Kabanata 26

1273 Words
Nagising si Roxie na mabigat ang kanyang ulo. She has a terrible hangover. Ngunit dahil hindi umuuwi si Rita sa kanila ay alam niyang kailangan niyang bumangon upang maipaghanda niya ng almusal ang nanay niya at si Totoy. Despite her throbbing head, Roxie did her best to get up. Susuray-suray pa siyang maglakad hanggang sa nahawakan niya ang knob ng pinto, ngunit bago pa man niya nabuksan iyon ay narinig na niya ang pamilyar na tinig na tila kausap si Totoy. "Saan ang malapit na botika, 'Toy? Malapit na palang maubos ang stock ni tita ng gamot," she heard Zeus asked. Napakurap si Roxie. Pilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi ngunit nang unti-unting gumana ang kanyang memorya ay halos manlaki ang mga mata niya. She remembered how she cried on Cyra's shoulder. Nawalan siya ng malay pagkatapos at nang nagising siya ay nasa tabi na niya si Zeus. She poured her heart out, thinking it was just a dream. Ngunit ngayong naririnig niya ito sa labas ng silid niya ay napagtanto niyang hindi iyon panaginip lamang. Zeus was . . . really with her last night. Yakap siya nito buong magdamag habang umiiyak siya hanggang sa nakatulog. Nanikip ang dibdib niya. Bakit ba ito nagpunta roon? Hindi pa ba ito kuntento na ilang buwan siya nitong niloko? Kulang pa ba? Kailangan ba ay maging katulad siya ng kanyang ina na hindi na nagawang umalis sa isang bawal na relasyon? Nanaig ang galit at sakit sa puso ni Roxie. She stormed outside despite her throbbing head. Naabutan naman niya sa sala si Zeus na nakaupo sa monobloc na nasa tabi ng wheelchair ng kanyang ina. Sa kanilang center table ay may plato ng bawas na pagkain habang kalong naman ni Zeus ang lalagyan ng mga gamot ng kanyang ina. Looks like Zeus fed her mom and gave her meds. Naantig ang kanyang puso dahil sa napagtanto ngunit kaagad din iyong napalitan ng galit nang maalala ang ginawa nito sa kanya. Her expression turned cold as her lips pursed, her eyes narrowed at Zeus who looks so restless. "Anong ginagawa mo rito?" asik niya. Lumungkot ang pagod na mga mata ni Zeus. Maya-maya ay bumuntonghininga ito bago bumaling kay Totoy. "Dalhin mo muna sa labas lola mo, Totoy. Hayaan mo siyang makapagpahangin. Mag-uusap lang kami ng tita Roxie mo," bilin nito sa bata na kaagad namang sinunod ng kanyang pamangkin. Totoy pushed her mom's wheelchair. Inalalayan pa ito ni Zeus hanggang sa tuluyan nitong nailabas ang wheelchair sa pintuan. Nang sila na lamang dalawa ang natira sa loob ay isinara ni Zeus ang pinto saka siya tuluyang hinarap. "Baby, let me--" "Huwag mo kong ma-baby-baby, hayop ka!" Her voice thundered. "Wala kang karapatang tawagin ako nang ganyan pagkatapos mo kong gaguhin, Zeus!" His eyes softened. Sinubukan nitong lumapit sa kanya ngunit nandilim kaagad ang paningin ni Roxie. Dinampot niya kung ano ang maaari niyang ibato kay Zeus. She threw the stuff in their divider but Zeus didn't seem to care. Nagpatuloy lamang ito sa paglapit kahit alam niyang nasasaktan ito dahil sa mga gamit na ihinagis niya rito. "Lumayo ka! Tang-ina ka!" She shouted but Zeus didn't listen. Kahit na sinasampal at sinusuntok na niya ito nang narating siya ay hindi siya nito nilayuan. He just accepted all of her punches and slaps even when her nails are already scratching his skin. Dumugo na ang pisngi nitong nakalmot niya ngunit nanatili sa kanya ang titig ng malungkot nitong mga mata. Tila ba naroroon ang pagsisisi at pagsusumamo ngunit masyadong nabubulagan si Roxie ng sakit na nararamdaman niya. She couldn't give a damn. All she knows is that Zeus betrayed her in the worst possible way by turning her into something she used to hate. "Gago ka . . ." She sobbed. Ni hindi niya namalayang kanina pa pala dumadaloy ang kanyang mga luha pababa ng kanyang magkabilang pisngi. Ang alam lang niya ay walang mapaglagyan ang galit ang sakit na nararamdaman niya ngayong kaharap na niya ito. "Roxie . . ." he called in a hoarse way as if he's hurting, too. Maya-maya ay tuluyan itong lumuhod sa kanyang harapan at niyakap siya sa kanyang baywang. Roxie tried to push him but Zeus just tightened his hug around her waist. Pinagsusuntok at kalmot niya ito ngunit talagang hindi siya pinakawalan. Sa huli ay hinang-hina siyang humagulgol at itinakip na lamang ang mga palad sa kanyang mukha. "Gago ka, Zeus. Gago ka. Minahal kita nang totoo pero anong ginawa mo?" She sobbed. "Niloko mo ko . . ." Zeus took in a sharp breath as he tightened his hug around her waist. "I was so scared . . ." He sniffed. "I was so scared that you will not understand. That you will not hear me out if I'd tell you that I only married Rosanna because I was forced to. Hindi ko siya mahal, Roxie. It was never love that bonded the two of us. I only did it because if I wouldn't, I'd lose my dad. I . . . can't let him die." Hindi nakasagot si Roxie. Tanging pag-iyak lamang ang nagawa niya dahil pakiramdam niya ay ayaw na siyang hayaan ng kanyang isip na pakinggan at intindihin ang mga sinasabi nito. Hindi naman siya masisisi ni Zeus. He lied. He kept the truth for so many months. Paano niya ito pagkakatiwalaan ngayon? Zeus sniffed. "The day we first met was both the worst and the best day of my life. Worst because I just married someone whom I don't love, and best . . . because you happened. Roxie . . . ikaw ang mahal ko . . . paniwalaan mo man ako o hindi." Basag na natawa si Roxie. "Mahal mo ko? Alam mo kung ano ang pinakaayaw kong maging, but you made me that kind of person without me knowing. You don't betray the people you love, Zeus. Hindi ganyan ang pagmamahal . . ." Tumindig ito saka pilit siyang hinawakan sa magkabilang braso habang kumikislap ang luha sa sulok ng mga mata nito. "I was planning to tell you. I really do. Umpisa pa lang gusto ko nang sabihin--" "Then why didn't you tell me?!" A lone tear trailed down his face. "Because for the first time after I lost my parents, I finally found home again . . . and I was scared I'd lose it easily because of something I never wanted." He flashed a broken smile. "I was afraid to lose you, not because I wanted to lie to you this whole time." Her lower lip trembled. "Sinungaling." She sobbed and punched his chest over and over again. "Sinungaling ka!" Zeus stared at her while he's enduring all of her punches and screams. Nang manghina siya't humagulgol ay pilit siya nitong ikinulong sa isang mahigpit at tila nangungulilang yakap. "Please give me another chance . . ." namamaos nitong pakiusap. Roxie sobbed. She was about to push him away when she suddenly felt a strong surge of pain in her lower abdomen. The pain struck her core as if something is getting ripped inside her walls. Napapikit siya nang husto at nagsimulang dumaing habang sapo niya ang kanyang puson. Nag-aalala naman siyang tiningnan ni Zeus. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging pamumutla nilang dalawa nang makita ang dugo na dumaloy pababa ng kanyang hita. "R-Roxie, are you . . . are p-pregnant?" halos manghina niyang tanong. Hindi nagawang sumagot ni Roxie. The pain became more excruciating. Next thing she knew, Zeus was already carrying her to his car while silently begging God to keep her safe from whatever is going on . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD