Kabanata 25

1559 Words
"Roxie, pasensya ka na talaga. Hindi ko alam, eh. Hindi ko tuloy nasabi sa'yo na may asawa na si Zeus." Bumuntonghininga si Cyra. "Actually, noong unang beses na nagkita kayo, 'yon ang . . . araw na ikinasal sila sa huwes." Hindi alam ni Roxie kung matatawa siya sa ibinalita ng kaibigang dinayo pa siya sa probinsya matapos malamang nag-resign na siya sa Hotel Khallisa. She confessed the reasons behind her immediate resignation, but to her surprise, Cyra was aware that Zeus is already legally committed to someone. Ang tanga rin naman kasi niya. Best friend niya si Cyra pero bakit ba ni minsan ay hindi niya naisipang sabihin dito na may relasyon sila ni Zeus? Oh siguro dapat noong unang beses pa lang na may nangyari sa kanila ni Zeus, dapat ay nagkwento na siya kay Cyra. Hindi na sana humaba ang panahong magkasama sila ni Zeus. Hindi sana nito nagawang bihagin nang husto ang puso niya. She sniffed before she grabbed her bottle of beer. "Hindi mo kasalanan. Ako 'tong gaga na hindi nagsabi sa'yo na may boyfriend na ko." Boyfriend. Gusto niyang pagtawanan ang sarili kasabay ng paghilab ng sakit sa kanyang puso. Boyfriend niya si Zeus? Ano ang karapatan niyang tawagin ito nang gano'n? She laughed while tears are building up in the corners of her eyes. "Hindi ko pala boyfriend. Feelingera rin ako, eh. Nakiki-jowa ako sa asawa ng iba." Muli niyang pinagtawanan ang sarili, ngunit hindi nagtagal, unti-unting naging mga hikbi ang kanina'y malutong niyang tawa. Cyra sighed. Kinabig siya nito saka niyakap. Lalo naman siyang humagulgol dahil tila dumoble ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. "Sige lang, iiyak mo lang pero pagkatapos nito, laban na ulit, ha?" paalala nito sa kanya. Halatang naiiyak na rin. She sobbed. "Gago siya, Cyra. Minahal ko siya nang sobra pero niloko niya lang ako. Alam niyang galit ako sa mga kabit dahil sa maling desisyon ng nanay ko noon na kami ang umani, pero bakit ginawa niya akong gaya ni Mama? Bakit ginawa niya akong kabit? Deserve ko bang lokohin? Hindi ba ako karespe-respeto para gawin niya sa'kin 'yon?" She sobbed. "Pakiramdam ko dinaig ko pa ang puta, Cyra . . ." Napasinghot na rin nang tuluyan si Cyra saka nito hinagod ang likod niya. "Hindi totoo 'yan. Wala kang alam sa marital status niya. Nagmahal ka kasi akala mo walang sabit ang lalakeng pinili mo. Naging kabit ka nang wala kang kaalam-alam at iniwanan mo siya kahit masakit pagkatapos mong malaman ang totoo. Sapat na 'yon para ipakita mong karapat-dapat kang igalang, Roxie. You stood your ground and kept your principles instead of letting love lord you kaya sana huwag bumaba ang tingin mo sa sarili mo." Hindi na nagawa pang sumagot ni Roxie. Iniyak na lamang niya nang iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, ngunit kahit yata gaano katindi ang kanyang pagtangis, hindi iyon sapat para maibsan ang paninikip ng dibdib niya. Her wound is too deep that no amount of tears could mend it anymore. Ngunit kahit na hindi nababawasan ang sakit ay hindi rin naman niya napigilan ang umiyak sa balikat ni Cyra. Little did Roxie know that Zeus is just in a distance, watching them from his car, silently holding his tears back because he knew he's the reason why she's in so much pain right now. Balak sana ni Zeus na mag-isang pumunta sa probinsya para magpaliwanag at humingi ng isa pang pagkakataon kay Roxie ngunit pinigilan siya ni Jael. Nalaman ng nobya nito ang balak niya kaya kahit galit ito sa kanya ay nagpresinta itong sumama para matantya muna ang sitwasyon. Cyra said he's not allowed to get near Roxie without a go signal. Pero ngayong nakikita niyang umiiyak nang husto ang babaeng mahal niya, parang gusto na niyang lumabas ng sasakyan para lapitan ito at ikulong sa kanyang mga bisig. He wanted to take away her pain. Alam niyang nagkamali siya. Nagpadaig siya sa takot hanggang sa naubusan na siya ng panahon para magpakatotoo kay Roxie, ngunit handa niyang gawin ang lahat para lamang patawarin siya nito at bigyan pang muli ng isang pagkakataon. Hindi niya alam kung paano pa niya ito kukumbinsihing tanggapin siyang muli sa buhay nito ngunit bahala na. Wala na siyang pakialam. He only wants Roxie, and if Roxie wouldn't come back to his life, Zeus knows he would never be the same again. Naalarma si Zeus nang makitang tila nawalan ng malay si Roxie. Cyra automatically at his direction. Walang pagdadalawang-isip naman siyang bumaba ng sasakyan at halos tumakbo upang marating kaagad ang dalawa. "What happened?" he