this long."
"Alright. I'm gonna call you back," paniniguro ni Jael.
Their phone call ended but it didn't take long before Jael rang his phone again. "Ja," bungad niya sa kanyang pinsan.
Isang malalim na buntonghininga ang narinig niya mula sa kabilang linya. "Bro, may problema. Nag-resign daw si Roxie sa Hotel Khallisa."
Napakurap si Zeus. "Nag-resign? Why the f**k would she even do that? It was her dream hotel! That's impossible."
Jael heaved another sigh. "Ngayon ko lang din nakita 'yong video na ipinadala ni Kaius. The video wasn't that clear but I think it was a video of Rosanna exposing Roxie as your mistress. Kaya yata umuwi ng Maynila si Yvez. His brother informed him about a scandal that took place at one of their branches. Pinahahanap ang staff na kumuha ng video. Hindi ko naman akalaing asawa at girlfriend mo pala ang involved."
Naihilamos nang tuluyan ni Zeus ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Putangina talaga!"
He gritted his teeth as fear and anger clawed his heart. Baka kung ano ang magawa niya kay Rosanna oras na iwanan siya ni Roxie. No, please. Huwag si Roxie. Hindi niya kakayanin oras na ito ang mawala sa kanya.
"What are you gonna do now?" Jael asked. "Ang sabi ni Kaius, Roxie didn't think she's still fit to be part of Hotel Khallisa. Mukhang may nasabi si Rosanna para bumaba nang gano'n ang tingin ni Roxie sa sarili niya. I know her. Palaban 'yon at hindi basta nagpapaapi sa ibang tao pero sa video, ni hindi niya naprotektahan ang sarili niya."
"Can you send me the video?" he asked.
Their call ended. Ipinasa ni Jael ang video sa kanya. Dali-dali naman niya iyong pinanood, ngunit nang makita kung paanong sinabuyan ng champagne, sinampal at tinabig ni Rosanna ang babaeng mahal niya, pakiramdam ni Zeus ay nandilim ang kanyang paningin.
He packed his bags and booked the earliest flight home. Halos hindi siya mapakali habang nasa byahe pauwi. Una niyang sinugod si Rosanna sa bahay nilang mag-asawa, at nang nadatnan niya itong nasa pool area ay mangani-ngani niya itong pinagbuhatan ng kamay.
"How dare you do that to Roxie?!" His voice thundered. Pulang-pula ang kanyang mukha dala ng labis na galit ngunit hindi man lamang natinag si Rosanna. Tila ba inasahan na nito ang magiging reaksyon niya.
Rosanna smirked. "I just put your b***h in her place, Zeus. In fact, maswerte pa nga siyang ganoon lang ang ginawa ko sa kanya."
Lalong dumilim ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Zeus. Nahawakan niya si Rosanna sa braso nang sobrang higpit kaya halos mapangiwi ito sa sakit.
"Ano ba, Zeus! Nasasaktan--"
"Ito ang tatandaan mo, Rosanna. Asawa lang kita sa lintik na papel pero hindi kita mahal. Roxie will always be the woman whom I would want to come home to. Sa kanya ako bubuo ng pamilya at sa kanya ko uubusin ang panahon ko kaya tigil-tigilan mo na 'yang ilusyon mong ituturing kitang asawa pagdating ng araw, dahil kahit ilang beses akong mamatay, hinding-hindi ko papangaraping magmahal ng kagaya mo."
Rosanna smirked. "I don't care if you will ever love me or not. Basta akin ka, Zeus. Hinding-hindi kita hahayaang maging masaya sa iba hanggang sa magsawa ka--"
"f**k. You." His jaw tightened so as his hold on her arm. "f**k you."
Padabog niya itong binitiwan kaya napaupo sa sahig, gaya ng kung papaanong napaupo sa sahig si Roxie sa video. He stormed outside and went to his car to go to the house he bought for Roxie. Ngunit halos manlumo lamang si Zeus nang sa pagpasok niya ay wala na siyang nadatnan pa.
The place had no sign of Roxie nor her mother. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang takot. Pinilit niya itong tawagin habang paakyat siya ng hagdan ngunit pagdating sa silid kung saan naging saksi ang mga gabi sa pagmamahalan nila, walang ibang bumungad sa kanya kun'di ang liham na nakapatong sa kama.
Zeus swallowed the lump forming in his throat before he took his steps towards the bed. Naupo siya sa kama at dinampot ang liham. Kabado niya iyong binuklat at binasa sa kanyang isip, ngunit unang pangungusap pa lamang ay parang milyun-milyong punyal na kaagad ang itinarak sa kanyang dibdib.
Zeus,
Ang sakit-sakit mong mahalin.
Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko mula pagkabata. Binuksan ko ang buhay at puso ko para sa'yo. Wala akong ni isang inilihim. Wala rin akong ibang hiniling na kapalit kun'di ang katapatan ng pagmamahal mo kaya paano mo nagawa sa'kin 'to?
You knew I hated my parents for their affair. Turns out, the man who conquered me wholly will make me a mistress without me even knowing. Iyon ang pinakamasakit. Iyong hindi ko naman pinili na maging kabit. Nagmahal lang ako nang totoo kaya paano mo nagawang magsinungaling? Paano mo nagawang tingnan ako palagi sa mga mata kahit alam mong niloloko mo ko?
Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita, but I deserve better than being someone's kept woman. Masakit sa akin ang iwan ka pero kailangan kong pahalagahan at irespeto ang sarili ko sa paraang hindi mo ginawa noong itinago mo sa akin ang katotohanan tungkol sa inyo ni Rosanna. It will hurt me big time, but this is better than settling as a mistress. Pakiusap, sana huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Make this easier for me, please. After all, I wouldn't be in this kind of pain if it wasn't for you.
Roxie
Tumulo na lamang ang luha ni Zeus matapos mabasa ang liham ng nobya. Parang sinuntok nang paulit-ulit ang dibdib niya kaya kahit tapos na niyang basahin ang sulat ay nanatiling nakapako sa papel ang kanyang tingin.
Roxie already left him. Roxie thought he really meant to make her a mistress. Gusto niyang magpaliwanag para malaman naman nito ang side niya, pero paano?
He put the paper down and bowed his head. Sinabunutan niya ang sarili habang nakakalso ang magkabila niyang siko sa kanyang mga hita. Parang sasabog ang dibdib niya sa sakit. No. Hindi niya kaya. Hindi pwede. He loves Roxie so much. He will never be able to accept her decision.
Zeus sniffed. No. Hahanapin niya si Roxie kahit anong mangyari. If he needs to beg on his knees just so she would listen to him and give him another chance, then he will. He'd risk everything just to be with her again. He'd bargain with God just to have a lifetime with her. Kahit ano, handa na niyang gawin huwag lamang siyang tuluyang iwanan ni Roxie.
He rubbed his palms on his face then let out a sigh. "No, Roxie. I'm sorry but I could never respect your decision." Tuluyan siyang tumayo. "We won't break up. We will never break up . . . husgahan man ako ng buong mundo sa gagawin kong pagpipilit ng sarili sa'yo . . ."