"Ano? Nag-resign ka?" Halos magdugtong ang mga kilay ni Rita nang sabihin ni Roxie na babalik na sila sa bahay dahil umalis na siya sa Hotel Khallisa.
Tatlong araw din muna siyang nagpalamig sa isang hindi kilalang hotel sa Maynila bago siya nagdesisyong umuwi na ng probinsya para sa ikabubuti ng ina.
Ini-lock ni Roxie ang wheelchair ng kanyang ina matapos iyong maipwesto sa sala. "Oo. Dito na kami ni Mama—"
"Eh, paano tayo? Anong kakainin natin? Diyos ko naman, Roxie! Hindi ka man lang ba nag-iisip?! Paano ang pangako mong kinse mil kada buwan? Ano 'yon, wala na lang bigla?!"
Humugot ng malalim na hininga si Roxie. "Ate, hindi mo man lang tinanong kung bakit ako nag-resign at bakit kami bumalik ni mama rito?" Uminit ang sulok ng mga mata niya. "Grabe ka naman. Talagang 'yang kinse mil ang priority mo?"
"Aba natural! Ipinangako mo 'yon!"
Gustong matawa ni Roxie sa inis. She's been at her lowest since the night she found out the truth. Mugto na ang mga mata niya kaiiyak pero tila bulag ang kapatid niya at hindi man lamang iyon napansin.
Umuwi siya rito dahil hindi niya alam kung papaano pa niya iha-handle ang sakit na nararamdaman niya, pero imbes yata mapakalma siya ay lalo lamang siyang made-depress dahil sa asta ng nakatatanda niyang kapatid.
"Pwede ba, ate? May pinagdadaanan ako ngayon. Baka pwedeng huwag muna nating pag-usapan 'yan?" pakiusap niya. Pigil na pigil na tuluyang pumutok sa galit.
Umismid si Rita. "Ikaw? May pinagdadaanan? At anong akala mo sa akin, wala? Hoy! Kung hindi ako nag-give way sayo noon, hindi ka makakatapos! Hindi ka sana nakatapak sa Hotel Khallisa tapos sasayangin mo lang--"
"Ano ba naman, ate?! Gaano ba kahirap para sayo na bigyan ako ng space para makapag-isip?! Saka anong sinasabi mong nagpaubaya ka? Nabuntis ka ng tatay ng anak mo kaya ka tumigil sa pag-aaral! Hindi ka nagpaubaya! Nakarating ako ng Hotel Khallisa dahil nagsumikap ako! Ako ang nagdala sa sarili ko ro'n kaya ako lang din ang may karapatan para magdesisyong umalis do'n!"
Naningkit ang mga mata ni Rita. "Ayan! Diyan ka magaling! Sa panunumbat!"
Kumuyom na nang tuluyan ang mga kamao ni Roxie habang pigil niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha. She's already emotionally and mentally exhausted. Pero imbes na ang ate niya ang yumakap sa kanya ngayong parang bibigay na ang dibdib niya, ito pa ang nagtutulak sa kanya para lalong malugmok.
"Hangga't maaari ayaw kong manumbat." Halos mamaos na ang kanyang boses. "Ang sa'kin lang, sana hindi mo tingnan ang sarili mo bilang biktima sa lahat ng oras. Nagkamali ka ng desisyon noong nakipagtalik ka sa tatay ni Totoy. Ikaw ang gumawa ng desisyong 'yon, ate pero sino ang sumalo ng responsibilidad mo? Sino ang bumubuhay sa anak mo? Noong nadapa ka dahil hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo, imbes na bumangon ka, umiyak ka na lang at isinisi sa iba ang pagbagsak mo. Isinisi mo sa bato, sa lupa, at sa mga taong sinubukan kang tulungang tumayo pero hindi mo tinulungan ang sarili mo kaya hindi ka nila naiangat. Ate, hindi ka biktima. Ikaw ang naglagay sa sarili mo diyan sa sitwasyong 'yan. Ikaw ang pumili na hindi magbanat ng buto kahit alam mong may responsibilidad ka na. Isinara mo ang mga mata mo at ipinapasan sa akin ang lahat, tapos kapag napagod ako, ikaw pa ang inaapi ko? Ikaw pa ang kawawa?" Natawa siya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. "Tang ina naman niyan."
Idinuro siya ni Rita. "Huwag mo kong mapagsalitaan ng ganyan!"
Basag na ngumiti si Roxie. "Kapag ikaw, pwede mo akong sabihan ng kahit na ano. Pero ako, bawal?" She wiped her tears. "I'm sorry, ate pero sobrang entitled mo na para isipin mong kailangan kong itikom ang bibig ko para hindi ka masampal ng katotohanan tungkol sayo. Takot kang marinig mula sa iba ang mga bagay na hindi mo kayang tanggapin sa sarili mo kaya ngayong nagsasalita ako, nasasaktan ka dahil alam mo na totoo lahat ng sinasabi ko. Kapatid kita, pero hindi kita responsibilidad. Ate nga kita pero hindi ko naman inasa ang sarili ko sayo. Nagbanat ako ng buto, sumugal, tiniis ang lahat ng hamon na dumaan sa buhay ko nang mag-isa." Nanginig ang ibaba niyang labi nang mag-unahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak. "Mag-isa lang akong humarap sa mga 'yon, at hanggang ngayon, mag-isa ko pa ring hinaharap lahat ng bagay na dumudurog sa dibdib ko. Alam mo kung bakit? Kasi hindi tulad mo, kaya kong aminin sa sarili kong nagkamali ako ng desisyon. Na ako ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyong 'to. Ginusto ko man 'to o hindi. Ikaw? Kailan ka aamin sa sarili mo?"
Tuluyan siyang nilayasan ni Rita. Padabog din nitong isinara ang pinto ng bahay. Napahagulgol naman si Roxie nang hindi na niya kinaya ang dumagdag na sakit sa nadudurog niyang puso.
She just wanted someone to comfort her right now. Pero hanggang sa huli, wala pa rin siyang masandalan. Kailangan pa rin niyang tumindig mag-isa.
She sobbed as she thought about her life. The only time she got out of her strong independent woman mindset was when Zeus was with her. Ipinaramdam nitong maaari siyang magpahinga. Na maaari niya munang ihinto ang pakikipaglaban niya sa buhay para mabuhay niya ang pamilya niya.
He was her comfort person. Pero ngayong ito ang bumasag sa kanyang puso, kanino na siya sasandal?
Roxie stiffened when she felt her mother's hand on her arm. Magaan nitong piniga ang kanyang braso gamit ang nanghihinang kamay. Napatingin si Roxie sa ina, at nang makita ang luhang dumadaloy sa sulok ng mukha nito, pakiramdam ni Roxie ay may punyal na tumarak sa kanyang puso.
"S-Sorry, 'n-nak . . ." mahina nitong sabi na nakapagpakabog sa dibdib ni Roxie.
Her tears fell harder on her face when she realized that after several years, her mother was finally able to talk again. Nayakap niya ito saka siya humagulgol. Tila isang paslit na naghahanap ng kalinga mula sa sariling ina dahil pagod na pagod na siya.
"Kakayanin ko 'to, ma." She sobbed. "Kakayanin ko. Malakas ako, eh. Malakas ako . . ."
Pinuno ng kanyang mga hikbi ang bahay. Maya-maya ay naramdaman niya ang paglapit ng umiiyak na si Totoy sa kanila. Tumindig siya nang maayos para harapin ang pamangkin ngunit ganoon na lamang ang pagkatigil niya nang bigla siyang niyakap ng pamangkin.
"Tita Ganda, titigil na ako sa pag-aaral. Magtatrabaho na ako. Ako naman po ang tutulong sayo para hindi ka na mapapagod," ani Totoy na nakapagpaluha nang husto kay Roxie.
Nayakap niya ang pamangkin saka siya tumangis. "Hindi, Totoy. Malakas si tita Rox. Iiyak lang ako pero hindi ko hahayaang hindi ako uusad. Basta mag-aral ka lang mabuti, ha?"
Tumangu-tango ang bata. "Tita Ganda, kapag umalis si Mama, dito na lang ako sayo. Hindi kita iiwan. Kayo ni lola."
Napahikbing muli si Roxie saka niya ikinulong sa yakap ang pamangkin. She then felt a different kind of warmth in her heart that somehow made her chest a little lighter.
Lalaban siya. Makalalagpas siya sa masakit na kabanatang ito ng buhay niya, at kung pamilya na lamang niya ang makakasama niya pagdating ng araw, hindi na rin masama. Ang mahalaga, hindi siya querida.
Roxie swallowed the lump in her throat. Mahal niya si Zeus, ngunit kung hanggang dito na lamang ang lahat, kahit masakit ay mag-isa niyang tatahakin ang buhay.
May dumating mang bagong pag-ibig sa kanya o wala . . .