asked worriedly after lifting Roxie in a bridal way. "She passed out. Mukhang hindi na kinaya at lasing na lasing na rin. Ipasok na natin sa loob," ani Cyra. Inayos ni Zeus ang pagbuhat kay Roxie saka niya ito idinala sa silid nito. He then asked Cyra if he could stay a little longer while Roxie isn't awake. Halatang ayaw pa nitong pumayag noong una ngunit sa huli ay iniwanan din silang dalawa sa silid. Pagkasara ng pinto ay maingat na naupo si Zeus sa tabi ni Roxie. His chest hurt when he saw the trails of tears on Roxie's face. Nasasaktan siya dahil alam niyang siya ang dahilan ng mga luhang iyon. Hindi ito ang binalak niyang ibigay kay Roxie. He promised to love her and make her the happiest woman in the world, ngunit dahil naduwag siya, heto ito ngayon at labis na nasasaktan dahil sa kanya. He swallowed the lump forming in his throat before he laid next to Roxie. Maingat niya itong kinabig upang maipaunan sa kanyang dibdib. Pigil na pigil niya ang pamumuo ng kanyang mga luha habang niyayakap ito dahil labis siyang nangulila sa dalaga. He's been restless since she started ignoring his messages. Wala siyang tulog o pahinga dahil humahanap siya ng paraan para makawala na kaagad kay Rosanna. Isinara niya ang mga mata niya saka niya ito pinatakan ng halik sa tuktok ng ulo. Tila naalimpungatan naman ito at inaantok na nagmulat ng mga mata. "Z-Zeus?" she called. Halatang lasing na lasing. Zeus inhaled a sharp breath as he tucked Roxie's hair behind her ear. "Baby . . ." Roxie stared at him while her lower lip trembles. "Ang sakit-sakit ng dibdib ko, mahal . . ." She sobbed. "Ang sakit-sakit na . . ." Uminit nang husto ang sulok ng mga mata ni Zeus. Ni hindi niya magawang sumagot. Napatitig lamang siya sa luhaan nitong mga mata habang ramdam na ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Humikbi si Roxie. "Gusto ko lang magmahal at mahalin. Gusto ko lang ng may tahanang mauuwian kapag pagod na pagod na ko sa buhay. Gusto ko lang ng lalakeng papatunayan sa aking hindi lahat ng lalake, gaya ng tatay ko pero . . . " Her voice cracked. "Mahal, bakit mo naman ako sinaktan? Bakit ako pa?" Tuluyan na itong humagulgol. Hinigpitan naman ni Zeus ang yakap sa katawan nito kahit na nababasag nang husto ang kanyang puso dahil sa pag-iyak nito. His eyes are already bloodshot, too because he couldn't contain his emotions anymore, ngunit tanging bulong na paghingi ng tawad lamang ang nagawa niya habang pinapatakan ito ng halik sa tuktok ng ulo. "Mahal na mahal kita, Roxie. I made a huge mistake but I promise you, I'll do everything to win you again." Gumulong ang luha pababa ng kanyang pisngi kaya mabilis siyang suminghot. "Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Pakinggan mo lang ako. Kahit isang beses lang, please . . ." Tanging paghikbi ang itinugon nito sa kanya. Maya-maya ay unti-unting humupa ang pag-iyak nito at ang paghinga ay naging malalim senyales na naiduyan na nito ang sarili pabalik sa pagtulog. Zeus sniffed. How many times did Roxie cried herself to sleep? Parang hindi niya kayang isipin lalo na wala siya sa tabi nito para pawiin ang sakit na nararamdaman nito. Isa pa ay alam niyang kasalanan niya kung bakit ito nasasaktan kaya galit na galit siya sa sarili niya. Zeus carefully wiped her cheeks with the back of his fingers before he gently kissed her closed eyes. "I love you." He sniffed. "I'm sorry, but I could never let you go . . ." Dinukot niya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa at kinuha roon ang singsing na nagsisimbulo ng pagmamahal niya kay Roxie. Si Rosanna man ang nakapirma bilang asawa niya sa mata ng batas, naniniwala siyang may Diyos na nakaaalam ng katotohanan. Ng kung sino ang tunay na nilalaman ng kanyang puso at gusto niyang makasama hanggang sa pinakahuli niyang hininga. Zeus put the ring on Roxie's finger before he kissed her on her lips twice. Suminghot siya pagkatapos bago niya ito ikinulong sa kanyang yakap. He shut his eyes and let his hot tears trail down the sides of his face while his Roxie sleeps on his chest. Sa isip ay isinusumpa niyang gagawin at titiisin niya ang lahat bumalik lamang itong muli sa kanyang piling. Zeus let out the heavy air in his lungs before he pecked a gentle kiss on Roxie's head. "f**k the laws of this land, baby. It's you who conquered me. It's you whom I wanna spend forever with." He entwined their fingers and kissed the back of her palm. "Sa'yo lang ako, Roxie. Sa'yong sa'yo lang ako . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD